Kabanata 16: Kael's POV

2 0 0
                                    

Pinagpatuloy ni Tukayo ang pagbabasa at habang nakikinig ako ay napapaluha akong inalala kung paano nawala ang aking ama. Ang pagkawala ng isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko.–Isang buwan noon matapos niya akong sampalin ay alam ko na ang pangalan niya. Siya pala si Jam Bie Villarico, ang pinakamatalinong estudyante sa aming batch. Buhat ng mga pangyayaring iyon ay hindi na siya maaalis alis sa isipan ko. Gusto ko siyang tingnan sa malayuan. Pinipilit kong limutin ang mga nangyari, ngunit sa tuwing natutulog ako tuwing gabi ay palagi ko siyang napapanaginipan. Binabaliwala ko pa rin ang kanyang mga sinabi at patuloy pa rin ako sa pagpapaliban sa klase. Ayaw ko siyang makita, dahil parang nababago niya ang mga nakasanayan kong gawain."Bro, patay na ang ama mo!" nagulat ako sa balitang isiniwalat sa akin ng isa kong kaibigan. Bigla akong napahinto at hindi alam ang aking gagawin. Ilang sandali pa ay tumakbo na ako papunta sa bangkay ni Itay. Malayo-layo pa lamang ako ay biglaan na lamang nagsipatakan ang mga luha sa aking mga mata. HIndi ko mapigilang tumakbo ng mabilis at inakap ang aking amang wala ng kabuhay buhay. Pinagtatapiktapik ko ang kanyang tagiliran at sinisigaw ang kanyang pangalan, "Itay!""Makaiyak naman iyang anak niyang iyan. Halos suntukin niya nga iyang itay niya para lang tumae ng pera! Pambili ng raw ng proyekto sa school. If I know, sigarilyo at alak ang pinagbibili niyan...""Balita ko nga, hindi iyan galing sa paaralan e. Namatay na lang ang papa niya sa kakakayod para lang makapag-aral siya. Tapos siya, puro kagaguhan ang ginagawa." "Nasa mamahaling paaralan pa ipinag-aral e, bobo naman daw iyan. Saan na kaya siya pupulutin ngayon?""Naawa tuloy ako kay Pareng Alano, namatay na lang siya sa pag-aakalang nag-aaral ng mabuti ang kanyang anak." Parang isa akong kandilang nauupos habang naririnig ang mga bulung bulongan sa tabi tabi na aking naririnig. Nakakapanghina na hindi ko man lang alam kung kailan ang huling beses na magkasama kami ni Itay kasi mas inuna ko pang pagtuunan ng pansin ang aking mga kabarkada. Kung pwede lamang na hilahin ang oras pabalik ay gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Kaso, hindi na. Tanging maliliit na munting ala-ala na lamang ang aking magiging pabaon sa aking buhay. Huli na ang aking mga pagsisisi. Tama nga si Jam Bie noong sinabi niya na mag-aral ako para hindi masayang ang perang ginagastos ng pamilya ko. Siguro kung hindi ako nalulong sa paninigarilyo, at alak. Hindi ako sunod sunod na humihingi ng pera para lamang sa mga walang kwentang bagay.Buhat noon, nagising na ako sa tunay na halaga ng buhay. Hindi porket kaya kung bumangon sa bawat pagbagsak ay hahayaan ko na lamang. Hindi porket may mga taong lumalaban sa akin ay mananamantala na ako sa kanila. Kailangan kong ipakitang nakakaya ko ito, para maging inspirasyon sa ibang tao. Tama ang mga ginagawa ni Jam Bie, isa siyang inspirasyon sa aking pagyapak sa tunay na pagbabago.___"Umiiyak ka pala, Kael!" Napahid ko ang mga luha sa aking mga mata buhat sa nang-iinis na boses ni Tukayo. Muli na naman akong bumalik sa ulirat at pinapahid ang hindi ko inaasahang pagpatak ng aking mga luha. Nakakapanghina."Umiiyak siya. Sino kaya ang naalala niya? Siguro, iyong mga jowa mong niloko mo no?" Nagpatuloy lamang siyang nang iinis sa akin. Parang gusto ko iyong awra niya ngayon. Hindi na iyong dati na kapag nagkakatagpo ang aming mga landas ay biglaan na lang siyang sisimangot at magagalit sa akin. "Hindi ako, umiiyak. Umayos ka nga!""Siguro, iyong papa mo no?" usisa niya. Humarap ako sa kanya at tumango. Kung alam niya lang, pero hindi pwede. Ayaw kong kaawaan niya ako."Sige na. Ipagpatuloy muna ang pagkwekwento." Itinulak ko sa kanya ang kanyang librong binabasa. Ayaw ko sa kung paano niya ako tingnan. Kailangan kong mag-iwas.:"Okey. Mr. Supreme Student Government President. Masyado kang atat sa mga susunod na mangyayari ha. DIto na tayo sa kung saan may pulis na dumating at sinasabing patay na ang ina ni...."Nagpatuloy na naman sa pagkwekuwento si Tukayo. Lumakas bigla ang pandinig ko ng diinan niya akong tawaging Mr. Supreme Student Government President. Imbis na makinig muli sa pagkwekwento niya ay nanumbalik sa akin noong ibinalita sa amin na magkakaroon ng eleksyon para sa susunod na taon. Tandang-tanda ko pa ang nangyari.-"Sino ba sa inyo ang may markang matataas mula 85 pataas?" Nagsitaasan ang kamay ng dalawa kong kaklase. Nakatingin ang dalawa sa akin kaya napilitan din akong itaas ang aking dalawang kamay. Hindi ba nila alam na kaya hindi ako nagpapataas ng kamay kasi wala akong planong tumakbo. 'Kayo, kayo na nagpataas ng kamay ay may kakayahang tumakbo bilang mga bagong Supreme Student Government Officer para sa susunod na taon. Kung may gusto mang kumandidato sa inyong tatlo ay kumuha ng ¼ sheet of paper tapos isulat ang pangalan at posisyong tatakbuhan." Bahala na nga ang dalawang ito. Mahihirapan kaming manalo, nasa ibang section lang naman kami. Ano ba ang maipagmamalaki namin? Mapapahiya lang kami kung susubukan naming bangain ang mga nasa kabilang section."Mike. Ipasa mo kay Mr. President! Akin iyan!" Hindi na ako nag-atubili pang buklatin ang laman ng papel na inilagay ko sa kahong nasa mesa. Wala naman akong pakialam kung ano ang tatakbuhan ni Cindy. May nagpasa rin ng papel na ipinasapasa lang din. "Hindi ko akalaing kayong tatlo na narito ay tatakbo sa inaasam asam ninyong posisyon." Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig. Paanong kaming tatlo e, hindi naman ako nagpasa ng papel?"Nakakagulat din na may gusto palang sumunod sa yapak ko rito sa section ninyo. Alam ba ninyo na walang kalaban ang tumatakbo sa pagkapangulo? Kaya namangha ako na may magre-reprisenta sa inyo bilang Supreme Student Government President Candidate." Ang galing naman ni Cindy. Kung tatakbo siyang presidente, hindi ko pa rin siya iboboto. Doon ako sa taong inspirasyon ko kaya ako nag-aaral ng mabuti."Chalmer Devibar for 4th Year Representative!'Cindy Bell Carcueves for P.I.Oand Mike Kael Jam Briones for President!" Hindi ako makapagsalita dahil sa sigawan ng aking mga kaklase. Masaya silang sinisigaw ang pangalan ko, "Mike Kael Jam Briones For The Win!"Nilalapitan nila ako at masayang sinasabi na nakasuporta sila sa akin. Napapaiyak ako hindi dahil naiinis ako dahil makakalaban ko ang inspirasyon ko para mag-aral ng maigi, kundi dahil sa kakaibang suporta na kanilang ipinaparamdam sa akin. Gusto kong matuwa kasi sa hinabahaba ng panahon, ngayon ko lang ulit naramdaman na may nakaka-appreciate sa akin.Nang magtagpo muli ang landas namin ni Jam Bie Briones tinawag ko siyang Tukayo kasi naman tinawag kaming dalawa ni Mr. Quimada sa iisang pangalan lamang. Gusto ko ng sumuko sa aking tinatakbuhan pero sa tuwing naiinis siya ay lalo akong ginaganahang lumaban. Nagkaroon kami ng debate at sobra-sobra iyong mga nabibitawan kong salita para sa kanya. Hindi ko naman gusto na lalo siyang magagalit sa akin e. Kaso, nangyari na.Ang totoo niyan. Siya ang isinulat ko sa pagpangulo. Siya ang ibinoto ko kasi siya ang inspirasyon. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay palihim ko siyang ikinampanya gamit ang pag-vandal ng malaking pangalan niya sa isang pader. Ngunit, matapos ang eleksyon, siya rin ang nagbura.Hindi ko aakalaing mananalo ako. Tsamba! kasi nga, kaunti lang naman ang nilamang ko sa kanya. Ngunit, pagkatapos ng eleksyon, bigla na lamang akong nanghina. Limang boto lang yata.—-"Mr. SSG President, tapos na!" Tinapik niya ako kaya agaran nabalik sa ulirat."Sabi ko nga tapos na. Nakikinig kaya ako. Namatay ang papa tapos namatay din ang mama. Tapos!" nakangiti kong pagkukumbinsi sa kanya na nakikinig talaga ako,"Kael, may sasabihin ako. Napanaginipan kasi kita." Biglang sumeryoso ang tono ng kanyang pananalita kaya agaran akong natahimik."So, ano ako? Man of your dreams tapos si Chalmer, iyong Man of your today, ganoon ba?" untag ko sa kanya. Nakakatawa lang. Bakit naman niya ako mapapanaginipan? Inis nga inis nga siya sa akin e. "Seryoso nga. Napanaginipan kita." Hinawakan niya ang kamay ko. Natatakot ako sa kung anuman ang sasabihin niya. Parang, may kakaiba akong nararamdaman sa tono ng pananalita niya."Ano?" untag ko."Ano ba ang malubhang sakit mo?" Hindi ako makapagsalita sa kanyang sinabi. Inililihim ko kasi sa sarili ko na alam ko na ang lahat. Hindi ko sinasabi sa mga taong nakapaligid sa akin na alam ko na ang sakit ko. Natatakot ako na baka maawa silang lahat sa akin. Ayaw kong magbabago ang ikot ng mundo ko dahil lang sa lahat ng nakapaligid sa akin ay iindahin ang sakit na aking dinaramdam."May cancer ako. Stage 4. May taning na nga raw ang buhay ko e. Siyam na buwan, siyam na buwan na lamang ang nalalabi at tuluyan na akong mamamatay." Hindi ko alam pero parang may mahika ang kanyang mga mata kaya nasabi ko ang inililihim kong nararamdaman."Hindi ka mamamatay. Napanaginipan ko na mamamatay ka pero hindi ka mamamatay! Ilalaban ka namin. Huwag na huwag kang susuko. Hindi ka mamamatay. Tandaan mo iyan!" sumigaw siya ng malakas habang nakahawak kamay na nakaharap sa akin. Nakatutok lang ako sa kanyang mga matang nangungusap. "Napanaginipan mo na pala e. Mangyayari na iyon." Napaiwas ako ng tingin sa kanya buhat sa muling pagpatak ng luha sa aking mga mata."Pero!""Jam Bie Villarico. Alam mo ba na ikaw ang inspirasyon ko kaya nagpupursigi na akong mag-aral. Naalala mo iyong mga sinabi mo sa akin noong inaway mo ako dahil kay Jean? Iyon ang unang araw na nabighani ako sa iyo. Naniniwala ako sa love at first sight dahil sa iyo. Siguro kung mamamatay man ako ngayon. Gusto kong sabihin sa iyo na mahal kita! Minahal kita. Matagal na kitang minamahal!" Kailangan ko ng sabihin bago pa mahuli ang lahat. Kung sakali mang mamatay na ako ay hindi ko pagsisihan na sinabi ko sa kanya ang nilalaman ng aking puso."Babe! Halika na!" Siguro narinig ni Chalmer ang aking mga sinabi kaya galit na galit siya. Marahas niyang kinuha ang kamay ni Tukayo sa akin at hinagis niya ito papalabas ng aking silid.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jan 04, 2023 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

She's Into His Rivals' HeartTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang