Chapter 5

25.1K 560 17
                                    

Chapter Five

"Miss Ianna! Finally dumating din kayo. Nakaready na po ang lahat, sa make up station na kayo." Salubong ng humahangos na si Marie, ang kanyang assistant.
Natigilan ito ng mapansin ang presensiya ni Blake. Nagpabalik-balik ang tingin nito sa kanilang dalawa. Tinaasan niya ng kilay si Marie, ngumiti lang ito at umiling. Sa tagal na nilang magkasama kilala na siya ng kanyang personal assistant.

"Marie, this is Blake my boyfriend." Pakilala niya. "And love, this is my assistant Marie."

"Nice to meet you, sir." Marie greeted blushing.

Tipid na ngumiti si Blake na mas lalong nagpatindi sa pagba-blush ni Marie.

"Marie." Pinandilatan niya ito ng mata. "Madami ka pang gagawin diba? Sabihin mo sa staff andito na ako at magsisimula na tayo." Taboy niya dito.

Binalingan siya ni Marie at sinimangutan. "Sabi ko nga." Halos lakad takbo na itong lumayo sa kanila.

"A little possessive are we?" Blake whispered slightly kissing her temple.

She inhaled deeply. Ghad! Nagsisimula na ba ito sa pagiging boyfriend kuno nito? Kasi sa simpleng gestures lang ay naapektuhan na siya.

Brace yourself Ianna!

"I am. Kaya masanay ka na." She winked at him and held his hand bago hinila papunta sa make up station. Nagulat siya ng pinagsalikop pa nito ang mga kamay nila but she tried to ignore that damn tickling butterflies in her stomach. Ano siya, highschool? Matanda na siya para sa ganyang feeling, for pete's sake!

Sinalubong siya ng dalawang make up artist at iginiya sa upuan kaharap ng vanity mirror. Hindi niya inasahan ang paghila ni Blake ng isang upuan at naupo sa harap niya. Siniguro nitong hindi makaabala sa mga make up artist ang kinauupuan nito.
Nagtama ang tingin nila the he smirked.

She raised her eyebrows at him pero nakakalokong ngumisi lang ito. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang kanang kamay at pinaglaruan ang kanyang mga daliri hanggang sa matapos ang kanyang hair and make up.

"Sa wardrobe na po tayo ma'am." Saad ng isang staff na lumapit sa kanila.

Tumango siya at tumayo na sa kinauupuan.
Sumunod din sa kanya si Blake.

"You could've wait me over there you know?" Saad niya.

"Nah, I'd like to check what you're gonna wear." He answered as he place his hand on the small of her back.

"Ianna!" Bati sa kanya ng kanyang stylist na si Iza. Pagkatapos ay napatingin ito kay Blake. Binalingan uli siya ng dalaga and gave her a knowing look.

"By the way, Blake this is Iza, my stylist. And Iza this is Blake, my boyfriend." Pakilala niya.

"So you're the reason why she almost forgot this photoshoot huh?" Iza asked Blake.

Blake look at her and grinned. "You can say that."

She felt herself blushing. Walang duda, magaling ngang um-acting itong si Blake.

"And can I have a request? Please don't make her wear clothes that are too daring. Okay na siguro yung sexy yet classy." Saad nito.

Awtomatikong napatingin siya sa binata. She give him a questioning look.

"What?" Blake asked innocently. "I don't like my girlfriend showing too much skin." Katwiran nito. He leaned closer and whispered to her ear. "Your body is mine, mine alone." Bulong nito pero tama lang para madinig ni Iza. She think he did it on purpose. Part of his charade.

Tumikhim si Iza. "Wag kang mag-alala Blake. Ako na ang bahala." Iza assured him habang iginigiya siya sa mga nakahilerang damit.
Naupo naman sa couch si Blake at inabala ang sarili sa pagsipat ng buong lugar.

All I Wanted (Bachelorette Series 3)Where stories live. Discover now