Part 73

2.3K 41 8
                                    

Pauna lang: Sobrang ikli nito. :)

Aly's

"Pots, how are you and Dennise?"

Gulat akong napalingon at napatitig kay Bang, "Huh?"

Pareho kaming narito sa labas ng bahay nila at nakaupo sa may patio. Hindi ko alam kung bakit niya iyon naitanong at kung bakit siya biglaang nagka interes sa relasyon namin ni Dennise.

Napatingin din siya pabalik sa akin at nagkibit balikat, "I mean, how did you break up with her?"

Napakunot ng husto ang noo ko sa sinabi niya.

At napakunot din ang noo niya dahil wala akong maisagot sa kanya, "What? I mean, sure break na kayo di ba? Coz we're together now."

Parang biglang nanghina ang buong katawan ko at inalis ko ang tingin ko sa kanya.

It's been a week since that 'suicide incident' ... matapos nun ay lagi ko na siyang kinakamusta at dinadalaw. Kahit na hindi na tulad ng dati ang trato ng pagtanggap nila sakin dito sa bahay nila, ikinibit balikat ko na lang iyon at hindi pinansin.

Ngunit hindi ko inaasahang iisipin niyang sa mga nangyayari at ginagawa ko... ay iisipin niyang kami na uli.

"Pots?" muling tawag niya at hinawakan ako sa hita para kunin ang atensyon ko.

"I... I... Actually we're not breaking up." nauutal kong sagot habang nakatitig sa sahig.

Inalis niya yung kamay niya sa hita ko at medyo nagtaas nga boses, "What?!? Pots, are you... are you two timing?" Nakatitig pa rin siya sakin na parang hindi makapaniwala at maya maya ay bumuka ng bahagya ang kanyang bibig, "Oh my - am I just... am I just assuming here?!"

Nabahala ako sa reaksyong nakita ko sa mga mata ni Bang. Hindi ko alam, pero parang biglang nag flashback sakin yung suicide na ginawa niya, yung galit ng mama niya, yung iyak ni Amanda.

Hindi na ako nakapag isip at bigla na lang bumulalas sa bibig ko ang isang bagay na hindi ko gusto at parang hindi ko makakayang gawin, "But, I will break up with her."

Mabilis na nagliwanag yung muka ni Bang at kumapit sa braso ko nang may ngiti sa labi, "You will?" masaya niyang tanong.

Maging ako natanong ko ang sarili ko... will I?

"Pots..." masaya at naghihintay niyang pagkumpirma mula sa akin.

Pero habang nag si-sink in ito sakin, parang gusto kong umiyak.

Dennise out of my life?

Parang hindi ko kaya...

Parang hindi ko kakayanin...

"Just give me some time, Bang."

Bumitaw siya sa pagkakayapos sakin at tinignan ako, "Some time for what?"

Parang biglag naging crowded ang utak ko. Nalilito ako.

I desperately searched for an answer...

"There's ... there's UAAP and... and she's graduating... ayokong maapektuhan yon."

Marahan siyang gumawa ng space sa pagitan naming dalawa, "Pero... pero ako na di ba? Ako na uli?" mahina, maramdamin at desperdo niyang paghingi ng kumpirmasyon mula sa akin.

Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa sahig, hindi ko magawang tumingin sa kanya. Hindi ko rin alam ang dapat kong isagot sa kanya.

Hindi niya na rin hinayaan pa na sagutin ko yung tanong niya at muli siyang nagtanong.

"Kung hahayaan ko ba... kung mag-aantay tayo hanggang sa graduation at end ng UAAP, wala naman akong dapat ipag-alala di ba?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nasa iisang school kayo, nasa iisang team at magkasama sa iisang kwarto..."

And I got what she means.

"Wala." sagot ko, para matapos na lang at bitawan na niya ang usapang ito.

Ngumiti siya at muling yumakap sa akin, "I love you, Pots." saka tumingin sa akin.

"I love you, too."


Who Is Meant? AlyDen? BangLy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon