Kabanata 11: He Is My Boyfriend

33 0 0
                                    

"Ano ang nangyari?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin si Chalmer. Humagulgol ako. Hindi ako makapaniwalang magtatapos na lamang sa ganito ang lahat. Akala ko ay magkikita pa kami at masasabi ko na ang lahat, Nakakapanghina, parang gusto ko siyang puntahan para suntukin at sampal sampalin upang magising. Kaso..."Cha, huli na ako. Patay na siya!" Tumagaktak ang mga luha sa aking mga mata nang mga sandaling ito. Nananakit na ang aking dibdib at hindi na ako makahinga ng maayos. Patuloy lang sa pag agos ang mga luha sa aking mga mata. Pinipigilan ko naman, pero wala akong nagawa, kusa ito lumalabas sa aking mga mata. Patuloy lamang sa pagtapik sa aking likuran ang ginagawa ni Chalmer. Nakakahiya ang ginagawa ko ngayon."Daig mo pa ang dyowa kung makaiyak ka a." Tama siya para ngang dinaig ko pa ang dyowa na humahagugol sa pagkawala ng kanyang dyowa. HIndi naman ako umiiyak dahil importante siya sa akin e. Umiiyak ako kasi hindi ko man lamang siya nailigtas. Siguro, kung naging maaga ako ay baka nasagip ko pa siya. Kaso, hindi e. "Bro, Hindi kita nakilala. Ang sweet niyo naman ng girlfriend mo. Yakapan sa ospital." Napahinto ako sa paghagulgol ng marinig ang isang pamilyar na boses. Dahan dahan kong ipinahid sa damit ni Chalmer ang aking mga mata at marahang dinungaw ang nagsasalita. Imposible. Kakasabi lamang ng nurse na wala na siya. Maging si Chalmer ay hindi rin makapagsalita."Oy. Tukayo. Hindi mo naman sinabi sa akin na, magdyowa pala kayo ni Chalmer. Ikaw, bro ha. Palihim ka! Akala ko ba dyowa mo iyong kasama mo noong nakaraang araw. Tsaka, tukayo hindi ba bawal ang cutting class sa iyo?" Hindi ko alam pero nararamdaman kong labas sa ilong ang mga pinagsasabi niya. Pero, siya nga ba ito? Baka kaluluwa lang? Lorrd, kung panaginip lang ito, gisingin ninyo na po ako."May dinalaw lang kaming kamag-anak ng girlfriend ko. Kaso, nalaman naming binawian na pala ng buhay." Alam ko ang ginagawa ni Chalmer. Batid kong gumagawa siya ng kwento upang malihis sa totoong nangyayari ang lahat. Hinawakan niya nang mahigpit ang aking mga kamay upang iabiso sa akin na sumang-ayon sa sinabi niya."Oo." Salamat. Parang gusto ko yatang ibalik ang mga nasayang kung luha buhat sa kapalpakan ng nurse. Kapalpakan nga ba?"Mabuti naman at mukhang maayos ka na, Bro. Alam mo bang marami na ang naghihintay sa iyo sa paaralan. May mga dumudungaw ngang mga chicks sa silid natin para hanapin ka e." Idiniin ko ang paghawak sa kamay ni Chalmer. Ngumisi naman siya at kasunod ang malimit na halakhak."Nagpahangin lang talaga ako sa labas. Nakakalungkot kaya kapag wala kang kasama sa kwarto. Para tuloy akong baliw sa loob ng apat na sulok nang puting silid." Wala pala siyang kasama. Saan ba ang mga kapamilya niya? Bahala na. Pagkakataon ko na ito."Gusto mo samahan ka na namin?" nakangiti kong saad sa kanya."Huwag na, Tukayo. Unahin mo na iyong kamag-anak mo. Condolence." Nakakapanibago ang kanyang awra. Ang mukha niya ay halos ang layo ng pinagbago. Ang laspad ng kanyang mga labi. Ang mga mata niya ay sobrang lalim. Hindi na rin yata siya nakapagsuklay sa kanyang buhok. Siguro, dahil sa iniinda niyang sakit."Oo nga naman, babe!" bigkas ni Chalmer. Pahamak talaga ito e. May pa 'babe' pa. Ang laswa. Ano ko ba siya, kakampi o kalaban? Hays..."Nakaalis na din kasi siya. Dadalaw na lang kami, mamaya. Nakakaawa ka kasi." "Huwag na kayong mag atubili. Ayaw ko ng taong naaawa sa akin. Kung gusto ninyong manatili ay dahil bukal sa inyong puso. Hindi dahil napipilitan lamang kayo dahil sa awa." Tumalikod na siya sa amin at nagpatuloy sa paglalakad. Kakaiba ang kanyang boses kasi may pag-ubo sa bawat huling salita na kanyang binibitawan."Sundan muna, Chalmer!" untag ko kay Chalmer at pinakawalan ang nakahawak niyang mga kamay sa akin. May kailangan pa akong gawin. Magbabayad sa akin ang nurse na may maling balita sa akin. Ipapatanggal ko siya. As if, naman kaya ko. Pero, hindi e. Ang daming luha ang sinayang ko. Hays.Sinulyapan ko si Chalmer. Mabuti talaga at wala siyang kaarte arte sa katawan. Malaki ang naging utang na loob ko sa kanya dahil sa pagsalba niya sa akin. Siguro, kailangan ko siyang bigyan ng bagong damit bilang pasasalamat. Pero, sasusunod ko na lamang ibigay."Nurse? Mag-resign ka na. Mali-mali ang information na sinabi mo. Ang daming luha na ang sinayang ko dahil sinabi mo. Patay na siya! Patay na si Mike Kael Jam Briones." Tinutukan ko siya ng aking mga kamay. "I'm sorry, Ma'am. Akala ko kasi iyong anak ni Mr. Jam ang sinasabi mo. Mike Kael Jam kasi ang pangalan noong batang kakalabas lang ng emergency room." Gags. Ayon naman pala. Kung bakit ba naman kasi sa dinamirami ng pangalan sa mundo ay may pagkakahawig pa ang dalawa. Sa bagay, ito ngang si Kael e, Jam lang naman ang magkapareho sa pangalan naman, pero tinatawag na akong Tukayo. "Oo na. Ano nga ulit ang room ni MIke Kael Jam Briones? Iyong buhay na buhay a." Napansin ko kasing pumaibabaw si Chalmer kaya itatanong ko na rin. Mahirap naman kung iisa-isahin ko pa ang bawat silid para lamang hanapin sila. Sobrang effort naman ang pinagagawa ko kung ganoon nga."Room 143." Okey. Madalian na akong tumakbo papunta sa sinabi niyang numero. Hindi ko na siya dinapuan ng tingin. Pinihit ko ang siradura ng bahagya."Bro, nakakapagod na ang mabuhay. Wala naman ng nagmamahal sa akin. Iyong mga taong itinuturing kong pamilya, sila pa iyong humihila sa akin pababa ngayong may pinagdadaanan ako. Hindi ko naman ginusto ang sakit na ito e. Hindi ko naman hiniling na dumapo sa akin ang sakit na ito. Nakakapagod na!" Ano nga kaya ang sakit niya? Baka, malubha talaga kaya siya umiiyak."Huwag kang mawalan ng pag-asa, Bro. Nandito pa ako o. Marami pa kaming nagmamahal sa iyo. Marami pang naghihintay sa iyo sa school. Hindi ba nga, Mr. President!" Hindi na muna ako pumasok. Ganoon na ba kalala ang nararamdaman niya. Paano ko sasabihin sa kanya ang panaginip ko? Baka imbis na lumaban ay lalo pa siyang papanghinaan ng loob at tuluyan ng mawalan ng pag-asang mabuhay.Isang numero sa dala-dala kong cellphone ang nagpataranta na lamang sa akin bigla. Hindi ko agad ito sinagot bilang paghahanda sa kung ano nga ba ang aking idadahilan. Kilala ko si Papa, lalo siyang magagalit sa akin kapag nalaman niyang nasa kay Mike Kael ako at nag-cutting class ako."Daddy! Kasama ko lang ang kaibigan ko, kaso may matandang nabangga ng isang rumaragasang sasakyan. Tinulungan namin ang matanda. Nasa ospital kami ngayon dahil isinugod namin siya sa ospital. Huwag kang mag-alala, Daddy. Ayos lang ako. Pabalik na ko sa school." Hindi ko na siya hinayaan na magsalita pa at humarurot na ako sa may labasan ng ospital upang sumakay ng kotse. Bahala na si Chalmer kay Kael. Kailangan ko ng bumalik sa paaralan, kung hindi magagalit si Daddy.Saktong-sakto lamang sa pagbaba ko ng sasakyan ay ang pagtunog ng bell para sa huling subject sa umaga. Nakaabang si Daddy sa akin sa gate ng mga sandaling ito. Kasama niya si Manong Guard."Saan na ang kasama mo? Bakit ikaw lang?" untag ni Daddy."Nasa ospital pa. Papalabas na kami nang maalala niya ang isa sa kanyang kaklase na nasa kaparehong ospital. Kaya, naisipan niyang dalawin na muna.""Sino ba ang kaibigan mo na iyan?""Basta, Daddy. Baka ma-late pa ako. Bye, I love you!"

She's Into His Rivals' HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon