Part 62

3.4K 71 9
                                    

Aly's

After that 'talk' with Bang, I've decided na hindi na muna bumalik ng dorm at magpalipas na lang muna ng oras kung saan.

Sa may gym ako dinala ng mga paa ko. Siguro dahil narinig ko na may mga nag paparactice pa.

Manonood sana ako, kaso 8 PM na, kaya pauwi na rin yung mga nagpractice na basketball men team.

"Oh, Ly, magpa-practice ka pa?" Biro ni Kief sakin ng makita akong nakatayo sa may gilid.

"Oo. Papalo lang ng konti." tipid kong sagot sa kanya at pinilit ngumiti. Ayoko naman kasing kung mahalata nilang may iniisip ako, ay kulitin pa nila akong mag kwento.

"Grabe, sipag! O, sige, mauna na kami ha?" sabay tapik niya sa balikat ko.

"Sige, kita kits na lang."

Nakalabas na silang lahat, maliban dun sa maintenance na naka duty ngayong gabi para magsara nitong gym.

"Gagamitin mo ba tong gym, Alyssa?" tanong ni Kuya Niel. Siya yung maintenance ngayon, mabait siya tsaka nakakabiruan ko na din dati pa, kaya tingin ko papayagan naman ako nito.

"Oo, kuya. Okay lang po ba?"

"Sige lang. Eto na lang munang bench ang lilinisin ko. "

Kumuha ako ng ilang bola ng volleyball galing sa storage room pero hindi na ko nag abala pang maglagay ng net.

"Hindi ka ba gagamit ng net?" tanong ni Kuya Niel nang mapansing sa pader lang ako nakaharap habang may hawak na bola.

"Hindi na po, eto na lang pader ang pagdidiskitahan ko." biro ko.

Itinaas ko na yung sleeves ng damit ko at nagsimula ng mag inat ng konti.

Hinampas ko yung bola pabalibag dun sa pader para mag bounce pabalik sakin. Yun lang yung ginawa ko ng ginawa. Spike sa pader, tapos irereceive, spike ulit, reeive, paulit ulit hanggang sa hingalin lang ako.

Yung isa kong tira, napalakas kaya sumobra yung bounce. Pag tingin ko sa likod ko, hawak hawak na yun ni Kuya Niel.

"Kawawa naman yung pader, parang mabubutas na." biro niya sabay abot sakin ng bola.

Nginitian ko lang siya tapos napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang pagod.

Umupo rin naman si Kuya Niel sa harap ko, "Kamusta ka, Alyssa?" tanong niyang nakangiti, pero halatang seryosong malaman yung sagot sa tanong niya.

"Okay naman kuya. Still alive and kicking po."

"Joker ka pa rin talaga." sabay tawa.

"Grabe kuya, ganyan ba tingin mo sakin?" kunyaring offended kong tanong na may kasama pang paghawak sa dibdib ko.

"Oo. Pero hindi na kasing saya nung Alyssa na una kong nakilala."

Natahimik ako sa sinabi niya, habang siya, nakatingin at nakangiti pa rin sakin.

"Alam mo, Alyssa, matagal na akong maintenance dito. Singkwentay kwatro na ko, at magdadalawampung taon na ako dito sa Ateneo. Ang dami ko ng nasaksihang mga practice, hiyaw ng coach, iyak ng mga players dahil sa pagod, tsaka meron pang mga away minsan. Pero nung napasama ka sa team literal na gumulo yung volleyball team." sabay halakhak niya.

"Sobra ka naman sakin, kuya!"

"Pero, magandang gulo naman..." bawi niya,

"Sa tuwing makikita ko yung mga players dati, lagi silang seryoso, nagmamadali dahil maraming tinatapos..." kwento niya na may kasama pang action, "pero ikaw... parang wala kang problema. Hindi naaalis yung ngiti sa labi mo. Ikaw yung batang nakilala ko na hindi pwedeng matahimik sa isang tabi... Naaalala ko pa nga, halos mapatid lagi ang ngala ngala ni Amy sa kasisigaw pag pinag titripan mo siya, at yung nabato ka ng bote ni Den sa ulo dahil sa paglalagay mo ng yelo sa likod niya, hindi ba?"

Who Is Meant? AlyDen? BangLy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon