10. BE an EXAMPLE

8.8K 86 1
                                    


1 Timoteo 4:12

Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay.

________

Tayong mga tao, ang ating nagiging ugali ay minsan galing sa mga nang-iimpluwensiya sa atin, nag-gigive ng example sa atin, at ang nagiging leader o ang sinundan natin. They influence us. Sa mga nagiging leader natin, kung ano ang nakikita mo sa kanila ay siyang gagawin mo. Halimbawa natin dito ay ang parents natin, minsan, di lang minsan, kung ano ang nakikita mo sa kanila ang siyang ginagawa mo. Kung ano ang ginagawa nila, ang siyang ginagawa mo rin. (Ugali ang tinutukoy ko)

Tayo, bilang isang Kristiyano, we must influence good things, hindi yung tayo pa ang nag-lilead sa kanila ng masama. Kristiyano ka nga ba talaga? Kung hindi naman nkikita si Kristo sayo?

Maraming mga tao ang kilala sa bawat larangan. Kapag naririnig ang salitang 'yun ay maalala at maalala na sila yun. Halimbawa, si Ana ay kilala sa pagiging maingay sa klase, ayun, kapag nakakarinig ng word na maingay ay maalala siya. Maaari tayong makilala sa kahit anong larangan. May kilalang talented, matalino, magaling sa ganito at ganoon, at iba pang klaseng larangan na kung saan ay pwede kang makilala. Mas masaya siguro na kilala ka sa pagiging good example...

Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Ang age ay di basehan ng pag-uugali. Minsan nga mas nakakaintindi ang bata kaysa matanda. Hindi age ang basehan sa kakayahan. Kasi kung nandyan si God, tunay na walang impossible. In the word, impossible, it says I'm possible. Have faith. Ang age ay di basehan sa pagiging mature. Depende talaga ito sa tao.

Sa halip, sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay.

Sikapin? Sikapin mo..

Bago ka maging example, dapat isasagawa o isasabuhay mo muna ang mga ito. Sige nga, paano ka magiging example, kung sa sarili mo ay di mo nagawa?

Kung nagawa mo na ito sa iyong sarili, ipakita mo rin ito sa iba bilang example.

Dahil Kristiyano ka, dapat ikaw ang mang-impluwensiya, hindi ang masamang gawain na siyang iimpluwesiya nila sayo.

Sa mga mananamplataya. Isa kang mananampalataya, di ba? Sikaping maging halimbawa sa mga mananampalataya. Give example. Ipakita mo kung ano ang tamang gawin.

Bilang isang Kristiyano, ikaw dapat ang nang-iimpluwensiya ng mga tamang gawin, hindi yung ikaw pa ang nangunguna sa mga bagay na hindi tamang gawin.

Kung nakikita mong mali na ang ginagawa ng iyong kapatid, ano ang ginagawa mo? Hinahayaan lamang ito? O iyong sinasabi na mali ang ginagawa niya? Ituro mo lamang, nasa sa kanya nalang 'yun kung susunod siya o hindi. Pero, ipaalala mo sa kanya yun.

Sa iyong pagsasalita.... O sa pananalita natin. Di dapat tayo nagmumura. Ang pagsasalita ay isa sa mga nakakaimpluwensiya. Halimbawa, pag may narinig kang nagmumura, akala mo'y okay lang ang pagmumura.

Tayong mga mananampalataya kay Kritso, ito ay isagawa rin natin. Ang dila'y makamandag, tandaan po natin ito. Iwasan natin ang pagmumura, at ang mga salitang masasakit at di magandang pakinggan.

Pag-uugali... Eto.. Hindi na natin magbabago kung ano tayo, pero ang pag-uugali ay maaari nating mabago. Kung pipiliin nating magbago. Sabi nga nila, "If there's a will, there's a way." Kung gugustuhin mo, ay palaging may paraan. Ang pagbabago ay hindi basta-basta. Hindi 'to yung pagkain na instant. Ito ay nasa proseso.

Ito rin ay dapat nating iimpluwensiya. Ang magandang pag-uugali. Kasi kung maganda ang pag-uugali mo, magiging masaya ka pa at makakaimpluwensiya ka pa ng maganda sa mga tao sa paligid mo. And keep the commandments of God into your heart.

Sa pag-ibig. Pag-ibig. Ano nga ba ang pag-ibig? Ano ang pag-ibig para sa iyo? Read 1 Corinto 13:4-7

Ang pinaka the best na meaning ng pag-ibig. 1 John 4:8. 'Who does not love does not know God, because God is love.

The second greatest commandment of God. "Love your neighbor as you love yourself." We must love one another. And LOVE THE UNLOVABLE. (Read about this on the chapter has this title.)

Alam ninyo, maraming takot magmahal. Hindi dahil takot masaktan, dahil hindi siya tunay na nagmamahal kung takot siyang masaktan. Dahil makasarili sila. Base po ito sa sinabi ng kaklase ko...

Kung tunay mong mahal ang iyong kapwa, kahit mahirap sabihin ang ilang maling ginagawa niya, sasabihin mo. Alam niyo kung bakit mahirap sabihin? Dahil natatakot tayong masaktan sila. In short, natatakot tayong hindi na tayo pansinin after sabihin ang tungkol roon. Ang tunay na nagmamahal, di takot masaktan. When I'm afraid, I will put my trust in You. (Psalm 56:3) Kasama mo ang Diyos, bakit ka matatakot? God goes before you...

Maraming nagagawa ang pag-ibig. Kung ito'y pinaghari mo sa puso mo, hindi ka magtatanim ng galit o inis sa iyong puso. Maraming nagagawang maganda ang love. Maraming naayos. Love one another!

Kaya isa ito sa mga ibigay natin example. Ang pag-ibig.

Sa pananampalataya... O sa English, faith.

Mayroon tayong pananampalataya sa Diyos. Maniwala sa Kanya.

Ang pananampalataya ay ang paniniwala kahit di mo pa nakikita, ay naniniwala ka na. Wala pang sinuman ang siyang nakakita sa Diyos, but because of this, you believe that God exist. When you pray, you feel that na nandyan Siya at nakikinig sayo. And because of faith, naniniwala ka.

Ito dapat ang siyang una na iimpluwensiya dahil dito magsisimula ang paniniwala ng tao sa Diyos. Na dapat silang sumampalataya nang sila'y mailigtas. Sumampalataya sa nag-iisang Anak ng Diyos.

Mas nakikilala nila ang Panginoong Jesu-Cristo sa mga pinapakita mong example sa lahat ng 'to. Kasi Siya mismo ang nagbigay ng mga example na 'to nang Siya'y naririto sa lupa.

Malinis na pamumuhay. Dahil nakilala na natin si God, tayo'y dapat mamuhay ng malinis. Pero hindi yung perfect, kasi nobody's perfect. Kasi lahat tayo'y nagkakasala, nanghihina. Pero wag naman yung sasadyain mong magkasala. Hindi na maaalis ang kasalanan sa buhay natin. Pero, with the help of God, unti-unti natin ito maoovercome. Mamuhay tayo ayon sa kalooban ng Diyos.

Isa rin ito sa mga dapat ibigay na example. Sa malinis na pamumuhay.

Be an example. :)

God bless!!

~

God is always there for us (Devotionals)Where stories live. Discover now