—Ken POV.—
*Tambayan*
Andito kaming lahat sa tambayan ... Michael , Brian , lander , timo at aKo .... Weekend kasi ngayon kaya walang pasok .
"Ken ! Bat parang di.ko na nakikita si raine ?? "- tanong sakin.ni lander habang naglalaro ng videogame .
"Oh .. Double kill !!! " - sigaw ni Michael habang naglalaro ng videogame .
Magkalaro kasi sila ni lander .
"Di ko nga rin alam tol ... Pero .. Sa tingin nyo .. Posible kayang si raine yung double L. ??"- tanong ko sa kanila habang papaupo .
Posible kaya ...? Kasi .. Si claire lagi nyabg kasama yung double L. Na yun .. Tapos si raine ...
Posible kaya ??
'"Nag iilusyon ka ata pre ! Si raine .. Si double L. ? Imposible ! Kitang kita naman ang laki ng pagkakaiba nila . GUTOMLANGYAN !! Wahahaha !!!"- pang aasar sakin ni brian .
Tsk ! Di talaga makausap ng maayos to si brian kahit kailan .
"Sino bang raine ? "- tanong sakin ni michael .
"Yung kinababaliwan ni ken ...!! Ito sya "-sagot ni brian kay michael at pinakita nya yung picture ni raine sa phone nya .
"Pano ka nag karoon ng picture ni raine ? "-tanong ko kay brian .
"wahahaha !!"- bigla nalang tumawa si michael nung nakita nya yung picture ni raine.
"Baliw kana tol !! Ayan ... Si raine si double L. ?? Wahaha !!! Imposible tol !!"- sabi ni michael .
"Imposible nga siguro .. "- sagot ko.
Humiga nalang ako sa sofa ng nakadapa.
"Ano kaya kong mag imbistiga tayo ? Tutal wala namang pasok at wala tayong gaanong ginagawa .. Ano game ?!'-tanong samin ni lander .
Bigla namang akong napabangon sa narinig ko .
"Sige ! Sige !!! Puntahan natin yung bahay ni babe ko !!"- excited na sabi ni michael at agad na tumayo at humarap sa salamin .
"Dapat pogi ako .. Para magustuhan nya ko "- sabi ni michael habang nakaharap sa salamin.
*pok*
Binatokan ni brian si michael .
Sabay takbo ni brian palabas at agad na sumakay ng kotse .
Sumunod naman kami .
"Tara lets !!!!!"- sigaw ni brian .
BINABASA MO ANG
Campus Ng Mga Cute
Teen Fiction"Hindi kailanman masusukat sa itsura, yaman at kaalaman ang pagiging karapat-dapat ng isang tao para mahalin at makamit ang mga mithiin sa buhay." Ako si Raine, isang panget na mayaman at kahit kailan hindi ko gagamitin ang yaman ko para magpa-retok...