Chapter 5

41.2K 362 17
                                    

CHAPTER 5

"Oh Mara? Ang aga mo naman nagising?"

Quarter to 6am palang ngayon. So I just smiled at them. Kasama kasi ni Mama si Papa.

"Mara mukhang talagang excited ka dyan sa bonding session mo sa kaibigan mo na crush mo ah?" sabi ni Papa

Nagpa alam ako sa kanila kagabi na lalabas ako ngayong araw with Ivan. Sinabi ko na si Ivan yung crush ko.

Nung una medyo hesitant pa sila na payagan ako lalo na si Papa. Baka daw kasi masamang tao si Ivan. Pero naconvince ko din sya. Sinabi ko na friend ko lang si Ivan. Nagkataon lang na naging crush ko sya.

"Hindi naman Pa... Medyo kinakabahan lang ako" sagot ko at umupo sa tabi ni Papa sa mesa.

"Kung kinakabahan ka, wag ka ng tumuloy" sagot ni Papa. Natawa naman si Mama sa reaction ko. Napa nganga kasi ako.

"Hala Pa!" maktol ko "Pumayaga ka na kaya kagabi"

Natatawang humigop si Papa ng kape. "Ikaw kaya ang nagsabi ni kinakabahan ka..."

"Kinakabahan lang naman ako kasi perstaym ko. Pero friendly bonding lang naman ito eh"

"Oh anung oras ka ba nya susunduin?" tanong ni Mama.

Dahil magkatext na kami ni Ivan- take this note, magkatext kami the whole weekend- kaya sabi nya susunduin nalang nya ako since alam nya narin ang bahay namin.

"Mga 8:30 po..." sagot ko habang kumukuha ng tasa for my coffee.

"Okay, kumain ka na..." sabi ni Mama.

Habang hawak ko ang isang sachet ng Nescafé 3-in-1, napaisip ako. Nag aalangan akong ilagay ang kape sa tasa na kinuha ko.

"Oh anung nangyari sayo?" tanong ni Papa.

"Kasi Pa, iniisip ko kung tama bang uminom ako ng kape ngayong morning..." napakunot noo yung Papa ko at yung Mama ko napalingon- nasa harap kasi sya ng gas range namin.

"...kasi Pa usually pagkape, kumukulo tyan ko" napailing si Papa.

"Mag gatas ka nalang..." sagot nya na parang napaka pointless ng sinasabi ko.

"No Pa! Lactose intolerant ako, paano kung biglang... You know..." I shrugged my shoulder "...Nakakahiya kaya"

Napahinga ng malalim ang Papa ko. "Emelia, ikaw nga kumausap sa anak mong weirdo, mababaliw ako sa kanya"

"Hala grabe ka naman Pa!" reklamo ko. "Sinasabi ko lang naman ah"

May one glass na ibinigay sa akin si Mama at nilagyan nya ng tubig from ref. "Para walang problema, magtubig ka nalang. Okay?"

Mukha na ba akong engot? Eh kasi nga perstaym. At babae ako, the least thing na gusto kong mangyari ay ang mapahiya sa crush ko.

"Thanks Ma..." sagot ko bago kumain.

This is the best long weekend ever. Since Saturday until last night magkatext kami ni Ivan. Random topics lang, pero magaling kasi si Ivan magsustain ng conversation and that's one thing I adored about him.

Pagkatapos ko kumain ay gumawa muna ako ng gawaing bahay katulad ng pailinis ng bahay. Simpleng walis-walis lang naman.

"Alam mo Mara dapat dati ka pa nagka crush eh, maganda ang epekto sayo oh... Except sa nadadagdagan ang pagiging wierdo mo."

"Kung maka weirdo ka naman Pa parang di ka na inlove nung kabataan mo" tumawa naman sya.

"Magtrabaho ka nalang dyan at nang makapaghanda ka na sa bonding session mo sa Ivan na yun"

HE KISSED ME GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon