7: C H A S E 3

Magsimula sa umpisa
                                    

But where the fck is he..?

Napalingon ako sa kung saan-saan. Maybe he's not here.. Or maybe I'm just hallucinating.?

Tsk.

Napag desisyonan kong magtanong-tanong sa mga tao dito tungkol kay Near. Baka sakaling alam nila kung saan tumatambay yun sa tuwing tumatakas sya!

"Excuse me, pumupunta ba dito si Near?" tanong ko sa Librarian.

"Huh? Near? Walang ganyang pangalan ang nag-aaral dito sa Arakarisma," sagot nung librarian habang nag-aayos ng libro.

Napataas naman ang kilay ko sa sagot nya.

"Sinabi ko bang dito sya nag-aaral?" tanong ko sakanya.

"Eh ano pala?" inis na sabi nya atsaka itinigil ang ginagawa nya.

He's not old or whatever. Feeling ko nga kaidad lang namin 'tong librarian na'to eh.

"He lives here," sagot ko.

"Trust me. Lahat ng taong nakatira sa Village na'to at ang lahat ng taong nag-aaral sa School na'to ay kilala ko. Walang NEAR na nakatira dito," sagot nya.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Ginagag# ba ako nito?? Kapatid sya ng DEAN ng School na'to tapos sasabihin nyang hindi nya kilala?

-__________-

"Kamag-anak sya ni Dean Alchemist," sagot ko. Baka kilala nila si Near sa ibang pangalan..

Imposible naman kasing hindi nila kilala si Near diba? Lokohan na'yun.

"Ah.. Baka si Memphis ang sinasabi mo! Sya lang ang nag-iisang kilala nami na kamag-anak ni Dean Alchemist na nakatira rin dito eh," sagot nya.

Baka nga sya yun..

"Anong kulay ng buhok nya??" tanong ko.

"Black 😂😂!" sagot nya.

"Eh yung mata?" tanong ko ulit. Ang alam ko puti ang kulay ng buhok ni Near at asul ang kulay ng mata nya..

"Uhm.. Pula," sagot nya.

Hindi nga sya si Near.

Pero ba't ganun.. Sigurado ba syang hindi nya kilala kung sino si Near..?

Imposible namang pinaglo-loloko kami ni Dean Leur dahil nakita na sya ng kakambal ko..

He's Fcking Weird.

=___________=

"Thanks," sagot ko atsaka iniwan na sya.

Panghuli na'tong Private Library na chineck ko.. Pumunta na ako sa Garden at sa iba't ibang private rooms pero walang lalaking may PUTING buhok at ASUL na mata ang nandoon.

Gutom narin ako ugh! >______<!

Muli akong napalingon sa last bookshelf na chineck ko kanina..

Unravelling Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon