SEMBREAK 3

27 2 0
                                        


PIBI

1 message received.
From Sean: Slumber party happening in 3 hours. The whole gang's REQUIRED to come according to the organizer. Arandia's residence. Bring what you want. :)

"Wow! Slumber party! Woooooh! Finally! After 1 week of awful boredom!" Parang engot nagtatatalon si Pibi sa kama nya. Kung may makakita sa kanya ngayon mapagkakamalan syang may baliw. At isa lang naman ang posibleng makakita sa kanya. Yung taga kabilang bahay na katapat ng bintana nya, pero hindi na nya maalala kung kelan nya huling nakitang bukas ang bintana na yon.

Unti-unting napa upo si Pibi sa kama nya habang nakatitig dun sa bintana.

Sobrang naguguluhan pa rin sya sa huling usap nila ni Nathan. Di nga nya alam kung panaginip lang ba yon o totoong nangyari. Yung,

" I hate you for making me fall inlove with you, and not knowing until just now."

spiel nya ba joke lang o ano? She wants to ask him, but she doesn't have enough courage to do so. Love hate relationship nga ang meron sila ni Nathan. Ni hindi sila makatagal ng ilang linggo na hindi nag-aaway. Tapos papalalain nya pa?? Naisip nya na mabuti sigurong manahimik na lang.

"Ate! Baba ka raw kakausapin ka ni Papa!" Her brother's voice brought her back to reality.

Pagbaba nya nandun na ang daddy nya sa may sala nila, as always nanunuod ng NBA.

"Papa?" Pibi

"O anak... May slumber raw kayo kina Roxanne?" Papa nya

Napakunot naman ang noo nya, bilis naman makasagap ni Papa?! she thought.

"O-opo. Bakit Pa? Di nyo ko papayagan?" Pibi

"Hindi naman anak. Okay lang. Hindi yun yung gusto ko pag-usapan natin." Medyo kinakabahan na si Pibi kase pinatay na ng Papa nya ang TV. Mukang seryoso talaga ang pag-uusapan nila.

Napa-run down tuloy sya ng mga recent events baka kase may nagawa sya na pwedeng ikagalit ng Papa nya.

"Ow...kay..." she slowly sat down across his father.

"Uh... You see anak, this week na ang exam mo. Are you reviewing?" Her father leaned in to see her face closely

Patay na. Nawala sa isip nya ang exam.

"Y-Yes... I do!" Her lie sounded convincing.

"Good. But I still insist you seek help."

"What do you mean Papa?" Pibi furrowed

"Well I suggest magpatutor ka kay Nathan for your upcoming exam---"

Pagkarinig pa langsa pangalan ni Nathan nawindang na kagad si Pibi.

"NO! I MEAN--- NO PAPA! I don't need help! Tska---" She's shaking her head too much

"Patricia? I just want you to---"

"Papa I said there's no need. Kaya ko naman---" Pibi

"No you don't." singit ni Clooney na nakasandal sa kitchen door nila.

"I.CAN. SHUT THE FVCK UP." She threw him a dirty look.

"Hey Miss! Your language!" Nakalimutan nya na kaharap pala nila ang Papa nya.

"Sorry Dad! kase si Cocoy eh..." she pouted

"Okay Patricia. I understand na may tiwala ka sa sarili mo at ako rin may tiwala ako sa ability mo. But what's wrong with seeking help? Para lang 100% sure tayo." Papa nya

"Papa?! Ayoko magpatutor sa kanya!" Paiyak na si Patricia

"Why?"

Coz that guy broke my heart so many times and just recently he told me that he loves me!

SNIPPET OF A FAIRYTALEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora