"Sarangola ni Pepe Part 2"

80 3 2
                                    

Matayog ang pangarap dati ni "Pepe" para sa bansang ito.


Sabi nga sa kanta ni Celeste Legaspi:


"Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe

Matayog ang pangarap ng matandang bingi

Umihip ang hangin, nawala sa paningin

Sigaw ng kahapon, nilamon na ng alon

Malabo ang tunog ng kampanilya ni Padre

Maingay ang taginting, rosaryo ng babae

Nay... Nay... Nay... Nay...

Nay... Nay... Nay... Nay... "


Pero ngayon, yung kaparehong sarangola na inasahan ni Pepeng lilipad ng matayog eh tipong nabalaho sa poste, nasunog at unti-unti nang bumubulusok pababa.


Ang problema ay wala sa mga pulitiko natin, wala sa mga kabataang jejemon, wala sa kahirapan ng Pinas, ang problema ay ang pinagsama-samang pagiging makasarili natin na nagdudulot ng lahat ng nabanggit: Buwayang pulitiko, bobotante, delingkwenteng kabataan, kahirapan, imoralidad etc. Sa mga sarili natin nagsisimula ang problema. Panahon pa lang ni Emilio Aguinaldo, uso na ang korupsyon.


Sabi nga ni Heneral Luna: "Mayroon tayong mas malaking kalaban... Ang ating mga SARILI!"


Kung sa mga sarili natin nagsisimula ang problema, 'di ba mas magandang sa mga sarili rin natin simulan ang solusyon?


Ikaw ano na bang nagawa mo para mapaunlad ang sarili mo?

Ang kapwa mo?

Ang bayan mo?

Puro ka lablayp!

Puro landi!

kakatihan!

Nakakahiya naman sa higad.


Oh, nagagalit ka na naman. Sinasabi ko lang na may mas makabuluhan pang bagay sa bawat paggising mo araw-araw.


Naisip mo bang gumawa ng bago?

Ng ikaka-unlad ng kakayanan at utak mo?


Puro ka pa-pogi at pa-cute, pero lumulutang naman sa knorr cubes yung sabaw ng bungo mo.


Hindi tayo ginigising ng Diyos sa umaga para lang makipag-chika-minute ka sa kaibigan mong nuknukan din ng chismosa.


Magbasa ka! Mag-aral. Tumulong sa mas nangangailangan sa'yo.


Bigyan mo ng ikakatuwa ang magulang mo. Yung ikaka-proud nila sa anak nila.


Yung makakatulong sa'yo balang araw.


Yung makakapagdala sa'yo ng "success" sa trabaho man oh sa magiging pamilya mo balang araw.


Darating ang panahon, ikaw naman ang magiging ina/ama ng mga anak mo sa hinaharap.


Gusto mo bang magpalaki ng mga kabataang suwail sa sarili nilang magulang?


Mga kabataang mas tutok pa sa 'jowa' kaysa sa pag-a-aral?


kumekerengkeng na ng wagas pero "I love you" lang hindi pa mai-spell ng tama.


Ang haba na ng litanya ko, pero alam ko namang karamay kita sa pagbabago.


Sa pag-log-off mo ngayon sa Wattpad, isipin mong maaari mong gawing tulong para maiba ang 

kalakaran ng mundo nating "Morally declined".


Kasanga ba kita?


Buti naman!


*Apir!*

Sarangola ni Pepe (Inspired by "Heneral A. Luna")Where stories live. Discover now