Unang Weird Show

24 0 0
                                    

Ilang linggo na ang nakakaraan mula nang mapanalunan ko ang libreng dalawang gabi na pag-stay sa isang hotel sa Bangkok, ang Banyan Tree. Sa totoo lang ay nahatak lang ako ng katrabaho ko na si Ming, ang sabi niya, marami daw akong matututunan sa roadshow na ito. Sa bandang huli ng event na iyon ay nagkaroon ng pa-raffle kung saan nadampot ang name card ko. Kilala ang brand na ito sa mundo, lalong lalo na sa Asya dahil sa mala spa-themed ng lahat ng hotel nila. Hindi pa ako nakakatungtong ng Thailand kaya naman ay nagdiwang ako sa napanalunan ko, kaya lang, hindi pupuwedeng sumama sa akin si hubby dahil wala na siyang leave. Inimbitahan ko na lang ang dalawa kong kaibigan na sina ate Doris at ate Carla, sa tingin ko kasi ay mas "less-stress" kapag kaibigan mo ang kasama mo sa pagta-travel. Wala akong dapat sawayin at sarili ko lang ang aasikasuhin ko. Tamang tama, buwan ng Oktubre, buwan ng kaarawan ko. Ito ang aking magiging birthday trip. Ayos 'to!

Nag-book kami ng ticket gamit ang Emirates airline, isang sosyaling eroplano pero nakuha namin ng mura dahil sa promo. Dalawang gabi lang ang napanalunan ko kung kaya ay binayaran namin ang pangatlong gabi, para sulit na sulit ang mahabang weekend. Nang makasakay kami sa eroplano ay una kaming binigyan ng mainit na tuwalya para ipamunas sa aming mga kamay, kasunod nito ang pag-abot sa amin ng pagkain at syempre, champagne! "Cheers!" Itinaas namin ang baso at saka nag-selfie bago ininom ang laman nito. May pagkakalog sina ate Carla at ate Doris kaya madali lang sila pakisamahan. Kikay din sila katulad ko. Siguro, kung ilalarawan ko ang sarili ko gamit ang isang salita, ito ay "easygoing", siguro dahil kikay man ako, ako yung tipo ng tao na puwede mong pakainin kahit saan. Nung panahon na ito ay hindi pa uso sa akin ang magreklamo. I was an easygoing person. Eto ang una naming trip na magkasama, lingid sa aking kaalaman ay hindi rin ito ang magiging huli dahil masusundan pa pala ito ng maraming paglalakbay sa hinaharap. 

Hatinggabi na nang makarating kami sa Bangkok. Sinundo kami ng isang sasakyan na siyang nai-book ko nung isang linggo pa. Pagdating namin sa hotel ay nagcheck-in na kami agad. Sa kwarto naman ay agad kaming nag-shower at saka natulog, magiging mahaba ang araw namin bukas. Nung sumunod na araw ay binisita namin ang mga popular na lugar sa Bangkok. Maganda ang Bangkok, moderno ang siyudad at mukhang okay ang mga tao. Sumakay kami ng local ferry at nakita ang mga sikat na templo. Malaking porsyento ng mga taong nakatira dito ay may relihiyong Buddhist, kaya nagkalat ang mga templo kung saan makikita mo ang estatwa ng Buddha, yung iba ay gawa sa ginto. May naging istorya pa nga ang naging guide namin dito sa Bangkok, ang bansang Thailand daw ay hindi nasakop ng kahit na anong bansa dahil maayos na negosasyon daw ang ginawa ng hari nila. Para hindi sila sakupin ng mga dayuhan, ang hari daw ay nagbigay ng ginto, kaya dumating ang panahon na naubos ang ginto sa kanilang bansa. At least naman daw ay hindi naging alipin ang kanilang bansa, hindi ito nasakop katulad ng mga karatig bansa. Pinapatunay nito na noong unang panahon ay may maayos na sistema ang Thailand. 

Nang gabing iyon ay nagdesisyon kaming kumain sa rooftop restaurant ng Banyan Tree. Hindi na kami nag-ayos, basta shorts at tsinelas lang ay gora na. Sa kasamaang palad ay hindi kami pinapasok, bawal daw ang naka-tsinelas lang. Kailangan daw smart casual. Litsi. Tinamad na kaming bumalik sa kwarto para magbihis pa ulit, kaya doon kami sa plan b. Plan B. :)  

Nagbasa basa pa kami ng tripadvisor bago kami pumunta dito, at isa sa mga bukambibig sa website na ito ay ang mga bars kung saan nagkalat ang mga babae at lalake na nagdadamit na babae. Marami sa lalake na nagdadamit bilang isang babae ay mas sexy pa, yung iba ay kalahati lang ng katawan ko, kaya naman nahiya ako sa kanila teh. Payat pa ako nung panahon na ito, pero mas sexy pa yung bakla sa akin. I felt ashamed. Pero nawili naman talaga ako ng sobra. Nang gabing iyon ay naglakad lakad kami habang kumakain ng street food. Yung ibang binabae ay sumasabit sa kung saan may pagsasabitan, lumalambitin sa pole at umiikot-ikot pa. May magi-split sa harap mo tapos kikindat. Parang circus. Nakatakip lang ang bandang dede at puke, tapos mataas ang mga suot na boots. Wala akong masabi. Totoo nga ang mga narinig ko. Available na available ang babae dito sa Bangkok, kaya naman ay puntahan ito ng mga foreigner. Makukulay ang mga ilaw sa kalsadang iyon, para kang nasa wonderland. 

Unang HalikWhere stories live. Discover now