Si Arci na lang yung tumatawa. Napansin naman ni Andeng na nag-iba na yung atmosphere, napatungo sya. Si Roxanne, nakatitig lang kay Arci. Si Pibi nakatingin sa labas, na para bang iniiwasan ang mata ni Arci.
Arci noticed the sudden change in the air.
"Hey... guys. What's wrong?" Arci
No one answered her.
Tumayo na si Andeng sa kinauupuan nya.
"Tara na. Baka hinahanap na tayo don." She climbed down the nipa hut.
Isa-isa namang sumunod sa kanya yung tatlo. And again, it didn't feel right. Being happy felt like cheating.
Nagsama-sama na silang apat sa kwarto. Pagkatapos mag-ayos ng gamit, pinatawag na kagad sila sa activity area, at nagstart na ang first itinerary nila.
They were asked to get a partner, syempre si Pibi at si Nathan ang magpartner, tapos si Chino at Arci, (for some unknown reasons humanap ng ibang partner si Andeng) tapos si Sean at Roxanne. Nilagyan ng blind fold ang mga babae, at pinapwesto naman sa likod nila ang mga lalaki.
"This activity will test your trust towards your classmate." sabi nung retreat instructor nila. "Pagkabilang ko ng 5 you need to let yourself fall backwards. You've got to trust your classmate that he would catch you."
Pinagsisipa naman ni Andeng ang partner nya kahit nakablind fold sya at di nya to makita.
"Hoy Vlad ha! Ayusin mo! Pag ako nabalian ng spine ipapasalvage talaga kita! Sayang ganda ko kung bed ridden ako for life!" Napapailing na lang si Vladimir sa pinagtyatyagaan nyang partner. Bigla na lang kase syang hinila ni Andeng kanina pagkasabi nung instructor na get your own partner.
"Okay. Ready... 1-2-3-4...5!"
Halos lahat sila nakapasa sa first activity, mga pabebeng kaklase lang nila yung naghesitate sa pagtumba kaya ayun lalong nahulog sa sahig.
Next activity nila, they wrote a letter to someone they really want to talk whether they know them personally or not. Sabi kase nung instructor, magandang way raw yon para mailabas mo yung ideas/ feelings na most of the time kinikimkim mo lang sa isip at puso mo. Lahat ng angst mo sa buhay, galit, poot.
Si Andeng na pabibo, sinulatan si Rizal.
Tinanong nya pa kung totoo nga bang nagretract si Rizal sa mga pinagsasabi nya non, pero dun sa bandang dulo ng sulat she told Rizal about how much she hates herself sometimes. Roxanne wrote a letter to her mom and how she suffers as an illegitimate child and how much she misses her. Si Pibi naman sinulatan ang idol nya na si Hailey W. She told her about how cool she is and how much she wants to be like her kaso lang kailangan nya munang unahin ang studies at kung papanong nalulungkot sya dahil dito pero wala naman suang magawa. Si Sean naman si Stephen Curry, kahit puro basketball lang talaga ang pinagsasabi nya don sinamahan nya pa rin ng konting drama. Like how much effort he puts into basketball games and practice. Nathan wrote to his mom. Si Chino naman trip kausapin si Winston Churchill, and Arci made one for Kurt Cobain.
Hindi nya alam kung bakit si Kurt Cobain ang sinulatan nya. Gusto nya ang Nirvana pero bilang rakista sa barkada, si Pibi ang mas nakakakilala dito. Bigla na lang pumasok sa isip nya si Kurt Cobain kanina.
Nung tinanong sya ni Nathan, she just shrugged. "He just popped into my head."
At nung nagsusulat na sya she noticed na medyo may similarity pala si Kurt Cobain at si Zoey. She accidentally read Cobain's biography in the café.
Parehong galing sa pamilya ng musician si Cobain at Zoey. Kung yung lolo ni Kurt musician, yung tito rin naman ni Zoey. Tapos pareho rin silang may product ng broken family, at medyo troubled ang teenage life dahil sa mga tatay nila. Pinagkaiba ng lang, yung magulang ni Kurt Cobain, nag-asawa ng iba pareho. Yung magulang naman ni Zoey, hiwalay-bati ang ganap. Kaya sobrang gulo sa bahay nila.
YOU ARE READING
SNIPPET OF A FAIRYTALE
Teen FictionThis story is basically about how Highschool is full of fun and painful memories. PURE TEENAGE HORMONES A TRUE STORY OF FRIENDSHIP, RELATIONSHIPS(SHITS) AND STUDIES.
Of Recollections and Coldness
Start from the beginning
