Chapter 8 - My Best Friend

20 1 0
                                    

Chapter 8

Jonar’s POV

“Bitawan mo ang iPad ko!!!” sigaw nung babae tapos bigla kong naitapon sa sahig yung iPad.

“Oh no, yung iPad ko. Hoy ikaw! Ikaw na kapre! Bakit mo pinapakialaman to eh hindi naman sayo to ah. At bakit ka nandito sa taas? Di mo ba alam na nandito na yung bagong may-ari nitong bahay kaya dapat wala ka dito sa mga kwarto. Isusumbong kita! Hmp.” Aalis na sana sya kaso ayoko naman unang gabi ko dito sa subdivision eh may eksena kaagad ako. Hinawakan ko yung braso nya para pigilan sya.

“Ano ba? Bitawan mo nga ako. Magsusumbong ako.”

“Miss, relax ka lang. Ako si Jonar Silverio. Anak ako ng bagong may-ari ng bahay na to. Naglilibot lang ako at pumipili ng magiging kwarto ko. Hawak ko yung iPad mo kasi naiwan mo to dun sa may kama mo. Syempre binuksan ko para malaman kung kanino at para maibalik ko. Hindi ako trespasser at hindi ako magnanakaw kaya chill ka lang. Okay?” sabi ko at kumalma naman sya.

“Ayy. Ganun ba? Ahm, pasensya ka na ha. Hehe. Masyado lang akong na-overwhelm dahil alam mo na, may bago na kasing titira sa dati naming bahay.” Sabi nya tapos napatingin sya dun sa braso nya na hawak ko pa din kaya unti-unti ko namang binitawan. Clingy lang ang dating eh. Haha.

“Hindi, ayos lang. Creepy din naman kasi ang dating ko. Haha. So ayun, pakilala ulit ako ha. Ako si Jonathan Archibald Silverio, Jr. pero Jonar ang nickname ko. Incoming third year Com Sci student sa UST. And you are?” sabay offer ng hand para gentleman ang dating.

“Kristal Mae de Jesus, one half of the de Jesus princesses, Kristal na lang tawag mo sakin. Former owner of this house and incoming second year Pharmacy student sa UST din. Nice to meet you, Jonar.” Naghandshake kami tapos nginitian nya ko. Shemay. Ang ganda talaga.

“Likewise. So parehas pala tayo ng school. Teka, second year Pharma ka. Kilala mo ba si Andi Villena?”

“Oo, bestfriend ko sya, actually bestfriend namin ng kakambal ko. Bakit?”

“Ahh wala. School mate kasi sya dati nung bestfriend ko ngayon.”

“Wait, si Brian Carpio? Third year Com Sci right?”

“Oo, bakit mo alam?”

“School mate ko din kasi sya. Pareho kami ng school nila Andi and Brian since elementary. Nakikita mo yung malaking bahay sa may tapat ng bahay nyo?” tumango naman ako, “Yan, bahay yan nila Andi. Meaning, kapitbahay mo sila. So, madalas ba ditong tatambay si Brian?”

“Talaga? Ang laki laki naman ng bahay nila. Hmm, siguro madalas din kasi ayaw nun sa bahay nila minsan. Haha.”

“Ahh, okay. So, ito ba ang room of choice mo? Sabi mo kasi kanina naghahanap ka ng pwedeng maging kwarto mo.”

“Oo, mas gusto ko to kaysa dun sa katapat nito kasi mas malaki tapos ayos yung distance ng bed sa wall para mai-set up ko ng maayos yung tv and video game consoles ko.”

“Yan din yung purpose ko nung pinili ko to for my room. Haha. Yes, former room ko to. Di halata kasi hindi pink. Mahilig din kasi akong mag video games, well, Just Dance lang naman pero video game ng maituturing yun.”

“Tapos sa kakambal mo yung katapat na room?”

“Yes.”

“Nice. Pwedeng room ni Drielle yun pag magsstay sya dito.”

Naputol yung pag-uusap namin nung may nagtext sa kanya.

“Um, Jonar, baba na tayo kasi nagtext si Andi, hinahanap na daw ako ni Tita Mina.”

“Yung English speaking kanina? Osige, after you.”

“Haha, oo, mommy ni Andi yun.”

“Yikes, strike ako. Haha.”

“Ayos lang, ganun talaga si Tita Mina pag naghohost. Kaya sya lagi yung kinukuhang host pag may event yung home owners association.”

Bumaba na kami kasi tapos na din yung dinner party kaya ang natira na lang is yung family namin, nila Kristal and nila Andi dun sa may living room. Pero wala si Drielle kaya nagpaalam ako at hinanap sya.

Inikot ikot ko yung vicinity ng bahay tapos nakita ko sya sa may garden sa likod ng bahay na nakatingin sa phone nya na mukhang pinagsukluban ng langit at lupa.

“Pre, anong drama mo?” tanong ko sa kanya.

“Pre, si Less, nagtext.”

“Oh diba masya ka lagi pag nagtetext yun? Eh bakit ganyan itsura mo?”

“Sabi nya kasi last sem na nya sa UST. Magmmigrate na daw sila sa US after.”

“Ha? Ano plano mo?”

“Wala.”

“Di naman pwedeng wala pre. Best friend mo yun. Not to mention, first love mo pa. Di naman pwedeng aalis sya ng wala kang kaplano plano.”

“Ang sabi ko kasi Jonar, wala akong gagawin at magagawa kung aalis na nga sina Less after six months. Andun na yun eh. Di naman nya desisyon lang na mag-isa yun. Desisyon ng family nya yun.”

“Naks ang kaibigan so, sumesensible.”

“Tigilan mo nga ako. Haha.”

“Joke lang. Pero seryoso, anong balak ng Brian Drielle?”

“Move on? Ewan ko.”

“Anong move on? Bakit? May crush ka na ba na bago?”

“Wala pa naman. Pero kasi may kumukuha ng atensyon ko lately eh. Kinukuha nya in a way na hindi nya alam. Unknowingly kumbaga.” Yung pagkakasabi nya nito ay napatingin sya kay Andi na lumabas din dahil may kausap sa phone. Pero di nya ata kami nakita.

“Bro, huhulaan ko ha. Hula lang naman pero sa tingin ko eh totoo. Si Miss Jandrei Cassandra Villena ba ang tinutukoy mo?”

“Hindi ko alam kung bakit, pero ang saya ng mga conversations namin. Simple lang. Total opposites sila ni Less. Si Less, gusting gusto pag sinasabihan syang ang ganda ganda nya, si Andi, ayaw, naco-conscious. Si Less, maporma at ma-make up, si Andi naman simple lang. Tapos si Less, oo, seryoso sa studies pero puro social life na labas dito, gala doon, si Andi seryoso sa studies na tipong studies first talaga.”

“In short, mas ideal girl si Andi?”

“Tama. Pero kasi dati, kahit na alam kong may gusto sya sakin, ang tingin ko lang sa kanya ay parang little sister. Kasi nga tropa ko si Lloyd, yung pinsan nya.”

“Ewan ko sayo. Pero eto lang, kung dati gusto ka nya, eh ngayon kaya? Ano sa tingin mo?”

“Honestly, hindi ko alam. Pero may part of me is wishing na sana oo, sana gusto pa din nya ako.”

“Hay ang labo mo pre. Bading bading ng mga sinasabi mo. Pero teka, shut up ka muna, ayan na si Andi.”

Tumigil muna sa pagddrama si Drielle ng saglit dahil dumating si Andi para magpaalam at sinabing aalis na sila ng parents at nung kapatid nya. Tinuro ko din kay Drielle yung bahay nila Andi kaya nararamdaman ko na madalas mapupunta dito sa amin itong pagong na to.

Hello guys. :)

Off topic sa chapter pero may cast na ako for Inna Miranda. :))

Narnia's Georgie Henley. On the side.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 22, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

JadedWhere stories live. Discover now