Chapter 37

28.9K 258 30
                                    

CHAPTER 37

"Okay! Everyone, andito na ang bride.."

Nagready na agad ang lahat ng bridesmaid, groomsmen at mga Principal sponsors dahil magsisimula na ang marching ng wedding.

Everyone is happy as we celebrate with Nicolo and Janella. And kung happiness lang ang paguusapan, wala na atang tatalo sa happiness na makikita sa mukha ng ikakasal.

I haven't seen Janella's face ngayon dito sa Church, the last time I saw her nasa bahay pa kami dahil inaayosan sya. Pero kanina lang, si Nicolo kausap namin, sobrang excited nya at the same time kinakabahan. Nakakatuwa lang.

"Ready?" napalingon ako sa katabi ko, si Angelo.

"Yeah.."

Until now may awkward feeling parin, pero parang sa akin lang awkward kasi si Angelo alam na alam nya paano ako papakisamahan ng normal. Parang wala lang talaga nangyari.

Sabagay, sabi nya nga kagabi "WALA NA YUN..."

"Kathy,.." lumapit sa amin ang coordinator. Malapit na kami magmarch, "Dito yan nakalagay.." inilagay ni Mike- Janella's wedding coordinator- ang kamay ko sa braso ni Angelo. Well, it's not the first time dahil kagabi sa practice ganito din ang ginawa namin.

Kahit hindi umabot ng one hour yung practice kagabi, pakiramdam ko sobrang tagal na.

"Okay ka lang?" tanong ni Angelo sa akin habang nasa braso nya ang kamay ko. Ngumiti at tumango lang ako sa kanya.

Minutes after, kami na ang naglalakad sa aisle. And I can't explain my feelings right now. I'm walking in the aisle for one of my bestfriends's wedding, and on my side kasama ko ang ex boyfriend ko- Ang natatanging lalaki na dati ay pangarap ko makaharap sa altar kahawak ng kamay habang sinasabi namin ang vows namin sa isa't isa.

Pero lahat ng iyon isang pangarap, parang isang usok na nawala nalang bigla at ang kasama kong lalaki ngayon ang sumira ng lahat.

Malapit na kami sa end, kung saan maghihiwalay kami ni Angelo. Nagulat ako ng maramdaman ko ang isang mainit na kamay na humawak sa kamay ko na nakalagay sa braso ni Angelo. It's Angelo's free hand touching mine.

HE KISSED ME GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon