OUALS

6 0 0
                                    

Devaughn's POV

"Good morning, Philippines!" Bati ko kina mama, papa, at bunso nang pababa na ako ng hagdan sabay wagayway ng aking mga kamay. Ala- sa commercial ang peg ni aketch. Hahaha!

Nginitian naman nila ako. "Good morning din, ate Vaughn!" Bati rin sa akin ni bunso Carl.

Bumaba na ako ng hagdan at nagtungo sa kusina para sabayan silang kumain. Nagmano ako kina Mama at Papa at niyakap si Baby Carl. Hangkyut! Parang si Clarence sa Goin' Bulilit. :)

"Oh anak, kailan na pala ang graduation niyo?" Biglang tanong ni Mama sa akin sa gitna ng aming kainan.

"Ah, malapit na po, Ma. Sabi po ni Ms. Cruz, two weeks na lang po at gagraduate na po ako sa high school. Gagraduate na po ang inyong napakagandang anak!" Masiglang tugon ko sa kanila. Natawa naman sila dun.

"Naku, Devaughn, baka hindi mo na pinagtutuonan ng pansin ang iyong pag-aaral! Baka may boypren ka ng tinatago sa amin." Alalang sabi ni Papa sa akin.

"Si Papa talaga oh! Haha! Syempre, hindi ko po pinapabayaan ang pag-aaral! Atsaka, wala po akong nobyo, crush lang po." Sabay tawa ko. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain nang napansin kong bigla silang tumahimik.

"M-may problema ba?" Tae! Ano bang nangyari? Bigla na lang akong kinabahan.

"Devaughn... Totoo ba? Wala ka namang nabanggit sa akin ah?" Tanong ni Papa.

Ha? Ang alin?

"Siya pa rin ba, anak? 'Yung halos mag-aapat nang taon mong crush? Si... Sino nga 'yon? Si Break? Bleak? Ano nga 'yon, Carl?" Naguguluhang tiningnan ni Mama si bunso.

Hanudaw?

"Blake." Seryosong sagot ng kapatid ko.

"Ah si Blake. Oo, 'yun-" Hala! May nabanggit ba ako sa kanila tungkol sa kaniya? Tae! Meron nga! Ang daldal ko kasi eh.

"Ahhh... eh kasi... J-joke lang po 'yon! Kayo naman hindi mabiro. Ahehehe." Insert fake laugh. Tae! Nasa hotseat na ako. Tiningnan nila ako ng seryoso.

"Aysus! Ate! Joke ba 'yon? Paulit-ulit mo nga siyang shi-neshare sa amin ni Mama eh. Yiiieeee!" Naku Carl! Mapepektusan talaga kita mamaya. Bantay lang.

"Oo nga, Vaughn. Hahaha! Sinabi mo pa ngang kayo talaga ang itinadhan-"

"Mama naman! Joke nga lang 'yon." Kinakabahang sabat ko. Tiningnan ko naman si Papa. Seryoso lang siya sa pagkain pero bakas sa kanyang mukha ang lungkot.

Naku po, Lord! Ano na po ang gagawin ko? Eh kasi naman, sina Mama at Carl lang ang nakakaalam talaga sa aking nararamdaman kay Blake. Si Papa kasi ang nagtatrabaho para sa amin at gabi-gabi na siya halos nakakauwi kaya hindi niya gaanong nalalaman kung ano na ang nangyayari sa amin. Pero malaki talaga ang aming pasasalamat dahil napaka-responsable at mapagmahal siya sa amin. :)

Bumalik naman kaming kumain at nangibabaw naman ang katahimikan.

Nang bigla na lamang nagsalita si Papa. "Devaughn..." Napalingon naman ako kay Papa. "Alam mo namang mahal na mahal ka namin 'di ba?" Tumango naman ako. "Gaya ng sabi ko noon pa, okay lang naman na magkakaroon ka ng crush pero sana 'wag sobra-sobra. Alam mo naman siguro ang nangyari sa pinsan mo, 'di ba?" Napatungo ako nang narinig ko 'yon.

Oo, nabuntis ang pinsan ko nang wala pa sa edad at ang masaklap, hindi pinanagutan ng lalake ang bata.

"Ang akin lang naman ay mag-ingat ka. At huwag ka agad-agad magtiwala sa mga tao sa paligid mo. 'Pag may lalakeng nanliligaw sayo, ipakilala mo agad sa amin. May tiwala kami sayo, pero wala kaming tiwala sa mga tao sa paligid mo." Napangiti ako sa sinabi ni Papa. Niyakap ko sila.

"Maraming salamat po sa tiwala,Ma,Pa. Hindi ko po kayo bibiguin. Mahal na mahal ko po kayo." At nagtawanan na lamang kami nang mapansing naubos na pala ni Carl ang aming pagkain.

Maya-maya, nagpaalam na kami kina Mama at Papa at pumunta na kami sa paaralan.

***
Sa School

"Okay class, para sa Advisory natin ngayon, may gagawin tayo. Syempre, alam niyo namang every year nating ginagawa ang mga practices natin tuwing sasapit ang Lenten Season, 'di ba?" Panimula ni Ms. Cruz, aming adviser. Tumango naman kami.

"Okay, ano nga ang ginagawa natin tuwing Lenten Season, Ms. President?" Napalingon naman ako kay maam mula sa pagkakayuko.

Tumayo naman ako. "Nag-o-offer po tayo ng mga sacrifices para makiisa sa kaligtasang ginawa ng Panginoon para sa atin." Nagpalakpakan naman sila at naupo na ako.

"Mabuti pa si Devaughn. May ganang makinig. Eh kayo? Tumatango kahit hindi niyo naman alam. Hay naku! Osha, sige! Isulat niyo sa isang-kapat na papel ang inyong mga sacrifices for 1 week. Siguraduhin niyong matitino 'yan ha? Tutal Friday naman ngayon, pass it on Tuesday morning assembly para makapag-reflect kayo ng maigi at ipasa niyo 'yan kay Devaughn."

At nagpaalam na si Ms. Cruz at dumating naman ang first teacher namin. Si Ms. Villar, ang aming Computer teacher. Eh ano pa nga ba? Edi nagpiyesta ang aking mga kawal dahil alams na, mag-i-internet. At ako? Eh ano pa nga ba? Eh di, mag-s-stalk kay Blake. Hahaha! ;)

Once Upon A Lenten SeasonWhere stories live. Discover now