Si Kathleen Casapao ay isang fourth year high school student na nag mula sa isang mahirap na pamilya. Maingay, makulit at sobrang hilig kumain ng street foods. Pero ng dahil sa isang scholarship ay nabigyan siya ng pagkakataong makapag-aral sa Palace Academy. Isang exclusive school for elites. Doon niya nakilala si Kevin Ramos ang lalaking napakaarte at mukhang nag puyat ata ng mag paulan ang Diyos ng kayabangan. Simula ng magkakilala sila ay wala na silang ibang ginawa kung hindi ang maging suki ng faculty office. Pero paano kung nang dahil sa isang detention ay mag-sama silang dalawa? Kakayanin kaya nilang tagalan ang isa't-isa?