Tahan (OneShot)

Mulai dari awal
                                    

Nag panggap ako na tulog.

"Drew, alam mo bang first honor yung anak natin? Tuwang tuwa sya nung natanggap nya yung medal nya. Pero nalungkot sya kasi akala nya dadating ka."

Hindi ako nagsalita.

Kung pupunta ako dun magkakapera ba ko? Kung hindi ako magkakapera, papaano sila lalamon? Mga bwisit puro kaartehan.

"Sana kapag may ibinigay syang drawing sayo, kahit tanggapin mo na lang ha. Naaawa na kasi ako sa kanya eh."

Basura lang yun. Nagsasayang pa sya ng papel!

"Drew, ang laki na ni JR . Gusto ko sana masundan na sya tutal naman--"

"Gagamitin kita kung kelan ko gusto. Itikom mo na yang bibig mo."

Nag buntong hininga ito.

"G-ganun ba? Pasensya ka na ha. Sige magpahinga ka na."

Sa pagkakatihaya ay tumalikod ako sa kanya.

Wala na nga kaming makain gusto nya pang mag-anak? Edi sya ang magtrabaho!

Maya-maya ay may naramdaman akong pag-alog sa kama.

Kasabay ng mahinang pagsinghot at paghikbi.

"Hwag ka ngang maingay!" bulyaw ko.

"P-pasensya na. Matulog ka na ulit. Mahal kita, Drew."

Mahal? Naibibili ba ng bigas yan?

Bwisit! Bwisit na buhay to.

---

Kinabukasan. Parehas na eksena,isang tangang asawa at isang walang kwentang anak.

"Good morning, Papa." bati nito habang nagddrawing sa sahig.

Naglakad ako papuntang kusina pero kamuntikan na akong madulas dahil sa nakakalat na color sa sahig

"S-sorry, Papa."

"Wala ka na ngang silbe perwisyo ka pa!"

Kinuha ko lahat ng colors nya at binali iyo at ibinato sa kanya.

"S-sorry.. Papa"

Hindi ako nagsalita at inubos lang ang kape na nasa tasa ko at tumayo na.

"Oh aalis ka na? Mag-iingat ka ha. Mahal kita." sabi ng asawa ko.

Hahalik sana ito sa pisngi ko pero iniiwas ko ang mukha ko at naglakad palayo.

"Papa! Papa!"

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Papa, family day namin bukas. Punta ka ha. Kailangan kasi buo ang family eh." nakangiti nyang sabi.

Parang wala lang dito ang ginawa ko kanina.

"Sige ppunta ako."

Agad namang nagliwanag ang mukha nito.

"Talaga po?"

"Oo pero hindi ka kakain sa loob ng isang linggo? Pabigat ka na nga kung ano ano pang gusto mong puntahan ko. Yang nanay mo ang isama mo tutal wala namang ginagawa yan."

Tumingin ako sa pintuan ng bahay at nakita ko sya na nakatingin lang sa amin.

---

"Pare, ano? Sasama ka sa bar mamaya? May mga bagong chiks si Pareng Mando dun" aya ng isang ka.trabaho ko.

Bakit hindi? Tutal wala din naman akong aabutan na maganda sa bahay eh. Para pag uwi ko diretsyo tulog na lang.

"Sige pare sama ako dyan"

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Oct 17, 2013 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Tahan (OneShot)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang