Chapter 20

33.5K 245 10
                                    

CHAPTER 20

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanila habang masaya silang naglalakad. I'm sure nila ako napansin dahil mukhang masaya silang nagkikwentuhan.

"Oh Mara, sinong tinitingnan mo?" tanong ni Aya ng napansin nya na nakatitig ako sa dalawang taong nakalampas na sa akin.

"Ha?.." yan lang nasagot ko kay Aya, dahil hindi ko alam kung anong iisipin ko o kung ano nanaman ba ang malalaman nya.

"Kilala mo yan?" tanong ni Mara, nasa isang boutique nanaman sila.

"Sa pagkakatanda ko kilala ko sya sa mukha,.." dahil ngayon, parang gusto kong isipin na namamalikmata lang ako.

Dahil pareho kaming nakatingin sa kanila, hindi ko alam ang gagawin ko ng biglang lumingon ang babae kasunod ang lalaking kasama nito.

"Ang sweet naman ng mag-asawa.." sabi ni Aya na pasimpleng umiwas ng tingin sa dalawa. Parang kinikilig si Aya sa nakita.

Gusto ko sana magsalita. Pero napako ang tingin ko sa lalaki na alam kong nagulat ng makita ako. Gusto ko magsalita pero mas pinili ko na mata ko ang mangusap sa kanya.

"Insan kamukha sya ni Ivan... hawig rather" sabi pa ni Aya na walang kaalam alam na ang lalaking ito ay ang Papa ni Ivan.

"Halika na.." yaya ko kay Aya. "Sya ang Papa ni Ivan.."

"Talaga?! Kaya pala.. teka bakit di ka pinansin ng Mama nya? Eh diba sabi mo medyo close kayo nun?"

Tumingin ako kay Aya. "Hindi sya ang Mommy ni Ivan"

HIndi naman ako nangchi-chismiss. Pero nakakainis lang isipin na yung lalaking akala mo walang kasalanan kung husgahan nya ang sarili nyang anak, sya pala talaga ang sumisira ng sarili nyang pamilya.

Gusto ko ipamukha sa kanya lahat ng ginagawa nya. Gusto ko ipamukha sa kanya kung paano nya sinasaktan ang pamilya nya, lalo na ang anak nya na parang tinuring nya na isang kriminal.

"Teka.. Ib--" magsasalita pa sana si Aya ng may tumawag sa akin.

"Mara?" hinarap ko ito, kahit kilala ko na kung sino sya.

"Sir.. Nice to see you again."

Napatingin ang Papa ni Ivan sa kasama ko na si Aya bago ako binalingan "Pwede ba tayong mag usap?"

Hindi ko inaasahan ito, pero gusto ko syang makausap. "Insan, doon nalang muna ako sa Greenwich ha, sunod ka nalang" tumango naman ako.

Kami nalang naiwan ngayon, hindi sya makasalita. Alam ko na nahihiya sya sa sarili nya. "Doon muna tayo sa restaurant"

Dinala ako ni Mr. Martinez sa isang restaurant na bihira ang tao. Alam ko na mahal dito, pero hindi naman ako kakain eh, makikipagusap ako sa Papa ni Ivan.

Nagorder lang sya ng makakain namin. Matapos nun ay wala na ulit nagsalita sa amin.

..

..

..

..

"Mara,.." basag nya sa katahimikan "..I don't wanna justify what you have witnessed earlier. But please, wag na sanang makaabot sa pamilya ko"

Paano mo malalaman na nagkakasala ang isang lawyer? Paano mo malalaman na nagsisinungaling sila? ISa lang ang sagot... everytime they open their mouth for a piece of word, doon sila nagkakasala.

Hindi ko nilalahat, pero ngayon, yun ang tingin ko sa Papa ni Ivan. "Sir pwede ko po bang malaman kung bakit nyo ako gustong lumayo kay Ivan"

Nakita ko na kumunot ang noo nito. Parang nagtataka sa tinanong ko. "Ahm.. Kasi ayaw ko na masira yung.. yung buhay mo"

HE KISSED ME GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon