9. Hugot Night

2K 61 3
                                    

Davao

Jeron's

We are currently having our celebration tonight after our win here in Davao. Naiwan kaming dalawa ni Thomas sa table while the other boys are busy partying.

"Bro what's with that IG post? Umalis lang tayo ng Manila nagiba na agad ang ihip ng hangin. The last time I check you wanted to pursue Mika. Anong nangyari?" Thomas asked out of nowhere while the two of us are drinking. She's obviously referring to my beach Ig post awhile ago tagged to Jeanine.

Hindi ako ready sa boy's talk na to but since Thomas knows everything might as well share my problems to him. Wala namang mawawala pero sure akong meron akong mapapala.

"Bro kahit may gusto ka, pag hindi ka naman gusto wala ring kwenta" I answered as I made another shot.

I guess naapektuhan yung game ko ng mga bagay na naiwan ko sa Manila. Huhugot ba naman ako ng ganito kung wala akong pinagdadaanan?

"So magsesettle ka na lang sa gusto ka pero hindi mo gusto?" Thomas looked at me. Trying his best to get an honest answer from me.

"Bro you know that I like Jeanine, she's my ideal girl. She belongs to my pattern so please don't think na nagsesettle lang ako sa kanya because I don't have a choice. I like her. Alam mo naman yun di ba?" depensa ko kay Thomas habang umiwas ng tingin sa kanya.

"But you like Mika more. Kaya nga she's special coz she's not the ideal. She's one of a kind, someone who doesn't fit into what you called pattern. Bro ano ba talagang nangyari?" That statement from Thomas hits me a lot, he has a point tho.

Mika is indeed one of a kind. Masyadong iba sa mga nakasanayan kaya andun yung takot na baka pag pinilit ko hindi ko mapanindigan. Baka hindi ko mahawakan ng matagal dahil hindi ko alam kung paano iingatan. Baka masaktan ko lang kaya madalas naiisip ko mabuting hindi ko na lang ipaglaban.

"Mahabang story Bro. Yung tipong one day narealize ko na lang na Bakit pa ko kakapit kung sya na mismo yung nag-aalis sa mga kamay kong pilit na humahawak sa kanya? Bakit ko pa itutuloy ang isang race na kahit hindi pa man nasisimula nilagyan nya na ng katapusan?" napatingin na lang ako sa baso na hawak hawak ko while explaining to Thomas.

"Dahil mahal mo. At pagmahal mo ipaglalaban mo. Kelan ka pa naduwag Bro?" Thomas said before drinking again.

Hindi ko alam kung gaano na karami ang nainom naming dalawa pero alam ko na totoo  pa rin lahat ng sinasabi ko.

"Then tell me bakit hindi mo yan nagawa para kay Ara? Why is it so easy for you to tell that to me when you can't even apply that advice to yourself? Bro ang labo mo eh." hindi ko alam kung hanggang saan ang patutunguhan ng usapan naming dalawa but I do believe na magkakaintidihan kami dahil pareho kami ng pinagdadaanan.

"I guess pareho lang tayong takot but Bro mine is different alam mo yan. Single ka, single si Mika. Mas madaling lumaban pag wala kang matatapakan."

"Bakit kahit nung wala pang iba hindi mo pa rin sya pinaglaban?"

"Bro naniniwala ka ba na si Ara at Mika ang biggest and greatest what ifs ng buhay natin?"

"I think so" sagot ko sa kanya. I'm not considering her as my what if, not yet since naniniwala ako na BAKA may chance pa.

"Going back to your question alam mo naman na being in the same world made us know the Coach Ramil's rule, hindi pa pwedeng magkaroong ng boyfriend until 3rd year na sila. Nagantay naman tayo di ba but shit happened. Yung bigla mo na lang marerealize na minsan sa kakaantay mong maging pwede na sila hindi mo namalayan napunta na pala sa iba." Thomas answered and I can hear the disappointment in his voice.

AniMineWhere stories live. Discover now