Chapter 12

37K 303 23
                                    

CHAPTER 12

"Nakasakay ka na?"

Yan ang text sa akin ni Ivan. Wala syang pasok kaya ako lang mag-isa ngayon.

That's what I hate minsan sa pag aaral eh. I love studying, pero minsan nakakabadtrip kapag walang pasok yung ibang School tapos kayo meron. Pakiramdam ko nagpapakadalubhasa ang mga studyante masyado sa School namin.

"Oo, dami ngang tao" reply ko kay Ivan

Andito ako ngayon sa MRT, papuntang School. Isa ako sa mga studyante na nagpapakadalubhasa sa pag-aaral.

Napatingin ako sa paligid ko, and I just found a comfort. Napangiti ako; masarap kasi balikan kung paano nagsimula ang isang magandang kwento. Yung kwento na akala mo sa TV or novels lang nangyayari, yun pala pwede sa isang ordinaryong tao na katulad namin ni Ivan.

Dito sa MRT.

Sabi ng pinsan ko na si Aya, minsan daw baka na o-overanalyze ko lang yung kung anong meron kami ni Ivan. Natatakot daw kasi sya na mauwi ako isang bagay na kinakatakutan ng lahat- ang umasa.

Alam ko naman na isang malaking kahinaan naming mga babae ang ganitong sitwasyon. Sabi nga ni Marcelo Santos III sa twitter post nya:

"Guys are more likely to fall in love based on a girl's appearance, while girls are more likely to be drawn towards a guy's behavior"

Just imagine what trouble I am in? I have the two- appearance and behavior.

Kung appearance lang rin, pambihira! Panalo na si Ivan nyan. Paano pag behavior? Well Ivan is not perfect, may mga weaknesses din sya. PERO!! Yung ginagawa nya sa akin, it's enough for me to fall.

Ang tanong may magsasalo ba?

..

..

..

Nagulat ako ng nagbeep ang cellphone ko. Pagtingin ko, five messages received. Bigla namang huminto ang bus train, nasa station na ako na bababaan ko.

Ganun ako katagal nag daydream? Well its not a daydream, I am just checking out my heart.

Five messages!

Isang group message galing sa kaklase ko. Nagtataka talaga ako bakit pa ako kasama sa mga sinisendan, eh wala naman name ko sa nabanggit nga sa GM eh. Crazy!

Pero apat doon, napangiti ako... galing kasi kay Ivan.

"Uy" text nya

"Uy, san ka na?" isa pa nyang text

"Mara? Ok ka pa ba?" isa pang text

"Baka naman nakatayo ka? Naku kumapit ka ng mabuti sa handle ha, wala yung braso ko para kapitan mo" yan siguro ang reply nya sa huling text ko.

Napangiti nalang ako sa text nya dahil sa sobrang kilig.

*****

"Hi Mara"

"Hi Jane,.."

Si Jane, yung dating classmates ni Ivan nung Elementary and Highschool. Until now wala parin akong tinatanong sa kanya, bihira lang kasi kami magkita eh.

"Kamusta?" tanong ni Jane

"Okay naman, ag daming requirements eh"

"Ganyan talaga kapag graduating na.. kahit ako ang dami ring requirements eh"

"Di bale, malapit narin naman tayong matapos"

Actually excited na ako maka graduate. Excited ako mag next level sa buhay.

HE KISSED ME GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon