PAGNINILAY-NILAY

32 0 0
                                    

Sa tuwing sasapit ang Semana Santa, ang madalas kong ginagawa ay ang mag-reflect sa kung kumusta na kaya ako bilang tao. Tatanungin ko ang sarili ko if I am still on the right track? Magbabasa basa ako ng mga sinulat ko na dati, tapos makikinig ng hindi ko madalas na pinapakinggan sa mga panahong ito - katulad na lang ng soft music, mga musikang magbibigay sa aking ng nostalgia. Tapos, titingin ng mga lumang larawan na kuha pa isang dekada na ang nakalipas, mga larawang magpapaalala sa akin ng nakaraan. Sa totoo lang, kahit self-inflicted ay epektib naman ang mga paraang ginagawa ko.

Sa pagninilay-nilay ko ngayon, naisip ko na malayo layo na rin ang daang tinahak ko.

Sa larawang ito ay mas bata pa sa akin ang edad ng aking Ina habang tina-type ko ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa larawang ito ay mas bata pa sa akin ang edad ng aking Ina habang tina-type ko ito. Sa edad na 23 ay ipinanganak na niya ako. Sa isang banda, mag-27 na ako ngayong taon, pero wala pa rin akong anak. Maraming dahilan kung bakit wala pa rin, mga dahilang hindi maiintindihan ng mga kaibigan kong nagpupumilit kung kailan ba ako susunod? Lahat sila meron ng mga supling. Ako? Eto trabaho, paglalakbay at pagsusulat ang inaatupag. Meron na sana akong anak noong isang taon, pero wala eh, nakunan ako. Siguro hindi pa talaga meant to be. Siguro, hindi pa para sa akin ngayong taon. Okay naman ang sex life namin ng asawa ko (kaya please lang, 'wag niyo na ako turuan ng iba't ibang style sa kung paano mabuntis), masasabi ko rin na sa panahong ito ay masaya kami dahil nagagawa namin lahat ng gusto namin nang walang inaalala. Hindi ko sinasabing mas masaya kami, ang sinasabi ko ay masaya rin naman kami ngayon, na kung darating man ang panahon na magkakaanak kami ay siguro mas lalong masaya. Ayoko pilitin dahil sabi nila, iba na kapag may anak ka na, dahil mag-iiba ang magiging prioridad mo. Kaya ko bang i-give up ang mga ginagawa ko, 'yan ang hindi ko masagot.


"Mahirap maging impokrito. Basta, masaya ako ngayon."


Ilalarawan ko ang sarili ko bilang isang Daddy's girl at Mommy's girl. Wala akong paborito sa kanilang dalawa, pareho akong malapit sa kanila, pareho ko silang mahal. Kaya naman ginagawa ko ang lahat para maging proud sila sa akin. Kung tagumpay ba ako doon, ay hindi ko alam, haha! Hanggang sa ngayon ay gusto kong nakakausap pa rin sila. Nakahiwalay na ako ng bahay pero alam kong ilang taon pa ang bibilangin at tatanda na rin sila. Ang gusto ko ay alagaan sila pag dumating ang panahong iyon.

Konting backtrack. Lumaki akong insecure sa hitsura ko, nawala ng konti ang baby fats kaya lubog na lubog ang mga mata at pisngi ko. Pumapasok ako sa eskuwelahan na PHP 20 lang ang baon, minsan wala pa dahil naka-lunch box naman kami. Hindi naman ako lumaki sa hirap, hindi rin lumaki sa karangyaan, sapat lang ang meron kami.

Noong teenager ako ay naging depressed din ako dahil sa maraming rason. Sa totoo lang, ay hindi ko masisisi ang mga teenager sa mga pinagagagawa nila ngayon, ang edad ng teenager ay napaka-komplikado, eto ata ang edad na pinipilit mong maging "belong". Nagkukumawala ang samu't saring emosyon, nakikilala mo nang mabuti ang sarili mo, nagkakaroon ka ng mga pagkakamali, pero ang mga taong mas matanda sa iyo ay susuwayin ka, ikukumpara ka sa iba tapos hihiyain ka pa. Ang teenager ang mga taong pinaka-misunderstood. Pinipilit nila ang mga sarili nila na maging iba, gusto nila na may marating, but the society despised them, as if they have not went through those similar experiences.

"Masuwerte siguro ako dahil mababait pa ang mga magulang ko. O dahil magaling din akong magtago at magsinungaling?" 

Sa kagustuhan kong maging belong, maaga akong nagka-boyfriend. Pakiramdam ko kasi kinaganda ko 'yon. Saka ko na lang na-realize na iba ang "Love" sa kagustuhan mong maging belong. Saka ko lang na-realize na mas malalim pa pala ang panggagalingan ng salitang "Pag-ibig". Jejejeje!

Maaga akong lumandi, kaya maaga rin akong nag-asawa. Pakiramdam ko, ikinatalino ko 'yon, hindi ako nagpabuntis, nagpakasal ako. Okay naman ang pamumuhay namin noong simula, away dito, away doon, dahil mga bata pa nga kami. Ang daming adjustments. Impokrito ako kung hindi ko aaminin na ilang beses na kaming naghiwalay. Saka ko lang na-realize na mahirap pala dahil walang divorce sa Pilipinas. Wala kang choice kung 'di i-work out ang isang relasyon. Actually, choice mo rin ang humiwalay, pero mahirap dahil lalong gugulo 'pag nagkataon. Pinili namin magpatawad at ayusin ang aming mga sarili. Who knows kung hanggang saan kami hahantong? Siguro tama na ang sabihing, "masaya kami sa ngayon". Anuman ang darating bukas ay, wa ako pakels!Ang asawa ko ang best friend ko ngayon. Matapos ang ilang taon ay marami pa rin kaming nadidiskubre sa isa't isa. Patuloy pa rin ang adjustments at compromise.

8 years later, sabay kaming tumaba at pumayat, tapos tumaba ulit.Importante ang magkaroon ng outlet, puwede kang maglaro ng sports, mag-travel, magsulat, magbasa, umarte, kumanta, mag-zumba, at kung anu ano pang eklavu. Isa kasi ito sa mga paraan para ma-diskubre mo ang sarili mo. Magkakaroon ka ng disiplina, hindi mo na kailangan pa sabihan, magkakaroon ka ng kusa na gawin ang mga bagay na gusto mo. Dahil sa nature ng trabaho ko, minahal ko ang paglalakbay. Actually pinangarap ko dati maging flight attendant kaso mahal ang tuition kaya hindi ko na lang tinuloy. Nag-take na lang ako ng accounting dahil sabi nila ikakayaman mo raw 'yon, sa bandang huli, ay hindi ko tinapos dahil kinailangan kong tulungan ang pamilya ko. Maaga akong nagtrabaho. Ngayon nga ay isa na akong travel specialist na madalas din sa isang taon kung mag-travel, ang kaibahan ko sa flight attendant ay mas lumalagi ako sa bahay at mas nakakasama ko ang pamilya ko, which I prefer.

Nakarating ako sa iba't ibang bahagi ng mundo. Nabuksan ang isip ko sa maraming posibilidad, marami akong natutunan.


"Na-realize ko na hindi lang pala ako ang tao sa mundo, marami pa pala. Marami tayo. Iba iba ng lugar, iba iba ng kulay at kultura, pero pare-pareho lang ang problemang pinagdadaanan. Nalaman ko na hindi pala ako nag-iisa, na kahit pala sa kabilang bahagi ng mundo ay iisa lang din ang kagustuhan nila - ang maging MASAYA. Iba iba lang tayo ng paraan sa kung paano mag-cope up."

Ang hirap mabuhay sa mundong ito ano? Kailangan lagi kang nakangiti at mukhang laging masaya. Kailangan lagi makipag-kompetensya... at MANALO, kailangan mo i-prove na mas magaling ka sa iba. 

Ang daming ine-expect sa'yo, gusto nila perpekto ka, pero sila hindi muna tingnan ang sarili nila. Balik tayo sa tunay na topic dito. Sa pagninilay nilay ko, naisip ko ano ba talaga ang dapat gawin para maging masaya ka? Ano ba ang nagdidikta na tunay kang matagumpay bilang isang tao? Kung ako ang tatanungin mo, masasabing isa kang matagumpay na tao kung sa paulit ulit mo na pagkakadapa ay pipiliin mo ang bumangon at muling harapin ang hamon ng buhay. Ano naman ngayon kung nakapag-publish ka ng isang libro na maraming nagbabasa? Ano naman ngayon kung marami ka nang narating na bansa? Ano naman ngayon kung marami ka nang naipon sa bangko? Ano naman ngayon kung marami kang kaibigan, kung pinapaligiran ka ng mga taong nagmamahal sa'yo? Hindi perpekto ang buhay ng tao. Walang "Happily, ever after". Forever kang huhusgahan, forever kang magkakaroon ng mga problema sa buhay. (Beh, may forever!) Matutulog ka, tapos pagkagising mo, laging may darating na bagong hamon sa buhay. Wala kang ligtas doon, hindi ka immune.


"Piliin mo kung saan ka magiging masaya, hindi sa ikakasiya ng ibang tao sa paligid mo."


Sabihin mo sa mga taong mataas ang ekspektasyon sa'yo, "Kiss my puwet!".

Ang dami kong alam ano? Teka nga, at makapag-almusal na muna. Baka gutom lang 'to. May na-achieve ba ako sa pagninilay-nilay ko? O nagsisinungaling na naman ako sa sarili ko? Well, sana nga meron. Meron. MERON!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unang HalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon