"Still."

She rolled her eyes bago hinarap ito. Pero bago siya makapaagsalita ay isinusubo na ni baby ang buhok niya. "No baby, that's not a food." Natatawa niyang saad habang inaalis sa kamay nito ang mga hibla ng kanyang buhok.

Nang tignan niya ang anak ay nakatitig na ito sa kanya. "Mmmm!" Baby talk nito. Habang inaabot ang kanyang pisngi.

She smiled. "Oo na baby maganda na si mommy."

Nahagip ng kanyang mata ang pag-iling ni Blake. "Kumukontra si daddy baby oh." Sabay turo niya kay Blake, napabaling ito sa daddy nito.

"Halika na baby..." Inilahad ni Blake ang dalawang kamay nito. "Baka mahawa ka kay mommy."

At ang magaling nilang anak nagpabuhat nga sa daddy nito."Ay ganyan, pinagkaisahan na ako." Lumapit siya sa dalawa at kiniliti ang tiyan ni baby. She burst out in cute giggles.

May mga tao na ring napapatingin sa kanila at kumukuha ng picture.

"Let's go?" Aya ni Blake habang hinahagilap ang kamay niya. He laced his fingers into her.

"Yup, nakapagpaalam na rin ako kay Therine. Let's get out of here bago pa tayo balingan ng mga reporters." Napangiti siya ng humilig sa leeg nito ang kanilang anak. "She looks sleepy. Naglilikot na naman siguro yan kanina."

"You have no idea. She keeps on jumping on my lap all the time. At nung nakita ka niya, nakaturo na lang siya sa'yo habang tumitili."

Lumapad ang kanyang ngiti. "Napaka-energetic talaga nitong si Althea. And she's so big and heavy for an eight months old baby."

"I agree." Blake smiled and look down to their daughter.

"We're more than happy and blessed to have her."

"NOW BABY, what should we do to wake up daddy." Tanong niya habang buhat buhat ang kanilang anak at pinagmamasdan nila si Blake na tulog na tulog pa sa kama.

Althea squealed as she points her father.

"Right, we'll join him in the bed." Naupo siya sa kama habang inilalapag si baby. Althea crawled right infront oh her daddy's face and started poking his cheeks.

Napatawa siya, sanay na sanay na si Althea dahil madalas ay routine na nilang mag-ina ang gisingin si Blake. Mabilis ring natutunan ni Althea ang pagpoke sa cheeks ng daddy nito para magising kaya everytime na gigisingin nila si Blake, alam na nito ang gagawin.

"Say wake up daddy." Saad niya kay baby habang pinapanood itong i-poke ang cheeks ni Blake. Napalingon sa kanya si baby, tila ba nagsusumbong na hindi pa rin gising ang daddy nito.
"Daddy's still not awake huh? Why don't we kiss him instead?" Nahiga siya sa tabi ni Blake habang nasa gitna nila si baby. She kissed his forehead. "C'mon baby, kiss daddy." Ngumuso siya at hinalikan naman ang pisngi ni Blake.

Maya-maya pa ay nakanguso na rin si baby at panay ang halik sa daddy nito. Nanlaki ang mata nito ng biglang dumilat ang nga mata ni Blake. Althea squealed in delight. Nagsimula itong tumawa ng ibinabaon ni Blake ang mukha nito sa tiyan ni baby.

"My queen and princess were awake early huh?" Tanong nito.

"Morning." She greeted smiling.

He leaned forward and planted a deep short kiss in her lips. "Morning." He said huskily. Bumaling ito kay baby na nakaupo sa gitna nila. "And good morning princess."

"Mmm!" Sagot ni Althea habang pinaglalaruan ang t-shirt ni Blake.

"So why are you up early?" Baling nito sa kanya.

"Did you forget? We're going to swim in the beach today." Paalala niya, kaya nga sila umuwi dito sa villa niya sa Belladona dahil balak nilang magswimming.

All I Wanted (Bachelorette Series 3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt