2. Idols

1.6K 71 14
                                    

Jeron's

After that convo with Mika and Ms. Joy hindi pa rin nagsisink in yung mga nalaman ko. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Kanina lang ako lang ang may karapatang magplano sa buhay ko then the next day marami ng makikialam.

At the same time naguilty pa ko when I made Mika cry. Pakagago ko naman kasi.

Pagdating ko ng dorm pumunta agad ako kay Thomas to tell him about everything. Hindi naman pwedeng ako lang ang may alam nito, I need someone who can understand my situation.

"Thomas hmmm may sasabihin ako sa'yo pero wag ka magugulat ha?"

"What?!!! ANOOOOOO?!!!!"

"Teka lang kasi wala pa nga eh!" reklamo ko sabay batok sa kanya. Pakao.a kasi.


"Aray aray haha okay ano ba kasi yun Bro parang ang seryoso ata nyan ah?"


"Seryoso talaga, parang teleserye. Kasi ganito....." Then I began telling him about our meeting awhile ago.



"Bro ano pa bang problema mo? Atleast si Mika na yun. Ayaw mo pa nun eh di ba ang tagal mo ng crush yun?"

"Thomas hindi mo kasi ko naiintindihan eh"


"Ipaliwanag mo kasi para maintindihan ko. Kung ako ikaw magpapasalamat pa ko kay Boss Danding kasi sya na yung gumawa ng way para makadiskarte ako kasi ang pagong ko. Imagine eto na yung right timing na matagal mo ng inaantay. Right timing na mailap sa'yo noon dahil pagong ka Jeron, chinitong pagong"

"Alam mo coming from you hindi ako nahurt!" sagot ko sabay batok ulit sa kanya.


"Aray dahan dahan naman pero seriously ano pa bang ayaw mo sa setup? Atleast you'll know her more, she'll know you too tapos malay mo eventually mainlove din sya sa'yo and you don't need to pretend anymore at hindi na kayo mahihirapan. Para lang yang loveteam sa showbiz tapos nadevelop. From reel to real"


"Alam mo Thomas may plano na ko for us ni Mika kaso biglang dumating yung punyetang proposal na yan. Ayokong isipin nya na ginagamit ko lang sya for my own interest. Gets mo ko? Enough of gago boys in Mika's life. I don't have any plans of being on that list. Oo aaminin ko gago ko sa ibang babae pero wala kong planong maging gago pagdating kay Mika. I want to prove na I'm his Jeron Teng in a world full of Kiefer Ravena"


"Naks bro iba ka! Pero if that's the case then tell him your pure and genuine intentions. Make it clear na agad so una pa lang alam nya na kung alin yung totoo at alin yung pakitang tao lang sa lahat ng efforts mo"


"Paano ko nga gagawin yun yung una pa lang purely business na ang magiging setup? Besides galit yun sakin dahil sa mga sinabi ko"


"Pahamak talaga your big mouth. Kahit nga ako sabihin ko lang "Jane" may kurot or inis pa rin diba? How much more sa part ni Mika na may nalalaman ka pang revenge at formula. Gago mo Paps, I think you guys need to talk and plan everything para maging believable kayo in public."

"We really need to talk. Wala na naman kaming choice di ba? It's a yes already unless ayaw nya na maging part ng team which I highly doubt. Sobrang hassle nito bro"

"Hassle talaga. Business, sports and showbiz. Dinaig nyo pa ang kape sa pagiging 3in1. Pero Jeron wala namang masama sa gusto ni Boss Danding, sports program naman yung magbebenefit at hindi sya. Atleast hindi man tayo magchampion may nagawa kang mabuti para sa team pero syempre tiwala akong magchachampion tayo. About Mika naman I think you need to apologize to her first"


AniMineWhere stories live. Discover now