Fall too hard.

42 2 0
                                        

29.

LUTANG. Yan si Pibi habang papalabas ng bahay nila Nathan. Muka syang nakadrugs pero mas malakas pa yata sa tama ng shabu yung halik ni Nathan sa pisngi nya. Hanggang nasa pintuan na sya ng bahay nila nakatulala pa rin sya.

"Patricia ano? Pasa ba?" obvious na kinakabahan rin ang daddy nya.

Nun lang nya naalala yung exam result. Her smile grew wide prang mapupunit na yung pisngi nya.

"OO PA! PASADO AKO!!!" nagtatalon ulit sya.

"Alam namin, lakas kaya ng sigaw mo kanina nung na kina Kuya Nathan ka." Sabi naman ng kapatid nya nakasandal sa pintuan ng kusina habang namamapak ng chocolates.

"Eh bat pa tinatanong ni Papa?" she sneered at him.

"Just to make sure. Syempre iba pa rin pag sayo nanggaling!" All smiles pa rin ang Papa nya na sobrang saya.

And to celebrate, kumain sila sa labas. Dinaanan na lang nila ang Mama nya sa bookshop.
Sobrang proud rin sa kanya ng Mama nya.

"Eh diba Papa preliminary exam pa lang naman yung kay Ate? Kelangan pa nya maipasa yung pang-Pol-sci talaga?" Clooney

Tiningnan nya ng masama ang kapatid. Buzzkill talaga tong bulinggit na to, she said to herself.

"Oo anak. Pero syempre, milestone na para kay ate yon. Tsaka makakapasa ult yan!" Sabi naman ng papa nya

"Thanks Papa. Gagalingan ko lalo para pumasa." Pibi

"That's the spirit!" her Mama hugged her.

At pagdating sa school kinabukasan.

"OMAYGAD! WE ALL PASSED!" sigaw ni Andeng nung nagkitakita sila kinaumagahan

"OO NGA! Geeeeez! Sobrang saya ko talaga kagabe guys!" Pibi added

"Congrats guys! I'm so proud of you! Buti pa kayo sure na may papasukan."  sabi naman ni Arci. Sa ibang university kase sya nag-exam at di pa lumalabas ang result.

"RAMONA NAMAN! KUNG KAME NGA PASA! IKAW PA?!" Andeng

"Oo nga Rams." Pibi agreed

"We should celebrate right?"sabi naman ni Rox

"Yes! Pati sila Zoey! Pasado rin sila diba?" Andeng

"Oo. Sige. Mamayang hapon ha!" Pibi

"Hoy ibahin nyo naman ang venue,  baka sa bahay na naman nila Chino yan... nakakasawa na aba." Arci

"Okay. Right after our plans." Rox playfully smiled at them.

Nasa shift si Pibi sa booth nila when she received a text.

1 message received.

From: Jom

Heard you passed the exam! WOW! Libre naman. Hehe! JK. Congrats! :)
Anyway, watch our game pala mamaya if you're not busy. 10 am.

Napangiti tuloy sya. Bilis naman kumalat ng balita.

"Hoy bat ka nangingiti mag-isa dyan?" she didn't notice Elise was looking at her

"Ah... wala wala." tinago nya kagad ang cellphone.

"Sus. Sino katext mo? Si Nathan?" Elise

Nathan na naman?! TAKTE. Ni hindi pa nga sya nakakamove on dun sa kagabe. Buti hindi naliligaw si Nathan dito sa cafe.
After ng shift nya, naisip nya maglibot libot kaso lang baka makasalubong nya si Nathan,  mahirap na di nya alam pano magrereact o kakausapin to. Kaya tumambay na lang sya sa music booth nila Andeng at nagvolunteer na taga operate ng sounds.

SNIPPET OF A FAIRYTALETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang