CHAPTER 153

2.5M 69.5K 54.4K
                                    

KEV'S POV

Maliwanag na nung matapos kaming kausapin nung mga pulis. Ako lang at si Nanay ang natatanging nakasama nila sa presinto dahil ako lang samin ng mga kasama ko walang tinamong malubhang sugat maliban sa kakaunti'ng galos ko sa mga kamay.

"Sila man ang maituturing na suspek sa pangyayaring 'to ay kailangan pa rin nilang madala sa ospital dahil malala rin ang mga sugat na tinmo nila.." sabi pa nung pulis na kausap namin habang hinahatid kami papalabas ng presinto. "Oras na maging maayos ang lagay nila ay iimbitahin rin namin sila dito para kuhanan ng statement, lalo na yung mga nabiktima nyo.. Tsk tsk tsk.." baling pa sakin nito.

"Salamat.." walang emosyong tugon ni Nanay sa pulis na agad naman syang tinanguan.

"Pasalamat ka bata, mabait ang Nanay mo.. Kung iba'ng Nanay yan, kahit wala ka sa edad, paniguradong ipaiiwan ka dito. Hahahahahahahaha!" biro pa nung pulit at napabuntong-hininga na lang ako sa inis. "O sya sige, pano? Ipatatawag ko na lang ulit kayo kapag kinakailangan.."

"Sige.. Salamat ulit.." sabi pa ni Nanay at tumango naman ako don sa pulis at saka kami naglakad ni Nanay papalayo sa presinto.

Hindi kami nagkibuan ni Nanay hanggang sa makasakay kami ng Jeep.

Ni hindi ko na nagawang tignan pa ang sign board ng Jeep na yon dahil tanging si Nanay lang ang laman ng isip ko.

Galit sya panigurado.. P-Pero, a-anong sasabihin ko?! P-Pano ako magpapaliwanag sa kanya?!

Wala syang kibo mula pa kanina, tanging mga tanong lamang nung mga pulis ang sinasagot nya at hindi nya ako kinakausap.

H-Hanggang ngayon ay hindi ko malaman kung paano nya ako'ng nasundan doon..

Hindi ko alam kung paano nalaman ni Nanay ang plano naming yon!

Batid kong pinapakinggan nya ang mga sagot ko sa mga tanong ng pulis, pero ni minsan ay hindi sya tumingin ng deretso sa akin!

Hanggang ngayon ay buo'ng buo sa isip ko yung mga pangyayari kanina..

Anak ko sya!!

Gusto kong sumigaw sa sobrang sakit ng ulo ko dahil sa paulit-ulit na yon sa utak ko!

"Kuya, makikiabot po ng bayad.." dinig kong sabi ng isang babae dahilan para bumalik ako sa wisyo. Nilingon ko sya at saka kinuha ang barya'ng iniaabot nya. "Salamat.." sabi nya pa.

At doon ko lang napansin ang mga kasabay namin sa Jeep!

Papuntang BIS..

Nakaramdam ako ng bahagyang inis nung makita kong kasabay namin ang mga nurse na yun na nagtratrabaho sa BIS Hospital! Sila lang kasi ang natatanging ospital na may pink sa uniporme kaya malalaman mo'ng taga-BIS sila dahil plain white lang ang sa SIS! Yang dalawang ospital na yan lang naman ang malalaki at malapit dito sa amin!

"Kuya, para.." sabi na naman nung babae'ng yun at magkasabay silang bumaba nung tatlo pang nurse na nakasakay doon sa Jeep!

Napatingin naman ako kay Nanay nung sya ang sumunod na yumuko at bumaba!

Napahinto pa ako sa paglalakad nung matanaw ko ang mga sasakyak ng mga estudyante'ng papasok na sa BIS!

"A-Ano pong gagawin natin dito?" pigil ang inis na tanong ko.

"Bibisitahin ang mga sinaktan nyo, ano pa ba sa tingin mo?" walang emosyong tugon ni Nanay dahilan para mas matigilan ako.

Napakalamig ng pakikitungo nya sakin at mas nag-aalala na ko!

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon