Chapter 18

22 0 0
                                    

-KEN POV.-
Hindi ko alam kung bakit at paano ko nagawa ang ganuong bagay sa harap ng maraming tao, para lang sa babaeng nagngangalang "Raine" hindi ko alam kung sino nga ba sya sa buhay ko pero malakas ang pakiramdam ko na kalahati sya ng aking pagkatao. Bigla nalang ako nakaramdam ng kung ano nang makita kong halikan sya ng lalaking yun sa harap ko. Di ko alam... gulong-gulo ako sa mga nangyayari.
-Claire POV.-
Simula nang makalabas si ken sa ospital, gumulo na ang lahat.
Mag iisang linggo na rin matapos yung nangyaring gulo sa pagitan ni ken at cjay.
Si cjay maayos na rin naman ang lagay nya at pumapasok na ulit. Parang balewala lang rin sa kanya yung nangyaring yun.
habang si Raine naman... ay halos di na nakakapasok, dahil sa kahihiyan. Nakakulong lang rin sya sa kwarto nya at di ako kinakausap.
Sa palagay ko, bumabalik nanaman yung pagiging "raine" nya na mahina na nagtatago sa anyo bilang si "Double L"
Si ken? Wala na akong balita sa kanya...bihira nalang rin sila nakakapagusap ni lander.
*BACK TO REALITY*
(Cafeteria)
"Fries and lemon juice" ang syang sambit ko dun sa tindera.
Atsaka ko inabot ang bayad ko at pumwesto sa upuan malapit sa bintana. Di ko kasama ngayon si lander, may tinatapos pa kasi syang exam kaya pinauna nya na akong kumain.
"Uy, claire" pagtawag sakin ni brian na may kasamang babae. At umupo nakiTable sakin
"Di mo ata kasama ngayon si lander ...?" tanong nya.
"Busy eh.." sagot ko sabay inom ng lemon juice
"Ah... nga pala, si Cath girlfriend ko" sabay pisil nya sa pisngi nito
Mukhang matinong babae naman si Cath at maganda kaso nagmumukhang nerd dahil sa salamin nya
"Nice.. congrats, kailan pa?" walang emosyon na tanong ko
"Kanina lang.. 30 minutes ago" nakangiting sabi ni brian sabay kindat kay cath. Dahilan para mapayuko naman si cath sa kilig at hiya.
Di nalang ako umimik at nginitian sila. Nakakaumay na may dalawang lovers sa harap ko habang kumakain ako kaya umalis nalang ako sa harap nila at iniwan ang bawas kong pagkain. At pumanik na sa room.
Pagpasok ko sa pinto ay walang katao-tao dahilan para magtaka ako..
"9:30 na ah..." bulong ko habang nakatingin ako sa relo ko
Tapos na ang oras ng break time namin... pero wala parin yung mga classmate ko.
Pumasok nalang ako sa loob at naupo sa upuan ko. Dahil sa wala akong magawa, binuksan ko nalang yung laptop ko.
At di ko inaasahan ang tumambad sakin ...
Isang video message mula kay lander .
tumingin tingin ako sa paligid kung may tao o baka nandun din si lander, pero wala. bumalik ako sa upuan ko at matagal na tumitig sa laptop ko at sa di malamang dahilan, bigla ko nalang ito na play.
"Sa buong buhay ko, di pa ko nakakaramdam ng tinatawag nilang "LOVE". Oo, di pa ko nagkakaroon ng special someone, mas naging priority ko kasi ang pagiging tatay sa grupo namin at sa kanila lang umiikot ang mundo ko. Nabubuhay ako para sa kanila, para manatili kaming buo. Pero simula nung dumating ka sa buhay ko, kasabay nun ang unti-unting pagkawasak ng grupo, natuto akong huminga at mabuhay ng dahil sayo. Alam kong masyadong komplikado ang lahat, sa pagitan ng mga kaibigan natin at tayong dalawa ang nagiging sandalan nila at tagaayos ng lahat. Gusto ko lang na malaman mo na, Ikaw.. sayo ko nakikita ang sarili ko, ikaw ang babaeng hinahangad ko. Hinahangad ng puso ko... mahal na mahal na mahal kita claire"
Bigla nalang tumulo ang luha ko sa napanuod ko. Napatingin naman ako sa lalaking nakaluhod sa harap ko na may inaabot na panyo.
Si lander....
Mula sa pagkakaupo, niyakap ko. kasabay nito ang malakas na tinilian ng mga classmate ko mula sa labas na mga nakadungaw sa bintana
"KISS!!!" pangangantsaw nila.
"I LOVE YOU TOO..." bulong ko kay lander
Bigla nya naman akong itinayo at niyakap ng mas mahigpit.

Sa mga oras na ito ay parang nawala nalang bigla ang bigat na nararamdaman ko. Mula sa mainit na pagkakayakap ko sa kanya.
Nang dahil sa mga taong nakapaligid samin ay nagkakilala kami. Siguro ito na rin yung kapalit ng pagtulong ko sa kanila. At sana nga kami na.

*KINABUKASAN*

-CLAIRE POV.-

Gumising ako ng maaga at masayang sinalubong ang araw. Mas lalo rin ata akong naging inspired gumising sa araw araw dahil may isang taong umaasa sa akin.

"Ate josie, pa-luto po yung favorite food ni raine" sabi ko kay ate josie na nakatuka sa kusina
Dumiretso rin naman agad ako sa pool syempre, para maging fresh and cool.

Makalipas ang halos isang oras na pagbababad ko sa pool, nakatalikod ako at ramdam ko na may papalapit sakin mula sa likod kaya agad akong lumubog sa tubig at umikot sa ilalim, sa pag ahon ko ay nakaharap ko ang isang lalaking nag ngangalang lander na may malapad na ngiti.

"Ay! Shokoy!" Gulat na reaksyon ko na nagpasimangot naman sa kanya. "Sa gwapo kong to?" Pagmamayabang nya.
Inirapan ko lang sya at muling lumangoy papalayo sa kanya at umahon sa kabilang dulo.

Nang makaahon na ako, agad naman nya kong nilapitan at niyakap habang hawak hawak ang puting tuwalya at syang binalot nya sa katawan ko.
"Ang sexy ng mahal ko..." bulong nya sakin habang magkayakap kami.
Pakiramdam ko, medyo kumapal at lumakas ang loob nito simula ng maging kami. Naku, kung di ko lang to kilala baka nasampal ko na to.

"Ma'am, handa na po yung pagkain" sambit ni ate josie dahilan para bigla kumalas si lander sa pagkakayakap sakin. Mukhang kinapitan ng hiya ang mokong Hahaha.

Pumasok na kami sa loob at iniwan ko si lander sa dinning room at umakyat na ako upang magbihis ng pabg school uniform. Mga ilang sandali pa ay lumabas na rin ako ng kwarto ng hindi pa nakakapag ayos ng mukha at di pa nakakapag suklay.
Nagtungo ako sa kwarto ni raine upang ayain na syang kumain at baka sakaling mapagisipan nya ng pumasok
"Raine... nagluto si ate josie ng paborito mo, kain na tayo"  sambit ko mula sa tapat ng pinto ng kanyang kwarto at kinakatok ito.
"Raine..kain na" muling pag aya at katok ko pero di parin sya sumasagot. Marahan kong hinawakan ang doorknob at inikot ikot ito kasabay nun ang pagbukas ng pinto. "Bakit bukas?" Bulong ko at agad na pumasok sa loob. Bumungad sakin ang magulong kwarto ni raine na may mga kalat na damit sa ibabaw ng kanyang kama. "Raine? Kain na" sambit ko habang hinahawi ang kurtina sa bintana. Naging agaw pansin naman sakin ang bukas na cr at bukas ang shower pero wala doon si raine.

Nasaan na kaya yun? Medyo kinakabahan ako na ewan. At hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin.
Agad akong lumabas ng kwarto nya at bumaba sa dinning room.

"Land--" di ko na natapos ang pagtawag sa kanya dahil sa biglang lumitaw si raine mula sa pinto na nakasuot ng dress na itim.
"Raine?? Saan ka galing ?" Bungad na tanong ko habang papatakbong bumaba sa hagdan. "Kay mama" sagot nya habang tinatali ang kaninang nakalugay nyang buhok. Nang makababa na ko ay agad ko syang niyakap ng mahigpit at halata namang nagtaka sya.
"Umiiyak ka?" Tanong nya sakin at iniharap nya ko sa kanya at nginitian. Hindi na ko nakasagot at muling niyakap sya.
Ano ba kasing naisip nito na umagang umaga ay nakaitim pa. Pwede naman puti, kaya medyo natakot at kinabahan din ako.
Hanggang sa napansin nya ang nakahain na lomi na niluto ni ate josie dahilan para kumalas sya sa pagkakayakap ko at umupo at handang kumain.
Si lander naman ay parang natulala na ewan sakin at maya maya pa'y biglang tumawa ng pigil habang nakatingin sakin
"Bakit?" nagtatakang tanong ko "Naka Uniform ka, weekends ngayon at walang pasok" sagot nya na may pigil na tawa.
Dahilan para mapatingin ako sa sarili ko. At napasimangot sa kanya, pero sa loob loob ko ay nanliliit at natatawa na ko sa sarili ko.
Napaka weird ng araw na to, pero napakasaya dahil sa waka lumabas na rin si raine sa kwarto nya at kasabay ko pang mag almusal ang dalawang mahalagang tao sa buhay ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Campus Ng Mga CuteWhere stories live. Discover now