Tula. Bow!

562 3 1
                                    

Ginawa ko 'tong tula na 'to nung college pa 'ko. Kahit bulakbolero rin akong bata, medyo may bahid din naman ako ng pagiging makabayan kahit hanggang tula lang. Lol. 


"Ano Na?"


Munti kong tinig ay 'di na maulinigan,

Nilamon ng ingay mula sa kung saan-saan,

Ano nang nangyari sa kinagisnan kong kanlungan?

O, sa'n na napunta ang yumi ng bayan ko?


Hamak kong kilos ay 'di na masipyaho,

Nilapa ng ligalig nitong lipunan ko,

Nasa'n na ang katahimikang dati'y pinaglabang matamo?

O, sa kalayaang sumisiil ngayon'y tayo mismo?


Impit kong hakbang ay halos nang mapugto,

Tinanikala nitong bayang nilapastangan ng pagbabago,

Nilasing ng kanya-kanyang pagkaganid,

Nilunod ng pagkauhaw na walang patid.


Ano nang nangyari sa mga pangarap ng dakilang si "Pepe"?

Sa'n na nasilid ang mga pinanangis at sinakripisyo ni Andres?

Sa'n na nakaladkad ang mga paa ni "Juan"?

Sa'n na nadarang ang mga lagalag nating hakbang?


Ito pa rin ba ang Pilipinas na bayan ng magigiting?

O, isa pa ring bayan ng ating "Luha't dalita"?

Ito bang tinatawag nating "demokrasya"?

Tayo nga ba'y malaya na?

Ano na?


*** Sana naunawaan mo yung mensaheng gusto kong iparating***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sarangola ni Pepe (Inspired by "Heneral A. Luna")Where stories live. Discover now