"Masahol pa sa malansang fish!"

37 4 0
                                    

"Ang taong di marunong magmahal sa sariling wika, ay masahol pa sa malansang isda." ---- 'Yan yung motto sa buhay ng mga taong umani ng palakol na grado sa English Subject nila. Mga bitter sa mga taga-Call Cenner at sa iba pang fluent sa English. Lol.


Pero, seryoso, bakit nga ba bukod sa kapatiran ng mga jeJeMonZ, eh laganap din yung mga kabataang nadampian lang ang palad ng kape ng "Starbucks" eh umi-English na ng perfect kahit 'di na kayang itaguyod? Kahit tumatagas na ang dugo sa ilong, bira pa rin ng bira. Konyo't konya kumbaga.


Mula sa salitang "Kolonyalismo", dahil sinakop tayo ng paniniwalang mas angat ang ibang lahi kaysa sa'tin lalo na ang sa mga Amerikano (Lakas ko maka-Kuya Kim sa pag-e-explain ng Etymology na 'to. Lol).


"That's so Eewww! Very kadiri nemen nyan! Like, it's kinda kanal levels for my thingy.."


Nope, hindi 'yan dialogue ng mayayaman oh elitistang bata. Um-English lang mayaman na agad, hindi ba puwedeng 'social climber' lang muna? Oh, nagagalit ka na agad! Sabi nang mali ka kasi ng Wattpad Story na binabasa. Hindi ito para sa'yo. Lol.


Sabi nila, mapalad daw yung lenguwahe natin dahil 'di gaya ng "Latin" na "patay na Lenguwahe" na dahil hindi na nadaragdagan ng salita, yung sa'tin eh gaya ng English Language eh malayang umuunlad at nadaragdagan sa paglipas ng panahon.


Ang tanong, pag-unlad nga bang maituturing ang paglago ng Wikang Filipino na ang simpleng "kamusta" noon eh napalitan na ng "MuzTah", "WazZup", "Zup", oh "kamustasa kalabasa" ngayon? Maraming nadagdag sa Wika natin na sa sobrang tulin ng paglago eh nakakalito na minsang makipag-usap sa kapwa mo tao. Lol.


"Wichikelya bang-bang dahil na-Lucresia Kasilag aketch kaka-Crayola over a cup of tea kay jowaWerZ kaya nga wit na akey bambini cologne summer fresh!"


Nope! Hindi 'yan isang orasyon sa mga nadu-dwende at hindi rin 'yan 'Chinese Mandarin'. Pinoy na pinoy po 'yan at "only in the Philippines" ang setting. "Gay Lingo/Language" na ata ang pinaka-makulay at dynamic na lenguwaheng sumibol sa balat ng Pinas. Gaya ng "Jeje World", hindi ko rin lubos maisip kung saan nila hinuhugot yung tatas nilang pasalimuotin yung simpleng usapan.


Yung sasabihin mo lang na "hindi puwede" eh ba't kailangang pakomplikaduhin para maging "Wititit, sabi ng ibong tiririt"? Although, nakakatuwa talaga sila pero habang lumalaon at nagagamit mo na siya ng lubusan, hindi ko ma-imagine kung magiging talamak ang paggamit nito at sa hinaharap eh ito na ang maging "medium of communication" ng marami sa'tin na tipong nag-mutate na ang Filipino Language at nalipstickan na ng 'Beki Language'.


Hindi ko sinasabing masama maging 'beki' at inappropirate ang lenguwaheng nabuo nila. Wala akong masamang tinapay sa kanila ni general. In fact, lahat halos ng mga beki sa mundo ay nabiyayaan 'di lamang ng creativity kundi ng kakaibang talino. Achievers ang karamihan sa kanila at mas lalaki pa kesa sa tunay na lalaki dahil sa paninindigan. Pero ang pinag-uusapan dito eh purely "Gay Lingo". Masaya siya at aliw kung aliw kung joke time ang usapan pero kung normal conversation at magpapasabog ka ng "Witchkelya Marie! Puritabels!" sa isang payak na usapan, eh medyo "off" na ata itaguyod ang isang matinong usapan 'pag ganu'n.


Ang malupit pa nito eh kung magsanib puwersa ang mga "JejeMonz" at "Bekilerz" pati na ang mga "konyo/a dudez" para buuin ang kapisanan ng mga "BekiMonz" sa Pilipinas. Dyusko Lord!


Alam ko namang naintindihan mong sentimiento ko at pasensya na kung tunog "online ranting" ang datingan ng sinulat ko na 'to, pero ilang taon/dekada mula ngayon, kung abutin ko man 'yon, at mabasa ko ulit ito, siguro iba na ang mga kabataan nu'n. Yung mga bagets na tinutukoy ko rito na nahumaling sa tugtugang Daniel Padilla eh mga parehong readers pa rin na sila namang magsasabing "Iba na talagang mga kabataan ngayon..tsk tsk.."


Ano na kayang uri ng kabataan ang mabubuo ng lipunan natin sa hinaharap? Ano na kayang uri ng Lenguwahe ang magiging produkto ng kung anong napapanuod natin ngayon? Ito ba ang uri ng "legacy" na gusto nating kamulatan ng susunod na henerasyon?


Naisip mo na ba 'yan?


bayan?

Sarangola ni Pepe (Inspired by "Heneral A. Luna")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon