"Artworks from the North. That's the Exhibit name." 

Sumulyap siya at ngumiti. Bumaling ako uli sa invitation at binasa ang mga nakasulat sa loob. Tumaas ang dalawa kong kilay.

"You're included in the group of artists?"

Halos hindi ako makapaniwala nang sabihin ko iyon. Seryoso ba ito? Posible pa bang magkaroon ng ganito ka-talentadong lalaki? He is too versatile. Nakakamangha ang mga kaya niyang gawin.

I showed him his written name. Ngumiti siya at tumango roon.

"I have entries. One painting and three photos for photography section."

"Wala ka bang hindi kayang gawin?" tanong ko sa kanya.

"What?" Halos matawa siya.

"Masyado kang talented..."

Para tuloy akong nahiya sa kanya. Ang dami niyang kayang gawin. He can even make his own mustard. Inisip ko tuloy kung may tinatago pa siyang skills na hindi ko alam.

"I don't know how to dance, though. And I'm a bad singer. Very very bad." He chuckled.

"Bawing bawi naman sa iba. Siguro noong college maraming kang sinalihan na orgs and competitions."

Bumaling ako sa kanya. He's buried in his deep thoughts. Maybe remembering his college days. Napangiti ako. I wasn't active with extra curricular back in college. Naka-focus lang ako sa pag-aaral.

"Dalawa lang. Org ng Business Management at Sketch Club." Sumulyap siya ng isang beses.

"Teatro? Hmm... Pageants? Hindi ka sumasali?"

Napahalakhak siya sa tanong ko. My eyebrows furrowed. Bakit? Hindi naman imposibleng sumali siya sa mga pageant.

He has this too good to be true body built. Modelo siya ng isang foreign magazine. Hindi imposibleng may mga handler na humikayat sa kanyang sumali sa mga ganoon.

"Theater arts when I was in HS. Dalawa kami ng kakambal ko. Pageants? I have never joined any. Ikaw? Have you?" Nilingon niya ako. "Your height speaks for it..."

"Hindi rin... Tsaka hindi naman porke't matangkad, sumasali na sa pageant." I giggled.

"Good..."

"Good?" Nalukot ang noo ko.

"Masyado kang maganda para sa mga pageant. You don't need to walk up on runways. Dapat sa'yo..."

"Ano?"

Tinanong ko siya na parang naghahamon. Isang beses siyang sumulyap. I raised my eyebrows.

"Dapat sa'yo hindi sa runway naglalakad."

Naningkit ang mga mata ko sa kanya.

"Dapat sa altar... Papunta sa akin," he added.

His lips shot up. My cheeks automatically turned red and I immediately hit his arms jokingly.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Where stories live. Discover now