Beginning of the end.

66 2 10
                                        

35. BEER BOARDING (noun) the act of extracting information from a friend/colleague by getting them drunk.

Rox's House.

The girls are watching Angus, Thongs, and Perfect Snogging in Roxanne's room. Arci entered with a double dutch ice cream on her hand.

"Eto lang nahalungkat ko sa fridge nyo Sis." nilapag ni Arci yung icecream sa may carpet.

Wala namang pumansin sa kanya, kase busy yung tatlo sa panunuod. Nakaupos silang lahat sa gilid ng kama ni Roxanne habang nakatutok sa tapat ng TV.

"Mas feel ko talaga si Tom kesa dun sa kapatid nya na si Robbie." comment ni Andeng.

"I prefer the rockstar." Arci

Tumingin sa kanya yung tatlo.

"What?" Arci

"Of course..." Roxanne

"May fetish ka naman talaga sa mga rockstar." Andeng

"No. I don't!" namumula na sagot ni Arci.

"Tell that to your blushing cheeks, bullocks!" nagbritish accent pa si Andeng kaya natawa sila. Tapos napansin nung tatlo na nakakunot pa rin ang noo ni Pibi habang tutok sa panunuod.

Alam nilang favorite movie of all time ni Pibi ang pinapanuod nila, pero obvious naman na may mali sa kanya. Usually kase pag ito yung movie na pinapanuod nila, magle-label kagad si Pibi kung sino sa kanilang magkakaibigan yung characters sa pelikula. Hindi lang sila sanay na ganito si Pibi.

"Wondering what the boys are up to." Roxanne

"Based on Zoey's smirk at Chino and Sean earlier, mukang may patutumbahin ang mga yon." Arci

"May kaaway sila?" Andeng

"Andeng. Di ko alam kung anong OS ang gamit mo pero ang slow mo talaga. Hindi patutumbahin na may kaaway, patutumbahin na lalasingin." Arci rolled her eyes at Andeng.

"Should I text Sean na kaya? I don't like him to drink too much eh." Sabi ni Roxanne na pinause yung movie.

"Pibs? Nagpaalam ba sayo si Nathan na... ye know. They'll drink." Arci

Umiling lang si Pibi, sabay kuha ng ice cream.

"I bet he doesn't even have an idea what they're going to do with him." Rox shook her head.

"Pibs. What happened earlier? Nag-away ba kayo? Kase pagdating namin sa van---" Arci

"Nope." she replied

"Eh ano yun pabebe ka lang? Niyakap lang si Nathan nagalit ka na? Kayo na ba?" Andrea

Gusto na takpan ni Arci ang bibig ni Andrea na walang patawad. Wasak kung wasak pag nagsalita. Walang preno preno. Harsh ba.
Sanay na rin naman sila sa kaibigan kaya hindi na rin naoffend si Pibi dito.

"Actually..." Pibi looked at them na parang may di masabi.

The delayed made their eyes grew wide. Isa lang naman kase ang ibig sabihin pag nagdelay na ng sagot. May naganap na hindi pa lang nila alam.

"Fudge cake Patricia! Wag ka ngang cliff hanger dyan!" Andrea ranted

"Okay fine! Chill!" Pibi

"Kayo na nga?" Arci

"This is really happening." Roxanne

Pibi nodded slowly and a smile formed on her lips.

"CRAAAAAAAP!!! KAYO NA?! OMAYGAD. MAY BOYPREN KA NA PIBOOOY!" napatayo si Andrea sa sobrang tuwa

SNIPPET OF A FAIRYTALETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang