Chapter 47

1.1K 23 0
                                    

Xapphie's POV

"Mark itigil mo na to please" pilit kong pagmamakaawa pero sobra ang pagmamatigas niya "Please, please"

"Can you please shut the fuck up! Hindi mo alam ang lahat para sabihin mong itigil ko to!" malakas na sigaw niya sabay hawi sa kamay ko na nakahawak sa braso niya "Leo bilisan mo ang pagmamaneho, iligaw mo sila! Hindi nila tayo pwedeng masundan" mando niya kay Leo

"Leo itigil mo tong sasakyan! Itgil mo!" sa kanya ko naman ibialing ang atensyon ko. Kaylangang matapos na to

*slap*

"Sinabihan na kita na tumigil. Hindi lang yan ang aabutin mo sa akin kapag nagpumilit ka pa!" bulyaw sa akin ni Mark

"Hindi na kita kilala, hindi na ikaw ang dating Mark na kilala ko! hindi na ikaw ang dating Mark na minsang minahal ko. Tama lang na kinalimutan kita at si Sydney ang minahal ko. Magkaibang magkaiba kayo, mas tao siya kaysa sayo! Hayop ka hayop!" hindi siya sumagot sa halip ay hinatak niya ang buhok ko at nanggagalaiting mukha ang tumambad sa akin

"Wala kang alam! Wala kang ideya kung bakit ako ganito! Hindi mo alam ang pinagdaanan ko kaya wala kang karapatang magsalita sa akin ng ganyan! Naintindihan mo?" wala akong nagawa at napatango na lang ako saka niya lang ako biglang binitawan

"Boss nandito na po tayo" bumaba na si Mark at binuksan ang pinto ko at kinaladkad ako papasok ng malaking bahay. Dali dali niya akong kinaladkad papunta sa isang kwarto at inihagis niya ako sa loob

"Diyan ka! Huwag na huwag kang magtatangkang tumakas kung ayaw mong matapos dito ang buhay mo!" bago pa ako makasagot ay binalibag na niya ang pinto

"MARK! MARK!" paulit ulit kong sigaw pero alam kong hindi naman niya ako pagbubuksan nang pinto. Kaylangan kong makaalis dito pero pano!?

Sydney's POV

"Ano nacontact mo na sila Mama?" tanong ko kay Luigi.

"Oo, susunod daw sila sa atin, pati ang iba pang barkada"

"Sydney, nasan na! Nawawala na sila! Ano ba!?' pagpapanic ni Chezka. Hindi ko alam kung dapat din ba akong magpanic dahil sa totoo lang ay nawawala na sila. Naligaw na nila kami!

"Shit!" sigaw ko sabay hampas sa manibela "Shit! Shit! Shit!"

"Oh God! Pano na! Si ate!" hagulgol ni Chezka

"I'm sorry. i'm sorry!" paulit ulit kong sabi

"Please, kumalma kayo! Hindi makakatulong yan, mahahanap natin si Xapphie okay!? Ngayo't alam na natin na nandito lang siya" pagpapakalma ni Luigi

"Pero paano!? Hindi natin sila agad agad mahahanap bago magdilim. Kapag nagkataon, maitatakas pa ni Mark si Xapphie!" sigaw ko

"Ngayon ka pa ba susuko Sydney!? Magtiwala ka lang! Mahahanap natin sila. I have my connection here sa Vigan" sabi niya, at may tinawagan siya sa cellphone niya at kinausap niya ito para matulungan kami.

"Sundan mo lang yung daan, baka sakaling makita natin sila" ginawa ko ang sinabi niya. Nagdrive lang ako, hinayaan ko na lang kung saan kami dadalhin ng sasakyan. Bahala na.

*kriiing*

"Hello, sino to!?" sagot ni Chezka sa kabilang linya

"Saan?... Sigurado ka?.. Oo, sige pupunta na kami.. salamat!"

"Sino yun?" tanong ko

"Hindi na siya nagpakilala, pero sabi niya kasamahan siya ni Mark at itatakas daw niya si Ate. Ito yung address nang lugar"

"Sigurado ka ba diyan?" pagaalinlangan ko

"Sigurado man tayo o hindi kaylangan na nating punatahan, Hindi na ito ang oras para magduda pa tayo, Luigi sabihin mo kila Anne na dumeretso na lugar na to. Hindi pa naman sila nakakalayo sa Vigan and madali na lang sila makapunta" ginawa na lang namin ang sabi ni Chezka. Sana tama, sana tama.

Nakarating na kami sa lugar. Malaki ang lugar at tanaw mo ang nagiisang malaking bahay na hindi mo aakalaing dito maglalagi ang tulad ni Mark na may ginagang kasamaan. Malayo siya sa ibang bahay, masyadong payapa.

"Dito ka na lang, hintayin mo sila Jc, kami na lang ang pupunta ni Sydney" sabi ni Luigi kay Chezka

"Hindi pwede! Sasama ako!"

"Makinig ka, hindi ka pwedeng sumama dahil masyadong delikado. Mas maganda na kappag dumating sila Anne dito ay makikita ka nila. Kami nang bahala"

"Huwag kang magalala, ibabalik ko si Xapphie" determinado kong sabi kay Chezka

"Aasahan ko yan" tanging sagot niya

Bumaba na kami ng sasakyan at dumeretso sa malaking bahay, aakalain mong walang tao. Umakyat kami ng bakod ni Luigi dahil yun lang tanging paraan. Papasok na sana kami sa pinto nang maaninag ko si Mark sa loob kaya't dumaan kami papunta sa garden ng bahay. Hindi naman ganun kalayo papunta sa garden ay nakarating agad kami at nakita namin si Xapphie kasama ang isang lalaki. Siya siguro ang kumontact kay Chezka. Nakita na rin naman niya kami, dahan dahan silang lumakad papalabas sa likuran ng bahay papunta sa garden. At nang ayos na ang lahat ay tumakbo siya papunta sa amin.Ano pa't ay napayakap na lang ako kay Xapphie, matagal ko nang gustong gawin. Sa apat na buwan na nawala siya at akala ko na hindi ko na makikita ay eto siya sa harap ko at yakap ko.

"Sorry, sorry, sorry" paulit ulit niyang sabi habang umiiyak. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya

"Sshh, tahan na. Alam kong wala kang kasalanan, okay" pinunasan ko ang mga luha niya

"Gusto ko mang panoorin yang pagmomoment niyo pero kaylangan na nating umalis bago pa tayo makita ni Mark" singit ni Luigi. Narinig kong napatawa ng konti si Xapphie..

"Sabagay tama ka, tayo na" sabi ko at sandali pa ay tumingin si Xapphie sa lalaking tumulong sa kanya at nagpasalamat siya rito. Dahan dahan kaming naglakad papalabas ng bahay. Nauna ng konti si Luigi sa amin, nang makalabas na kami ng gate ay akala ko nakalaya na kami pero

"walanghiya kayo! Tatapusin ko ang buhay nyo!" narinig ko ang sigaw ni Mark at sa isang iglap nakarinig na lang ako ng isang putok at.............

----

Hope you like this chapter. The end is near! Let's start counting. I'll try to have my next update this coming saturday/sunday? Hindi ko pa po alam. Temporary pa po yang mga araw na yan. Just stay tune!

Vote and comment. Big Love ♥

CHEZKA-

Si Loveless At Si Hater (COMPLETE)Where stories live. Discover now