Unang Roadtrip I

38 2 0
                                    

Naaalala ko pa kung paano ako namangha sa mga bukiring kulay luntian na aming dinaanan habang binabagtas ang isang kalye sa Tarlac na hindi ko na maalala kung ano ang pangalan. Ang tanging rason kaya kami naroroon ay para mabisita namin ang Monasterio de Tarlac. Sikat ito dahil hindi biro ang sukat ng rebulto ni Hesu Kristo na siyang nakapuwesto sa isang burol. Sinearch ko ito bago nagsimula ang trip naming magkakaibigan, at dahil ito ang kauna-unahang roadtrip namin ay ginalugad ko ang internet sa kung ano pa ba ang mga lugar na puwede naming bisitahin. Balak naming ikutin ang hilagang bahagi ng Luzon, magsisimula sa Clark, papunta sa Pangasinan kung saan kami a-attend ng ika-50 kaarawan ni ate Elsie, at pagkatapos ay tutuloy kami sa Bolinao, sa Vigan at hanggang sa Laoag. At pagkatapos ay magtutuloy-tuloy kami sa silangang bahagi ng Luzon pabalik kung saan kami nanggaling at saka magte-take ng flight pabalik sa aming mga trabaho sa siyudad ng Hong Kong. Sounds like a perfect plan!

Kaya lang, may isang problema...

Naliligaw na kami.

At hindi namin alam kung nasa tamang daanan pa ba kami, dahil kung kanina ay may konkretong kalsada kaming dinadaanan, ngayon ay puro bukirin na lamang. Wala na ang kalsada. Tiningnan kong muli kung anong oras na, alas kwatro na ng hapon. Alas nuwebe dumating ang eroplanong sinasakyan namin, nagtagal kami sa airport dahil hinihintay namin na dumating ang sundo namin - sina kuya Fidel at ate Tess. Nakaalis na siguro kami ng airport by around 10:30 a.m. saka dumiretso kami sa may SM Clark kung saan kami ay nananghalian muna sa food court. 

6 kaming nakasakay sa eroplano at dahil gusto naming nasa iisang hanay lang kami ay sa pinakalikod kami nilagay ng airline staff - sa hanay na walang bintana. Good job, Cebu Pacific! Pero what do you expect sa isang budget airline 'di ba? Promotional price ang nakuha naming airfare kaya naman wala kaming choice. 

Pinagigitnaan ako nina ate Cherry sa aking kaliwa, at ni Joyce sa aking kanan. Kailan ko lang nakilala si Ate Cherry, siguro mga 6 months na, kaibigan siya ng isang kaibigan, nagtratrabaho sa airport bilang taga-linis ng mga eroplano. Mabigat man ang trabaho ay kinakaya niya dahil tatlo ang naiwang anak sa kanya ng yumaong asawa. Musikero sa Hong Kong ang kanyang asawa, hindi ko man ito nakilala, ay kitang kita ko na hindi pa rin maka-move on si ate Cherry. Madalas niya pa rin binabanggit ang pangalan nito, minsan nagkukuwento siya, madalas din siyang nagpo-post ng larawan nito sa social network na may caption na "we miss you". Nakakalungkot, oo. Kaya naman sinabi ko sa sarili ko na sisiguraduhin kong mache-cheer up siya sa paglalakbay naming ito. Nasa eroplano pa lang kami ay pinaghahatian na namin ang isang headset at sabay na nakikinig sa saliw ng musika na siyang ibinubuga ng aking cellphone. Kahit saglit ko pa lang siya nakikilala ay masasabi kong close na agad kami. 

Sa kanan ko naman ay ang intsik kong kaibigan na si Joyce. Naging magkatrabaho na kami mula sa dating kumpanya, pero hindi pa kami close nu'n. Mula nang magtrabaho ako sa kumpanyang iyon, hanggang sa umalis ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataong makapag-bonding man lang. Naging close lang kami dahil inalok ko siya ng binebenta kong swarovski dati na made in Canada. Ayun at naging customer ko siya at since then, madalas na kaming nagcha-chat at nagha-hang out. Paminsan-minsan nagha-hike kami sa mga kabundukan ng Hong Kong, minsan naman ay iinom kami sa bar. Chill lang. 

Sa kabilang hilera ay ang mag-best friend na sina ate Carla at ate Doris, nandiyan din ang boyfriend ni ate Doris na tinatawag naming Verma, isang Indiano. Sa parehong kumpanya ay naging close na kami ni ate Carla dahil siya ang naging mentor ko, kahit pa matigas ang ulo ko dati ay naging pasensyosa siya. Sila ni ate Doris ang madalas kong kasama kapag nagtra-travel sa ibang bansa, masaya at kalog kasama, in short pare-pareho kaming kaladkarin. 

Sa totoo lang ay mukhang maganda ang kombinasyon ng grupo namin, multi-cultural: may Instik, Pilipino at Indiano. Nagtatawanan lang kami sa likod ng eroplano, sa isip-isip ko ay sana magtuloy tuloy na. Bakasyon namin ito, 10 araw na pahinga, malayo sa trabaho lalong lalo na sa ingay at gulo ng siyudad.

Unang HalikWhere stories live. Discover now