***Lenten Special 3

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ate sino yang lalaking yan?" Tanong ko.

"Yan? Si Lord Jesus Christ yan, Siya ang Anak ng Diyos na isinugo dito sa mundo para sa atin, 'For God so loved the world, that He gave His only begotten Son, so that who believe in Him will not perish, but have eternal life.' Ginawa yan ni Lord para sa atin! Kaya maniwala ka na!"

"Ewan ko sayo ate.."

"Hay naku o! Basta manood ka ha!" Sabi niya. At hinawakan ako sa balikat.

Nakita ko sa pinapanood ko, yung lala--- na si Lord Jesus Christ sabi ni ate.. Nakita kong paparating na ang mga taong may dalang tabak... At mukhang Siya yung dadakipin.

"Ate bakit Siya dinakip?" Tanong ko.

"Kasi nga basta, manood ka nalang! Yan ang napapala ng isang Atheist, hay!" Sabi ba naman. "Hindi naman sa minamaliit kita, pero mas masaya kapag na kay God ka, di ka kukulangin. Sige, manood ka lang."

Nakita ko na hinanap nila si Jesus na taga Nazareth.

May nakita akong kasama Niya at naglabas ng tabak at may natapyas ang tenga.

Pinigilan ni Lord Jesus Christ ang pag-aaway at hinawakan ang tenga at himalang nawala ang sugat.

"Ha? Gumagawa Siya ng himala?"

"Oo, marami nga Siyang ginawang himala e." Sabi ni ate.

At nakita kong dinakip na siya.

Dinala na Siya sa isang pinuno ng bayan iyon at balak nilang ipaparusa Siya.

Nakita ko ang isa Niyang kasamahan at may mga kumakausap sa kanya, si Simon, 'pag siya'y tinatanong kung kilala niya si Jesus ay itinatatwa niya.

Nang tatlong beses na niya itong ikinaila, tumilaok ang manok.

Napatingin na lamang siya kay Jesus at tumalikod siya. Nahiya siya sa ginawa niya. Nagsisi.

"Ate, bakit niya ikinaila?"

"Hindi ko rin alam e, natukso siguro siya. Lahat tayo dumadaan diyan."

At nakita kong ipinahagupit si Jesus. Pero, bakit kailangan Niyang danasin yun?

"Ate, bakit Siya pinarurusahan?"

"Para pagbayaran ang mga kasalanan natin, upang mailigtas tayo. Dahil He's only the way, the truth and the life."

"He didn't deserve of being persecuted and punish but because of His love for us, nagtiis Siya para sa atin. Namatay Siya sa krus. Wala Siyang kasalanan, pero ginawa Niya iyon para sa atin. Mahal na mahal ka Niya, tayong lahat." Dugtong niya.

Ginawa Niya iyon para sa atin?

Sa akin din?

May nagmamahal pala sa akin..

Kahit ganito ako, may isang namatay para sa akin...

Bakit nagpa-Atheist pa ako? Wala nang hihigit pa sa ginawa Niya!

Nagtanong si Pilato kung sino ang gustong palayain. Kung si Jesus ba o si Barabbas?

Pero, Barabbas ang sigaw nila..

They say... "Ipako Siya sa krus!" "Ipako Siya sa krus!" "Ipako Siya sa krus!"

Wala ba silang awa?

Nakita ko na lamang na may dala-dala na Siyang mabigat na krus. Kita ko sa Kanya na hirap na hirap siyang ipasan ito. Pinaghahampas Siya ng kung anu-ano kanina at sinuutan pa ng koronang tinik! At pinagtatawanan, dinuduraan ng tao. Ang sakit naman nun! I imagine if ako ang nasa sitwasyon Niya... Biruin mo, ginawa Niya yun para lang sa atin! Hindi ako worth na mahalin dahil hindi ako naniwala sa Kanya. Sinisi ko pa Siya sa mga nangyari sa akin.

May mga taong naawa sa kanya habang pasan-pasan Niya ang krus. Ang kanyang ina sa kwento ay umiiyak..

May tao pang finorce na tulungan Siya sa pagbubuhat ng krus. Hanggang sa nakarating sa Golgotha.

May kasama siyang maiipako...

Nakita kong huminto na Siya sa paglalakad at ipapako na Siya...

Waaaaa ayoko ng tignan! Nasasaktan ako sa nakikita ko. Lord, I'm sorry po, patawad po dahil hindi ako naniwala Sayo, pinili ko pong sisihin kayo sa mga nangyari sa akin, pero, mas mahirap pala ang pinagdaanan niyo, Lord! Maraming salamat po dahil ginawa Niyo po ito para sa amin, at ngayon ko lamang ito nalaman, thank you Lord!!

"Umiiyak ka na ba? Okay lang yan, nagsisisi ka na ba?" Sabi ni ate. "At least, alam mo na ang katotohanan."

"Salamat sa Diyos ate, at sa iyo."

Nginitian ako ni ate. Tumutok muli ako sa pinapanood ko..

Nakita kong nakapako na Siya sa krus at nakuha Niya pang sabihing, "Ama, patawarin mo po sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa."

Hinagupit Siya, pinagtawanan, pinagpapalo-palo, sinuutan ng koronang tinik... Ipinako sa krus, tapos... Nasabi pa Niya ang katagang yun?

Wala Siyang katulad.

Lord, ang bait Mo po.. Mapagmahal pa.

At dumilim ang paligid at namatay na Siya...

"Mabubuhay pa ba Siyang muli?" Hindi ko alam kung saan nagmula ang tanong kong yan.

"Oo, Henry. Mabubuhay Siyang muli pagkatapos ng tatlong araw..."

"Wow! Ang galing talaga ng Diyos."

"Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, salamat sa Diyos dahil namulat ka na, at alam mo na ang katotohanan. Magsisimula ka pa lamang, but huwag kang magpadala sa tukso. God loves you, and have faith on Him!"

"Opo ate."

Hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Nang malaman ko ang katotohanan, na namatay si Jesus sa cross para sa atin, dahil mahal na mahal Niya tayo at natouch ako sa ginawa Niya. Walang ibang kagaya Niya na makakagawa nun. Na walang sala.

At pagkatapos ng tatlong araw sa kwento sa TV...

Pumunta sila sa libingan ni Jesus, pero wala na ang bangkay Niya. Muli nga Siyang nabuhay!

Ang mga taga-sunod Niya ay nagulat at di makapaniwala sa una...

At isinugo Niya ang mga alagad Niya. Sila ang Kanyang saksi...

"Ate, thank you sa pagpipilit na panonood nito sa akin ha? Ang pagtuturo mo sa akin, kahit ganyan ka. Kundi dahil dun, hanggang ngayon bulag pa rin ako..."

"All glory to Him, Henry."

Walang katulad Niya, walang sinuman ang makakagawa ng ginawa Niya. Siya ang Anak ng kataas-taasang Diyos. Siya'y nagsakripisyo para sa atin.

Dakila ang pagmamahal Niya sa atin.

Kahit na di man natin Siya nakikita, have faith and trust to our Lord! :)

~~~End~~~
__________

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon