"Generation Gap"

74 5 4
                                    

"Iba na talaga ang mga kabataan ngayon..tsk tsk.." --- Noong bagets pa 'ko at hindi pa uso ang salitang "bagets", laging itong himutok na 'to ang naririnig ko sa mga matatanda. Kesyo raw iba na ang mga trip sa buhay naming mga bata at hindi na raw kagaya dati na magagalang at nadadaan pa sa kamay na bakal ang pagkasutil na kundi sila pinapaluhod sa munggo eh sinisinturan ng maka-ilang ulit ang puwet para magtanda. Pero iba na raw yung kapanahunan namin. Iba na ang mga kabataan na 'di gaya ng sa kapanahunan nila.


Sabi ko naman, eh ano bang paki' ko sa panahon niyo eh mikrobyo pa lang naman ako nu'n. Hindi ba uso ang pagmo-move on at kailangang tumambay talaga sa kung anong "Era" mo gusto?


Pero ngayong matanda na 'ko,

ay, mali!

Ulit!

Take 2, direk!


Ngayong medyo matanda na 'ko (ayan, much better! Lol.) at isang dekada na lang eh tatapak na sa sinasabi nilang "life begins at 40" eh parang nauunawaan ko na yung himutok ng mga magulang ko dati. Ako na ngayon ang sumesenti at nagsasabing, "iba na talaga ang mga kabataan ngayon..tsk tsk..".


Ito na ata ang karma ko sa pagpapahirap ko sa mga magulang ko dati. Lol.


Paano nga ba sila naging iba? Dahil ba hindi ko trip yung trip nila at 'di rin nila masakyan yung trip namin eh "Generation Gap" na agad ang ending?


Kung tinahak mong pagiging bata sa kasagsagan ng "90's Era", nakikisabay sa tugtugan ng Parokya ni Edgar, River Maya, Side A, Siakol at iba pang OPM's, Oh bumo-boyband songs ng Boyzone, BackStreet Boys, West Life, Oh nakikipag-trade ng 'song hits' sa kaklase mo na P15 lang sa labas ng school, oh bumabakas sa 'Teks' nung elementary na kundi "Dragon Ball" eh "Ghost Fighter" ang pini-pektus sa ere, at iba pang trips sa buhay noong 90's Era eh magkakasundo tayo at mauunawaan mo sigurong "iba na talaga ang mga kabataan ngayon".


Iba na silang magsalita, gumalaw, makipagusap sa kaedad man nila oh sa mas nakakatanda at lalong iba na sila umangulo sa profile pic nila sa FB kaysa sa'yo. Lol.


Hindi dahil sa hindi mo kayang mag-duck face, mag-pout ng perfect oh sumelfie ng full effort habang tinitingala ang camera at noo oh cheek bones mo lang halos ang sumasakop sa 3/4 ng piktyur dahil sobrang zoom-in ang napili mong angulo, kundi dahil na rin siguro 'yun na ang usong trip ng mga kabataan ngayon.


Hindi ko alam kung saan nila hinuhugot ang kaibahan nila. Dahil ba mas marahas na sila makipag-usap sa mga nakakatanda sa kanila na tila nasabuyan ng Vetsin ang dila kung maka-angal sa inuutos sa kanila? Oh dahil ba mas gusto na nilang ilaan ang buong araw na nakikipag "staring contest" sa cell phone at dinidibdib ang pagko-compose ng ipo-post sa 'social media' na nababalot sa ka-jejemohan?

 

Ano ba kamo ang "jejemon"?


Ganito kasi 'yon...

Sarangola ni Pepe (Inspired by "Heneral A. Luna")Donde viven las historias. Descúbrelo ahora