"Matulog ka na.."

"Babe.."

"Goodnight.." sabi nya pa at malakas na HINILA ang kamay nya!

Sa sobrang gulat ko ay nabitiwan ko yun!

TUMALIKOD SYA SAKIN!

Anong nangyari dito?!

Tumitig ako sa likod nya habang nakanguso!

Tch! Wala talagang kwenta! Ngayon na nga lang makakatabi---tatalikuran ka pa!

Tsk! Ano bang sinabi ko?!

Nakanguso at nagmamaktol na tumitig pa ako sa likuran nya..

H-Hindi kaya.....?

Tsk tsk tsk.. Nagseselos ang Babe ko..

Agad akong lumapit papalapit sa kanya at inipit sa pagitan namin ang malambot na unan na pinagitna ko samin kanina.

AT SAKA KO SYA NIYAKAP NG NAPAKAHIGPIT!

Ramdam ko pa ang gulat nya!

"Nagseselos ka??" mariing bulong ko.

Hindi sya sumagot at ramdam ko pa rin ang pagkagulat nya.

Marahan kong ipinatong ang pisngi ko sa pisngi nya.

"Binibiro lang naman kita e.." malambing na usal ko pa.

"T-Tss.. h-hindi ako nagseselos.."

"Sus.. Hindi ba talaga??"

"H-Hindi nga!"

"Wag ka maingay.." natatawang bulong ko pa. "Nagseselos ka..???"

"H-Hindi nga.."

"Umamin ka na.. Ngayon lang naman e.."

"L-Lumayo ka sakin.." nanginginig pa ring bulong nya at hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa.

"Bakit ba parang takot na takot ka sakin???" natatawang tanong ko.

"H-Hindi nga ako natatakot.."

"Nanginginig ka.."

"H-Hindi ahh.."

"Humarap ka na sakin kasi.."

"A-Ayoko.. i-inaantok nako.."

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang tuwa'ng nararamdaman ko sa dibdib ko..

Hahahahha!!! Napakasarap na ewan!

Dahan dahan ko syang iniharap sakin at mas lalo kong nakita ang pagka-ILANG sa mukha nya nung muling magtama ang paningin namin.

Tinitigan ko sya sa mga mata at mas lalong hindi ko mapigilan ang mamangha sa ganda ng mga mata nya..

"Buti pa yung mga mata mo.. andami daming sinasabi.." mahinang bulong ko sa kanya. "Kung anong ikinatahimik ng bibig mo.. sya namang daldal ng mga mata mo.."

"Tss.. Kung anu-anong nakikita mo.." singhal nya.

"Sinasabi kasi ng mga mata mo'ng bukod sa napakagwapo ko.. mahal mo daw ako.."

"Minsan.. sinungaling rin yung mga mata ko.." nakangising sagot nya.

"L-Loko ka ah!" mahinang singhal ko sa kanya.

Nagtama ang paningin namin at pareho kaming natawa sa isa't isa..

Hanggang sa nawala ang mga ngiti sa labi nya at ayun na naman yung naiilang na tingin nya.

HE'S INTO HER Season 2Where stories live. Discover now