Kaya naman lalo akong ngumiti sa kanya at dahan dahang inilapit ang mukha ko sa kanya! Dahan dahan naman syang umatras! Kaya ang nangyari samin ay para kaming......MGA TANGA!

Dahan dahan ang lapit ko munit dahan dahan rin ang paglayo nya hanggang sa..

"Ahh!" mahinang sigaw nya!

MUNTIK NA SYANG MAHULOG SA KAMA!

Pero dahil gwapo ako at sweet.. NAYAKAP KO AGAD SYA!

"Sabi ko naman sayo kasi.. dito ka lang..." sabi ko na mas hinapit sya papalapit sakin!

Pero kumalas sya mula sa pagkakayakap ko at saka tumalikod na naman sakin!

"Miss na miss kita tapos.. tatalikuran mo lang ako..." nakanguso pa kunwaring bulong ko. "Ilang araw kitang hindi nakasama.. Muntik nakong magsaksak ng sarili ko nun.."

"Tss.." singhal nya at ramdam ko sa pisngi ko ang pagtawa nya.

"I love you.." nakangiting bulong ko pa.

"Lumayo ka sakin---"

"Bakit ba ang sungit mo?" pagmamaktol ko. "Hindi mo na ba ko mahal?"

"M-Mahal kita pero w-wag mo kong dikitan.."

Marahan akong lumayo sa kanya at saka tumalikod rin! Pareho na kaming nasa magkabilang dulo ng kama!

Tch! Napakasungit! Wala naman akong ginagawa!

Ilang minuto pa akong nagstay na nakatalikod sa kanya at nagmamaktol hanggang sa bumangon ako at kinuha ang kumot ko!

Muli akong lumapit sa kanya at humalik sa pisngi nya..

"Goodnight, Babe.. I love you.." bulong ko at saka marahang umalis sa kama at lumabas ng kwarto'ng yun.

Nakangiti paring humiga ako sa sofa at saka nag-imagine!

Sigurado akong nagseselos sya..

Natatawang nilingon ko pa ang pinto ng kwarto nila at saka pumikit..

"W-Woi.."

Gulat akong napalingon sa pinto ng kwarto at natawa ko nung makita ko si Taguro!

"Ano?? Namiss mo agad ako?" mayabang na tanong ko!

"A-Anong ginagawa mo dyan??"

"Matutulog.." sagot ko at hindi sya sumagot! Bakas sa mukha nya ang magkahalong pagkailang at guilt!

"Bakit ka lumabas??" nakanguso kunwaring tanong ko pero hindi sya sumagot at iniiwas ang paningin sakin. "Dito ka.." sabi ko na pinagpag ang parte ng sofa'ng hinihigaan ko.

Gulat syang tumingin sakin pero hindi sya gumalaw.

"Dito ka sabi.." seryoso'ng yaya ko pa sa kanya at sumunod naman sya at agad na lumapit.

Hindi pa rin sya naupo don kaya naman kinailangan ko pang hilahin ng bahagya ang kamay nya kaya naman napaupo rin sya.

Malaki rin kasi ang sofa na yun na kahit pa mahiga kaming dalawa doon ay magkakasya kami.

Nanatili akong nakahiga habang nakaupo naman sya at nakasandal ng bahagya sa bandang tiyan ko.

"Nagselos ka kanina no??" seryoso kunwaring tanong ko at salubong ang kilay namang nilingon nya ako.

"Tss.. Hindi nga.."

"Tch! Wag mo ng itangge! Nanahimik ka bigla e!" pang-aasar ko at iniiwas naman nya ang paningin nya sakin! "N-Naging girlfriend ko si Kim.." dagdag ko at mas salubong ang kilay na nilingon nya ako! "Ohh?? Hahahahahaha! Yan ba ang hindi nagseselos?!" pang-aasar ko sa kanya na itinuro pa ang mukha nya at saka natatawang naupo ng maayos!

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon