Kabanata 10: Rest In Peace, Kael

25 2 0
                                    

Patingin-tingin lamang ako sa labas ng silid nina Kael. Naiinis pa rin ako buhat sa pagpapalabas ni Ma'am Datulayta sa akin. Marahil, senyales na rin ito upang masabi ko kay Kael ang aking panaginip. Nang matigil na ang pasan pasan kong bangungot."Jam! Long time no see!" Tiningnan ko ang lalaking biglaan na lamang nagsalita sa aking harapan mula ulo hanggang paa. Hindi ko siya, kilala. Sino nga ba siya? Ngumiti ako ng pilit. HIndi ko talaga siya makilanlan o baka naman hindi ko talaga siya kilala at siya lang ang nakakakilala sa akin? Well, everybody on this school knows me. "Ako ito, si Chalmer. Remeber?" Hindi ko talaga siya na kikilanlan. Bigla na lang siyang umaksyon. Inilalagay niya ang kanyang kamay sa kanyang mga mata na para bang isa itong antipara. Muli, inilayo niya ang kanyang kamay sa kanyang mata at ibinilog sa kanyang tiyan."Cha, The Nerdy Tatchoy?" Bigla ko na lamang siyang naalala. Siya iyong kaklase ko rati noong unang pasok ko rito sa hayskul. Inaaway ko siya rati kasi siya iyong palagi kong nakakatapat tuwing may exam. Siya iyong biggiest rivalry ko on top. Kaya palagi ko siyang iniinis. Hanggang sa biglaan ko na lamang nalaman na lumipat na siya sa ibang paaralan dahil sa kahihiyan. "Stop it! Hindi na ako, nerd. Hindi na rin ako, tabatchoy. Ang hot ko na nga e." Ang layo na nga ng pinagbago niya. HIndi ko lubos akalain na magiging ganito siya ka chinito kapag walang antipara. Hindi ko rin lubos akalain na ang hot niyang tingnan kapag pumayat na siya. Namuti na rin siya at hindi na siya mukhang dugyot. He can be a model."Kailan ka pa bumalik rito?" usisa ko. Napapangiti akong kinakausap siya. Kahit naman naging pangit ang huli naming pagkikita ay naging kaibigan ko naman siya. Saka, hindi ko na siya kalaban on top, kaya hindi na siya hadlang sa mga pangarap ko."This year lang din. Kakabalik ko lang noong November dito. Nagpakita kaya ako sa iyo, kaso kinalimutan mo na yata ang pinakapaborito mong kaaway e. Pero, salamat.""Para saan ang pasasalamat?" bigla akong napatanong kung para saan ang pasasalamat. Kaya pala hindi ko siya napansin kasi ang laki ng pinagbago niya. Parang gusto ko na lang din tuloy maniwala sa sinabi ni Kael na, "People Change.""Dati, gusto kitang sisihin sa mga nangyari sa buhay ko. Alam kong ikaw ang naglagay ng test paper sa bag ko. Ikaw din ang nagpakalat sa mga nagkalat na papel na nagsasabing, cheater, tabatchoy, nerd, pangit ako. You ruin my life. But, you know what? Maybe, ginamit ka lamang ng Diyos para mahalin ko rin ang sarili ko. Kaya, ito ako ngayon. Keep on loving myself." Bigla akong natulala sa mga sinabi niya. Hindi ko lubos akalain na ganito ang mga sasabihin niya. Hindi ko naman talaga balak na ipahamak siya e. Kaso noong mga araw na iyon, palaging nagiging bukang bibig ng mga guro namin ang galing at talinong akin nitong si Cha.Binalak ko siyang lagyan ng answer key sa bag niya. Noong una ay maayos kong nailagay sa bag niya ang answer key. Ilang oras lang ay binalikan ko sa bag niya ang answer key para kunin. Ngunit, biglaan na lamang dumating si Ma'am. Kaya, hindi ko natuloy na kuhanin. Nag-eexam na kami noon ng bigla na lang siyang inubo. Kinuha niya ang panyo, subalit, kasabay nito ang pagkahulog ng answer key. Hindi ako ang nagpakalat ng sinasabi niyang papel na may nakasulat ng masasamang tingin sa kanya. Siguro, inakala niya lang din dahil ang mga katagang nakasulat sa mga papel nang oras na iyon ay mga katagang ipinapakawala ko sa kanya kapag naiinis na ako."I'm sorry.""Don't mention it. Hindi naman ako napahinto dahil doon. Kita mo nga o, ka-batch pa rin tayo. Napatunayan ko pa rin naman na hindi talaga ako nag-cheat. Umalis lang talaga ako dahil kailangan naming umalis sa lugar na ito." "Ang ingay mo pa rin e. Nabago ka nga ng kaunti, pero ikaw pa rin iyan!" Walang pinagbago ang kanyang pananalita. Detalyado pa rin siya kung magkwento ng mga buhay buhay niya. Iyong aakalain mo na isa lang siyang kuting, pero kapag nagsalita na siya ay daig niya pa ang lion."Alam mo, kanina pa kita napapansin na ugaga ka. Hindi ka mapakali at tingin ka ng tingin dito sa amin. Akala ko nga ako ang hinahanap mo e.""Hinahanap? Wala akong hinahanap no." "Action speaks louder than words. Iyong mga salita mo, hindi umaayon sa aksyon mo. Iyang pagalaw ng talikap sa mga mata mo, iyan ang nagsasabing nagsisinungaling ka. So, sino nga?" Huli! Hays. Kahit kailan talaga mahihirapan akong talunin siya e. Bahala na nga. Kailangan ko na siyang makita kaya hihingi na ako ng tulong."Si Kael.""Sinong Kael ba?" naguguluhan niyang saad."Si Mike Kael Jam Briones!" kumpleto kong pagkakasambit sa pangalan ng aking hinahanap."Si Mike lang pala. Wala e. Absent pa rin siya, Ang huling balita ko nga ay sinugod siya sa ospital kanina lamang e.""Ano? Saang ospital? Pwede mo ba akong samahan? Ano raw ang kalagayan niya? Huwag mong sabihing nasa operating room siya ngayon?" "Relax. Iyong puso mo." Hindi ko na alam kong ano pa ang mga pinagsasabi ko, basta ang alam ko lang ay kailangan ko na siyang makita. Hindi ako nag-aalala para sa kanya. Nag-aalala ako para sa sarili ko, dahil sa oras na may mangyaring masama sa kanya ay lalo akong babangungutin gabi gabi sa aking panaginip."Samahan na kita. Wala naman akong klase sa susunod na subject. Absent daw si Ma'am San Miguel.""If you insist!" -"Bakit ba parang nag-aalala ka sa kanya? Hindi naman kayo close at sa pagkakaalam ko ay palagi lang naman kayong nag-aaway. Huwag mo sabihing ikaw ang sinasabi niyang sekretong malupit niyang kasintahan?" Nakaupo na kami ng taxi ng biglaan na naman siyang nagtanong."Kasintahan? Hindi no? Ayaw ko sa mga ganyang bagay. Study, ang priorities ko ngayon.""Study pero nagawa mong mag-cutting class?" untag niya."Ngayon lang ito. May importante lang akong sasabihin kay Kael.""Importante pa sa study mo?""Tama na nga. Hindi ako makakapag-aral ng maayos hanggat ginugulo niya ako sa panaginip ko. Kuha mo?" diritsahan kong sagot. Ito ang unang araw sa buong buhay ko na mag-cutting class at kasalanan ito ni Kael. Pero, matapos lang talaga ang araw na ito. Wala na akong ibang iisipin pa kundi pag-aaral. Wala ng Mike Kael Jam na mangugulo sa buhay ko."Napapanaginipan mo siya? Wow! Man of your dreams. Angas!"'HIndi ito tulad ng mga naiisip mo sa utak mo. Mamamatay siya sa panaginip ko!" Hindi ko na mapigilan ang aking emosyon. Naipakawala ko rin ang katagang gusto kong sabihin, pero, sa maling tao pa."Jam, bakit mo sinabi sa akin? Jam, dapat bago mo sabihin sa ibang tao ay masabi mo sa kanya upang mapigil ang sumpa." Nasapo ko ang aking ulo. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Bakit ba naman kasi?"Ang dami mo kasing tanong!" Tumakbo ako ng mabilis papasok ng ospital."Nurse, Kamusta po si MIke Kael Jam? Saang room po siya?" hinihingal kong pagtatanong sa nurse, pagkadating ko mismo."Awat lang, Miss. Patay na po siya. Nasa morge na po ang katawan niya." Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Para akong kapamilya at hindi makahinga ng maayos sa narinig. Nahuli na ako. Hindi ko siya nailigtas mula sa peligro. Kung sana hindi ko sinabi kay Chalmer, baka buhay pa si Kael.Siguro, habang buhay na akong babangungutin sa panaginip ko dahil sa pangyayaring ito. Patawad, Kael. May you rest in peace.

She's Into His Rivals' HeartWhere stories live. Discover now