"Is that too obvious? Hahaha."

"Yes, Maam. It's very obvious." I heard him laugh.

"Maam, Sir. Here's your order. Enjoy your meal!" the waitress placed our orders on the table.

We just ate our food. We're really hungry.

"Let's go." Taeyang said as soon as we finished our meals.

"Sure." I stood up.

Sandara Elizabeth's POV

I miss Faith na talaga. Huhuhuhu. Sa loob ng limang taon na wala siya, bored na bored kami ni Bommie.

Buti na nga lang uuwi na siya. Pero ang alam ko, babalik ulit siya doon. At ngayon din pala siya dadating dito sa Pilipinas.

"Kyaaaa~ Tristan oh! Si Alexander ang ingay!"

"Bommie! Ang gulo niyo diyan!"

Rinig na rinig ko dito 'yong ingay nila mula sa baba.

Nandito kasi sila sa bahay ko. Kumpleto sila---- minus Taeyang and Faith.

Speaking of Taeyang, nami-miss ko na rin yung monggoloyd na 'yon!

Wala akong mapag-tripan dito! T^T

Ang boring ng buhay namin. Pero simula nung mawala yung dalawa, naging magkaka-close kami lalo magbabarkada.

At ang bongga ng mga boys! Mga pinagtitilian parin kahit tumanda na sila. Mga businessman na sila kahit mga 24 or 25 pa lang sila.

At kami ni Bommie? Eto maganda pa rin hahahaha!

At proud na proud kami sa bestfriend namin na si Faith or should I say na si Chaerin.

May mga nagawa na siyang music videos. Ibang-iba na siya.

She even raised her middle finger in her music video. Nagmumura na rin siya.

Ang alam ko kasi sa America at Korea siya naka-destino.

At model din siya. I even bought some of her magazines.

Daring siya sa iba niyang magazines. Kapag din sa mga interviews and events niya, parang retaso nalang ang suot niya. I wonder what happened to her.

Pero.... p-paano kung may nangyari na sa kanila ni Taeyang?

Hindi imposibleng maakit si Taeyang sa bestfriend ko!

Nako! 'Pag bumalik dito si Faith na buntis bukas, mayayari talaga sakin 'yang si Taeyang!

Kakalbuhin ko talaga si Taeyang!!!

Halos manggigil ako sa hinahawakan kong railings.

Teka--- wait. Bakit ba ako galit na galit? Buhay nila 'yon, bahala sila kung ano gusto nilang gawin!

P-pero... baka saktan niya lang din si Faith kagaya ng ginawa ni Jiyong!!

Nakaramdam ako ng pagkirot sa may bandang dibdib ko.

Ano na naman nangyayari sa abnormal kong puso? Kailangan ko na magpa-check up.

"Nakakamiss ang bestfriend mo noh."

Ay pusakal ka! Diosmio!

Napalingon ako sa nagsalita.

"Jiyong naman eh!" napasimangot ako sa kanya.

"Sorry na. Hahaha." natatawa niyang sabi.

"Nakakainis ka." sabi ko.

Tumawa na naman siya. -___-

Nabalutan kami saglit nang katahimikan pero nagsalita siya agad.

"Miss na miss ko na ang bestfriend mo." then he breathed heavily.

"Kahit ako din naman, miss na miss ko na si Faith." sabi ko habang nakatingin sa malayo.

Minsan lang sumama sa amin si Jiyong dahil lagi siyang busy sa trabaho. Sinusubsob niya ang sarili niya sa trabaho.

Gusto ko ding magalit sa kanya dahil sa ginawa niya kay Faith pero mas nanaig sakin ang paniniwala ko na mabuting tao si Jiyong.

Gaya nga ng sabi ko dati, kilala ko na si Jiyong dati pa. Nakakatawang isipin pero naging crush ko 'yan. Err.

"Hindi mo ba nami-miss si Taeyang?" nabigla ako sa tanong niya.

"H-hindi ah. Sino ba siya para ma-miss ko? Psh." naiirita kong sabi.

Natawa na naman siya. -_____-

Alam ko na kung ano ang isa sa kinahumalingan dito ni Faith. Yung eye smile niya at yung magandang ngiti.

Ew. Ang pangit pakinggan. Haha!

"Pareho kayo ng bestfriend mo. Super sungit!" tawa na naman siya.

"Pareho din kayo ng bestfriend mo. Parehas monggoloyd." sabi ko.

Eh sa totoo naman! -___-

"Excited na ako na makita siya bukas..." sambit niya.

Halos kaming lahat excited nang makita ka, Faith.

Nagkakwentuhan kami tungkol sa kanila ni Faith. Nakwento niya sakin na sumakay sila dati sa helicopter nung nasa Palawan kami.

Yayamanin talaga 'tong si Jiyong!

Medyo naaawa nga ako dito sa taong 'to eh! Namatayan na siya ng anak at tatay at higit sa lahat, iniwan siya ng taong mahal na mahal niya pero nagawa niya pa ring magpakatatag.

Nabalik ako sa wisyo nang maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko.

"Saglit lang, Jiyong ah." sabi ko at tumango lang siya.

Tinignan ko kung sino ang tumawag.

Faith calling...

Agad kong pinindot ang answer button.

"Hello?"

[We're here.]

"Talaga?!"

[Yes. Kitakits tomorrow!]

"Sigesige. Babye!"

[Bye.]

Call Ended

Tumingin ako kay Jiyong ng may malapad na ngiti.

"Andito na sila."

----------------

✿ Don't forget to vote and comment. ✿

MIMMF Book 2: Innocent No More Where stories live. Discover now