"Nabuhat mo ito lahat? Ng isahang puntahan lang dito? Di kaya nagpatulong ka?" turo sa akin ni Ziann.

Binigyan ko lang sila ng 'ano-daw-look' .....

"Tanga, oo maraming maids akong nasalubong pero lahat sila busy sa paglilinis ng mansion ninyo. Kaya paano ako makakahinge ng tulong?" sarkastiko kong tanong.

Nagtinginan yung dalawa at hinarap ulit ako.

"Si Zyron....... Tinulungan ka ba niya?" napa poker face na lang ako sa tanong ni Ziann.

"Lalong lalong HINDE! Tinignan nga lang ako eh" sigaw ko at kuha ng walis at dustpan sabay linis ulit.

Nagbalik ako sa paglilinis at nahahagilap ko namang nakatitig sa akin yung dalawa. Nakakabilib na ba yung nakabuhat ka ng ganoong kadaming pagkain ng hindi pabalik balik? Mga baliw. Nakakailang nga lang yung titig nila.

Natigil naman ako sa paglilinis ng makita si Zyron sa pintuan at umiinom ng ......... Shake na may Ice Cream.... T-teka! Wag mo sabihing ibubuhos niya yan sa sahig?!! Malagkit masyado yan!

"Waaaaagggggg!!!" parang slowmo akong tumakbo sa harapan niya pero huli na ang lahat.

Ngumiti naman ng pandemonyong ngiti si Zyron na ikikulo na naman! ng dugo ko.

"Ikaww!!" sigaw ko at nilapitan siya sabay....

"H-Hoy anong ginagaw----- Awww!!..... A-an---- Awww"

Tili siya ngayun ng tili dahil sa pag pingot ko sa tainga niya. Bwisit na lalaking ito.

"Alam mo ikaw, pasaway ka eh!" suway ko sa kanya, habang pinipingot parin ang tenga niya.

Nilingon ko yung dalawa na nakaupo sa sofa dahil baka may gawin silang di kanais-nais.

"Subukan niyo talagang magkalat, sa singit ko kayo kukurutin" pagbabanta ko sa kanila.

"Pervert" sabi ni Zane na simaan ko ng tingin.

"Edi sa tenga na lang din" sabi ko at hinarap naman si Zyron

Binitawan ko ang tainga ni Zyron at hinimas-himas niya iyon.

"Tss, ang sakit hah! See? Namula!" pagrereklamo niya at patuloy sa paghimas ng tenga niya.

"Pasaway ka kasi" sabi ko at umalis ulit! para kumuha ulit! ng basahan ulit! -_-

*
Pagbalik ko ay wala na yung tatlo sa kwarto pero kinalat nila ang mga chips sa sahig. Mga lintikan talaga yung mga yun. Sarap iprito.

Lumuhod ako sa sahig at piniga yung basahan na nasa planggana na may tubig at pinunasan yung shake na binuhos.

Sarap sumuko sa trabahong ito pero hindi pwede kaya tiis lang Alexandra.

"Nahihirapan ka na ba?" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nadatnan ko si Manang Ellie.

"Hah?" pagtatanong ko, inilingan lang ako ni Manang Ellie at lumapit sa akin sabay luhod din at may basahang hawak sabay pinunasan din yung shake na nasa sahig.

"Kailangan ko pa ba ulitin yung sinabi ko na narinig mo na?" napa pout na lang ako sa pagkasungit ni Manang Ellie, for sure menopause na'to.

"Hehehe sabi ko nga po hinde..... Pero po, oo aaminin ko mahirap nga kasi kakaiba mga ugali nila na parang maypagka demonyo, pero po ano pa ba magagawa ko? Ito lang ang choice ko" sabi ko habang pinupunasan yung sahig.

"Sabagay, oh siya..... Ako na dito, magwalis ka na at ayusin ang kwarto" nagulat naman ako sa sinabi ni Manang Ellie.

"Talaga po?!" Gulat kong sabi at tumango lang si Manang Ellie sabay agaw sa akin ng pamunas.

Maid Ako Ng Bad Boy TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon