Chapter 11

36.3K 309 11
                                    

CHAPTER 11

"Nikki Ivanee Martinez" so kapatid pala sya ni Ivan. Hindi ex-girlfriend o bestfriend.

Kaya pala namimiss na sya ni Ivan. Almost five years narin kasi ito simula ng mamatay ang kapatid nya

Pero nagulat ako ng makita ko ang date of birth nito.

Its March 23, 1984. Napatingin ako kay Ivan "Mas matanda sya sayo?"

Hindi sya lumingon pero nakangiti sya habang tinitrace nya ang naka engrave na pangalan ng kapatid "She's the best sister in the world"

Tumabi ako kay Ivan. Nakatitig lang sya sa puntod matapos nya magsalita. Kaya binigyan ko muna sya ng pagkakataon for a quiet time.

After several minutes nagsalita sya.

"Its been five years Nikki, pero bakit di parin nila ako napapatawad. Bakit di parin ako napapatawad ni Dad?"

Nakakapagtaka na 'Nikki' lang ang tawag ni Ivan sa Ate nya. Ilang years din ang tanda nito sa kanya.

Pero tahimik lang ako. Its his time to talk, and to let the pain out.

"Ikaw Nikki? Napatawad mo na ba ako?" nanginginig na ang boses ni Ivan "Napatawad mo na ba ako Ate?"

Kinuha ko ang kamay ni Ivan at hinawakan iyon ng mahigpit. I don't need to talk, all I have to do is to let him know na andito ako.

"Alam mo Mara, si Nikki, she's the best sister in the world. Mas masasabi ko pa nga na mas naging magulang sya sa akin kesa kay Dad"

"Lagi nya akong pinagtatanggol; sya lang ang natatanging pumapansin ng mga small achievements ko."

"Sya lang ang naniniwala sa mga potentials ko; sya lang ang nakakagawa ng mga bagay na gusto kong gawin din ni Dad sa akin"

Patuloy lang akong nakinig...

I never expect na yung Ivan na nakilala ko sa MRT, yung Ivan na mabangong gwapo na crush ko ay may ganitong buhay.

Hindi ko pa man alam ang buong kwento pero nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman nya.

"Dad wants me to be like him, pero hindi umaabot sa standards nya ang grades ko." kwento ni Ivan.

"Unlike kay Nikki, nakuha nya ng 5 years ang elementary level nya, 3 years sa secondary at Four years naman ang degree nya sa Pol Sci."

Gusto ko pa sana magreact, grabe naman kasi ang talino ng ate nya. Pero baka kung mag react pa ako, mawala lang ang momentum.

"18 years old sya, nag aral na sya sa law school..." pagpapatuloy ni Ivan "Hindi nya nabigo si Dad, kasi yun din naman talaga ang pangarap nya eh."

"Three years nya lang nakuha ang Law, after noon nag bar exam na sya." napahinto nanaman si Ivan.

"Sa bawat achievements ni Nikki, yun din ang bawat downfall ko. Si Dad, at yung mga kaibigan nya at iba pang nakakakilala sa kanya, lahat sila iniisip na I'm such a failure, ako pa naman daw ang lalaki."

Bahagya syang ngumiti kahit nakikita ko na naiiyak na sya. "Pero si Nikki, she never judge me the way my Dad judged me."

"She's really a good sister nga..." sabi ko.

"Pero sinira ko ang buhay nya..." napatingin ako kay Ivan. Tahimik lang syang lumuluha.

"Ivan wag--"hindi na nya ako pinatapos

"Ako ang dahilan bakit namatay sya." this time, hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Natahimik kami pareho. Nagulat kasi ako sa sinabi nya; but apart of me is waiting for his explanation.

HE KISSED ME GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon