Chapter 9-Just a Taste

101K 2.2K 63
                                    

Pilit na pinapakalma ni Jenna ang pangininig ng kamay habang inaalalayan si mayor para makainom ng gamot.

Remind me to thank manong Randy later.

Charoot!

Heto siya, kinakabahan na't lahat ay lumalandi pa siya.

"Salamat." Caleb said in a husky voice pagkatapos niya itong alalayan para makahiga ulit.

"Welcome po, sir." Kinumutan niya ito.

Aba ulirang jowa ang peg.

"Magpahinga ka na, sir. Ako ho muna ang bahala dito habang wala pa si manong Randy."

Tumayo siya ng tuwid at inayos niya ang salamin. Pinagpag niya ang kanyang mahabang palda na bahagyang nagusot.

"Tawagin mo nalang ako sir, if you need anything. Upo lang ako d-" Balak ni Jenna na umupo sa couch malapit sa kama nito ng pigilan siya ni Caleb sa braso.

Nagtataka siyang napatingin dito.

"Can you sit here, beside me?" Nagmamakaawang sabi ni Caleb.

"Please." Bahagya pa itong naka-pout.

Anak ng pitumput pitong puting tupa.

Mayor nemen, huwag ganyan.

Kagat ang labing sumunod siya sa sinabi nito. Hindi naman na ulit nagsalita si Caleb. Ngunit ramdam niyang nanatili itong nakatitig sa kanya.

"Why don't you sleep para makapagpahinga ka?" Basag ni Jenna sa katahimikan.

"Di ako makatulog, I'm cold." ani Caleb sa nanginginig na boses.

"Mayroon ka pa bang ibang kumot? Tell me where to find it." Inilagay niya ang palad sa noo nito. Mainit parin ang binata halos hindi pa bumababa ang lagnat.

"Na--sa baba sa isang kuwarto doon."

"Wait here, I'll go get it."

Hinawakan ulit siya nito sa braso

"Please don't leave me." Pakiusap ulit nito. Napamura siya sa isip. What she's seeing right now is not the mayor Caleb she knew, but he's like a five years old begging for his Mother.

"Siomai anong gagawin ko? Nilalamig ka?" Halos pasigaw na niyang sabi sa pag-aalala.

Nakita niyang halos mag umpugan na ang ngipin nito sa ginaw.

Bago pa siya makapag isip ng matino, tinanggal niya ang sapatos at pinatong ang salamin sa mesa. Sumukob siya sa comforter nito at niyakap ito ng mahigpit.

They say body heat is the best.

Nanginginig parin ito habang yakap niya hanggang sa unti unti itong kumalma.

"Tha--nk you." Usal nito pagkatapos unti-unti na itong pumikit. Hanggang sa ramdam niyang malalim na ang pagghinga nito.

Hindi mapigilan ni Jenna ang sariling pagmasdan ang mayor.

Tila may sariling isip ang mga kamay at hinaplos ang mukha nito.

Jenna sulitin mo habang tulog pa hihi

She gently traced his brows, down to his pointed nose. Hanggang sa makarating ang kamay niya sa mapupulang labi nito.

Kinikilig na napakagat si Jenna ng labi. His lips are so soft.

"Mayor how does it feels kaya to be kissed by you?"

Marahang bulong niya. Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya kay Caleb.

"Just a taste promise."

Hanggang sa dumapo ang kanyang malalambot na labi sa labi nito.

"Mam Je---" Hindi naituloy ni kuya Randy ang sasabihin dahil sa nadatnang tagpo.

Mabilis siyang napalayo kay Caleb.

D*amn, it was so embarrassing.

Nahuli siya ni manong Randy habang monomolestiya ang walang kamalay-malay at may sakit na mayor.

Hindi niya alam kung anong sasabihin sa matanda. Pakiramdam niya lahat ng dugo niya umakyat sa kanyang pisngi.

Nagulat man ngunit lihim na napangiti si Randy sa tagpong naabutan.

Alam niyang espesyal si Jenna sa amo dahil hindi nito pata-tapakin sa bahay nito ang dalaga kung isa lang ito sa mga nagdaang babae sa buhay nito.

Wala naman siyang tutol sa amo dahil napakabait ng dalaga.

Tumikhim muna siya bago bago magsalita. "Mam, itatanong ko lang sana kung okay na si mayor."

Parang balewalang saad niya dito. Kita niya kasi ang pamumula ng buong mukha ng dalaga.

Kitang-kita din niya kung gaano kakomportable ang amo.

Kasama na niya ito mula pagkabata kaya kilalang-killa na niya si Caleb. Halos siya na ang nagsilbing pangalawang ama nito. Hindi niya iniiwan kapag may sakit ito dahil daig pa nito ang bata kung maglambing at matigas ang ulo. Ayaw nitong umiinom ng gamot kung hindi ang ina nito ang nagpainom.

Kaya gusto niyang palapakpakan ang dalaga dahil napainom nito si Caleb.

"Du- uhmm dumating na po pala kayo manong. Puwede ko ng iwan si mayor. Babalik na po sana ako sa City Hall." Nauutal na sabi ng dalaga habang sinususubukan nitong makawala sa yakap ni Caleb.

Ngunit imbes na pakawalan ng amo ang dalaga ay mas humigpit pa ang yapos nito.

Nahihiya naman itong napatingin ulit sa kanya.

"Okay lang, mam. Ako na ang bahalang tumawag na hindi muna kayo makakabalik. Dito na po kayo kumain, magluluto lang ako." Hindi na niya hinintay na tumutol ang dalaga.

Mabilis na siyang lumabas sa kwarto ni Caleb.

Napasabunot si Jenna sa sariling buhok ng makalabas si manong Randy.

Sinampal sampal pa niya ang sarili.

Tengeney Jenna nakakahiya!

Gustong-gusto niyang ibaon ang sarili sa lupa dahil sa hiya.

Muli niyang tinignan si Caleb na ngayon ay mahigpit na nakayakap sa kanya. "Kasalanan mo kasi Mayor. Why so da*mn irristable?" Sita niya dito.

"Let me remind you that he is your mission for petes sake." Paalala ng isang bahagi ng isip niya.

Napangiwi si Jenna.

"Oo nga pala, muntik na siyang makalimot, yeah right, she's on a mission."

A/N

Huli ka Jenna!

Magnanakaw ka!

Magnanakaw ka ng halik  kay Mayor hihihi

May pa just a taste just a taste ka pa haha

-Shy Seven

The Hottie MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon