Chapter: 1

3K 43 2
                                    

THIS IS SOFIE TERRY RED'S STORY AND NO ONE CAN PLAGIARIZE THIS!

THE LOVE STORY OF THE TRANSFEREE STUDENT AND THE CAMPUS HEARTTHROB 

written by: SOFIE TERRY RED

FIRST OF ALL, I DEDICATED THIS STORY TO ALL STUDENT OF NAUJAN ACADEMY SPECIALLY TO 4TH YEAR ST. JOHN AND LUKE

Mahirap maging transferee...

Una, para kang na ngangapa sa dilim dahil papasok ka sa isang eskwelahang wala kang kakilala.

Pangalawa, kailangan mong sakyan ang lahat ng trip ng mga makakasama mo dahil ikaw ang bagong salta sa kanila.

Pangatlo, matututo kang makipag plastikan o kaya naman ay makipag away sa mga maldita mong kaklase.

At pang apat, maraming marami pang iba.

"AHHHHHHHH!!!......."

"Anak asan? Asan ang sunog?" Natatarantang tanong ng Papa ko.

"Wag ka pong mag-alala Papa wala pong sunog."

"Ha? E, kung ganoon bakit ka sumusigaw?"

"Pa, may good news po ako!"

"Ano iyon?"

"NAKAPASA PO AKO SA SCHOLARSHIP NG PALACE ACADEMY!" Magiliw kong balita habang nag tatalon ako. Hindi ko kasi talaga akalaing makakapasa ako sa napakahirap na exam nila.

"Aba'y totoo ba iyan anak? Kung ganoon doon ka na private school ng mayayaman mag-aaral?"

"Opo Pa! At hindi lang po siya basta private school nga mayayaman dahil isa lang naman po iyong international school."

"Wow ang galing at ang tali-talino talaga ng anak ko. Manang-mana ka talaga sa akin."

"Ay sa inyo lang po? Hindi po ba pwedeng sa inyo ni Mama?"

"Sayang kung na bubuhay pa siguro ang Mama mo sigurado akong tuwang-tuwa din iyon ngayon."

"Pa, pwede po bang wag ka ng mag drama hindi po kasi bagay sa'yo."

"At dahil nakapasa ka dapat mag pa-party tayo."

"Bakit Pa, nanalo na po ba tayo sa lotto?"

"Hindi."

"E, kung ganoon saan po tayo kukuha ng pang handa?"

"E di sa tindahan natin." 

Bigla namang nanlaki ang mata ko sa aking narinig.

"Kung ganoon libre n'yo po ang lahat ng kakainin ko ngayon?"

"Siyempre! Nakakuha lang naman ata ng scholarship ang matalino kong anak."

"Yehey! Sa wakas makakain na naman ako ng libre!" Nag tatalong sabi ko. 

Aba dapat lang na matuwa ako. Tinipid ko pa kaya ang baon ko makabili lang ako ng fishball, kikiam at kwek-kwek na tinda ng Papa ko. Hindi kasi niya ako binibigyan ng libre. Tinuruan kasi niya ako na dapat pag hirapan ko muna ang isang bagay bago ko makuha. Hindi naman kasi kami mayaman pero hindi rin naman gaanong kahirap.

The Love Story of The Transferee Student and The Campus Heartthrob (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon