Chapter 5 - The New Neighbor

35 1 0
                                    

Chapter 5

Andi’s POV

Suupppeerrr fast forward. Hehe.

Halos katapusan na ng May ngayon which means panahon na naman ng…FLORES DE MAYO! Haha. Nung bata ako, suki ako lagi nito eh. Hanggang ngayon din naman eh may mga nag-iinvite pa din sakin na sumali kaso iba na eh. Nung bata ako oo, game na game ako dyan. Haha. Nagvo-volunteer pa nga ako eh. Ngayon, nag-iba na ang ihip ng hangin. Mahiyain na siguro ako eh.

Anyways, sabi nila Mama may mga bago daw na lilipat dun sa bahay sa may tapat namin. Kina Kristal kasi yun dati. Kaso napagdesisyunan ng parents nila na magpatayo ng mas malaking bahay dun sa katabing street nitong subdivision kaya ngayon, binebenta na nila yung lumang bahay. Hmm. Sino kaya yung lilipat? Sana mabait para medaling maka-close. Hehe.

“Sis, sana super papalicious yung lilipat dyan sa bahay natin dati. I need a new love life na.” sabi ni Ahniel

“Lantod mo talaga forever, Andres. Kaka-dump mo lang dun sa latest mo ah?” saway ni Kristal na inirapan lang ng kakambal nya.

“Kayo talaga. Nako. Haha. Puro boys.” Sabi ko.

“Sus. Ikaw kasi Andeng, close na kayo ni Brian tapos may Ian pang nags-stalk sayo. Haba ng hair mo ‘teh! Wit ko keri.”

“Ahniel naman eh…” Oo, medyo close na nga kami ni Brian. Nagkakatweet, chat at text na kami. Pero never pa kami nagkita in person ulit. Haha. Si Ian naman, lagi akong pini-pm sa Facebook pero ang alam ko eh aalis na din sya dahil nago-OJT na sya sa ibang bansa. Sosyal noh? Haha.

“Andi, may house warming party mamayang gabi yung mga home owners para i-welcome yung bago nating neighbors mamaya. Mag-ayos ka ha. Mag-dress ka naman kahit papano.” Sabi naman ng Mommy ko.

“Ma, kailangan ba talaga?”

“Oo, bagong tao yun kaya dapat maganda impression mo. Di yung lagi kang napagkakamalang masungit. Haha.”

“Sige na nga Ma. Suot ko na lang yung floral dress na binili natin sa Bora nun.”

“Yun naman pala. Kristal and Ahniel, kayo ang hosts mamaya kaya dapat super porma din kayo.” Sabi ni Mama with matching excited at groovy voice. Haha.

“Haha. Yes naman Tita Mina! Prepared na prepared na kami ni Ahniel for this! Umm. Pwede po ba na dito na kami mag-ayos para naman may magbantay dito kay Andi para makasiguro po tayo na mag-aayos talaga itong babaeng ito.”

“Oo naman! Pwedeng pwede! Tony and Liam won’t mind. Basta wag nyo lang papasigawin yan unlike nung nangyari sa last house warming natin.”

“We promise, Tita Mina!” sabay sabi nung kambal with matching salute pa.

“Haha. Kayo talagang kambal! Sige, punta muna ako sa meeting ng home owners para sa party mamaya.”

“Bye Ma!”

“Bye Tita!”

Ayun, pagkaalis ni Mama, nagchill chill lang kaming tatlo at maya maya ay nagsimula na ding mag-ayos. Since summer naman, light make up lang daw ang ia-apply sakin nitong si Ahniel.  At flat sandals lang daw ang isusuot ko. Yes! Haha. Ako kasi yung babaeng hindi pala-ayos pero kapag nag-ayos eh yung super bongga talaga na nagiging head turner ako. Chos. Haha.

So eto na kami ngayon, nasa kwarto ko habang hinihintay matapos mag-ritwal si Ahniel sa banyo ko.

“Hoy Andres Daniel! Pakibilisan naman po! Tayo lang naman po ang host sa house warming na ito kaya hindi po tayo pwedeng ma-late!” sigaw ni Kristal habang kinakatok si Ahniel na nang-iinis pa yata kasi rinig na rinig namin yung pagkanta nya sa loob. “Ugh!!! Nakakaloka kang bakla ka! Kung hindi lang talaga kita kakambal, nako!”

“Hoy Kristal, kalma ka lang please? Ang ganda ganda mo tonight tapos masstress ka kaagad kahit di pa nagsstart yung party.”

“Andi naman kasi eh. Itong baklush na to eh.” Simangot na sinabi ni Kristal.

“Nako nako. Osige. Ahniel, una na kami ni Kristal ha? I-lock mo na lang yung pinto ng kwarto ko pag lalabas ka na. Okay?”

“Sureness, Andiness!”

Sa party…

“Alam mo Andi, minsan naiisip ko din, ang pangit ko ba?” tanong sakin ni Kristal.

“Ha? Bakit mo naman nasabi yan? Ang ganda ganda mo kaya.”

“Eh kasi naman. Di ko mapigilang isipin. Kasi ikaw, ang ganda ganda mo kahit di mo man aminin. Ang daming nagkakagusto sayo. Di nga lang masabi nung iba na gusto ka nila dahil alam nila na si Brian yung gusto mo. Tapos ako eto, wala man lang akong nararamdamang nagkakagusto sakin. Ang manang ko ba?”

“Hala Kristal, wag mong isipin yan. Hindi dahil walang umaamin sayo na gusto ka nila eh ibig sabihn na pangit ka. Baka naman nga nahihiya lang silang umamin sayo kasi ang dating mo sa kanila eh sobrang fierce kaya baka takot lang ma-under yung mga yun. Hehe.”

“Tingin mo?”

“Oo naman! Malay mo yung bagong lipat dito eh kung type mo man eh magkagusto kayo.”

“Nako Jandrei, magdilang anghel ka sana!”

“Haha. Tara na, malapit na mag-start yung house warming.”

Pumunta na kami ni Kristal dun sa luma nilang bahay kasi dun gaganapin yun at kapag may house warming party dito sa subdivision ay tradisyon ng maituturing yung pagbibigay ng susi ng lumang may-ari nung bahay dun sa bagong titira dun. Tapos may dinner na pagkatapos nun.

Umupo na kami sa isang table kasama sina Dad, Mama, Liam at sina Tita Angie at Tito Carlo na parents nina Ahniel at Kristal. Dumating na din si Ahniel bago magstart yung party at nakapang-luau pa ang dating ng bakla. Haha.

“Hoy Andres, pupunta ka ba sa Hawaii?” asar ni Kristal sa kakambal nya.

“Che! I’m just stepping outside of the box like my idol, Bryanboy.”

“Over dressed ka baks. Haha.”

“Whatever kambal!”

Natawa na lang ako sa asaran ng magkakambal at tumingin sa paligid.

Hmm. Nandyan na siguro yung mga bagong lilipat.

Teka

si Brian yun ha!

_-_-_-_

Dress ni Andi sa side pero nude flats yun instead of wedges. Hehe.

So, sino kaya si new neighbor? :)

JadedWhere stories live. Discover now