May biglang kumatok at sabay kaming napalingon doon.

"Ma'am, pwede niyo na po makita ang kuha ng CCTV."

Sinundan namin yung lalake papuntang office nila. Pinanood namin ang CCTV clip sa hallway na yun nang may napansin ako.

"Teka, paki-rewind po yun."

May nakita kaming isang lalake na naka nerdy glasses at naka hospital mask kaya tagong-tago talaga ang mukha niya. May dala-dala siyang mga papel kaya aakalain mong doktor talaga siya. Naghintay pa kami ng ilang minuto hanggang sa dumating si Jodi at pumasok sa kwarto.

"Diyan ko nakita yung traces ng mga dugo at napansin yung pagkawala ni Jimin," paglalahad niya. Maya-maya ay bigla nalang siyang lumabas at saka tinawag ang mga pulis.

"Nakakapagtaka, hindi natin nakitang lumabas yung lalake at si Jimin," Bulong ni Angela.

Nakakunot lang ang noo ko sa buong oras na pinapanood ko yung clip ng CCTV.

"Anong oras ho yung pumasok yung lalakeng nakatakip ang mukha? Paki-rewind po ulit," Utos ko doon sa operator. Ni-rewind niya naman at binigyang pansin namin yung oras na pumasok yung lalake. 19:23. Ibig sabihin 7:23pm. Hinintay naman namin yung oras ng pagpasok ni Jodi. 20:03. 8:03pm siya pumasok. Eksaktong 40 minutes. Ano kaya ang ginawa nung lalake at paano niya kaya nalabas si Jimin sa loob ng 40 minutes?

Pagkatapos nilang mapanood 'yon ay umayos na sila ng tayo at nag-usap usap. Ako naman, pinagpatuloy ko ang panonood sa CCTV. 2 minutes. 2 minutes bago nakalabas si Jodi mula sa kwartong iyon. Para namang sapat na iyon na oras para makapagreact sa nakita niyang dugo.

Naalis ang pagdududa ko kay Jodi dahil doon. Mabuti nalang. Mabuti nalang at lumabas siya agad dahil kung hindi siya lumabas agad at nagtagal pa doon, baka tuluyan na akong magduda. Ako pa naman, kapag nagdududa, hindi maganda. Kikilatisin ko talaga ng mabuti ang taong pagdududahan ko.

Hindi na ako nagpaalam at dere-deretso na sana akong lalabas nang tawagin ako ni Angela.

"Saan ka pupunta?"

"Sa kwarto ni Park Jimin."

Bumalik ako sa kwarto niya para mapag-aralan ito ng mabuti. Naramdaman ko namang sumunod sina Angela't Jodi.

"Base sa pattern ng dugo, maaaring sinadya itong iwan ng kumuha kay Jimin para lituhin tayo. Nakabandage naman si Jimin at gamot na ang mga sugat niya. Imposible namang dumugo siya ng ganyan ulit maliban nalang kung.. sinugatan ulit siya."

Natahimik ako sa sinabi ni Jodi. Lumabas ako at hinanap ang head officer ng pulis. "Bantayan niyo ang loob at labas ng kwarto. Siguraduhin niyong walang papasok na tao."

"Anong gagawin mo, Mikaela?" Tanong ni Angela habang nakakunot ang noo.

"Ipapapunta ko dito ang forensics team. Ipapa-check natin kung kaninong dugo iyan."

-
Angela's POV

Pagkatapos naming makausap ang forensics team ay agad na akong umalis. Pupuntahan ko si Wang Jackson.

Dumiretso ako sa main building ng JYP at kahit na harangan pa nila ako, nakapasok parin ako dahil may karapatan naman ako.

"Bakit ho kayo naparito?" Tanong nung representative na nakausap ko kaninang umaga.

"Asan si Wang Jackson?"

"Papunta pa ho pero--"

"Dalhin niyo dito si Wang Jackson."

At tila ba may kapangyarihan ang mga salita ko, bigla nalang bumukas ang pintuan at pumasok si Jackson.

"Saan mo dinala si Jimin?"

Blangko lang ang mukha niya nang ilapat niya ang paningin niya sa akin. "Wala akong alam."

Pinaningkitan ko siya ng mata pero hindi siya nagpatinag. "Sa pagkakataong ito Jackson, ikaw lang ang masisisi. Ikaw ang dahilan ng pagkaka-ospital niya tapos ngayon nawawala siya. We have no choice but to question you."

"Kahit ano namang sabihin ko noona, hindi mo paniniwalaan."

Natahimik ako nang nakita kong may kokonteng luha ang namuo sa mata niya. Wala akong maisagot sa sinabi niya pero hindi ako masyadong magpapaapekto.

"Go on, say your alibi."

"Wow, alibi.." Tumawa siya at napailing. "Simula nung nahuli mo ako hanggang ngayong pagkakataong nag-uusap tayo, nasa building lang ako ng JYP. Kahit i-check mo pa lahat ng CCTV dito, makikita mong 'di talaga ako umalis. This is my alibi."

Hindi ako nakuntento sa sagot niya at mas lalo akong hindi natuwa sa pagiging sarkastiko niya. "Baka naman may inutusan ka para gumawa ng trabaho mo at nang magkaroon ka ng matibay na alibi?"

Ngumisi lang siya at umiling, "Confiscated phone ko."

Tinitigan ko ng matagal ang mukha niya para maghanap ng kakaibang reaksyon pero wala akong nakuha. Blangko lang talaga ang mukha niya.

Tumayo na ako at saka hinarap ang respresentative ng JYP, "Gusto ko lang na malaman niyong maibabalita talaga ang pagkawala o pagkakidnap ni Park Jimin. Hindi ito matatago sa media. Kahit na nagdisband na ang Bangtan, kilala parin si Jimin. Kung may magtatanong man kung bakit siya napunta sa ospital, kayo na ang bahalang gumawa ng paraan para malusutan iyan."

Tinalikuran ko na sila at saka lumabas na. Nakakapagod 'tong araw na 'to. Nakakapagod mag-isip.

Bakit naman kaya kinidnap si Park Jimin?

-
question:
Sa tingin niyo, sa anong dahilan kinidnap si jimin?

Who Killed Jeon Jungkook?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon