Chapter 31

16.8K 308 1
                                    

Steph's POV

Ginawa nga niya yung sinabi niya na sabay kaming papasok sa opisina, kakain ng lunch at sabay pauwi. Mag-iisang buwan na at yung mga co-employee ko, ayun gulat at ang sasama ng tingin sa akin malibang sa mga kaibigan ko.

Minsan nga nakakarinig ang ng mga bulong-bulungan--I mean hindi pala bulong-bulungan dahil rinig na rinig ko, keso daw malandi ako. Hindi ko nalang sila pinapansin hindi naman kasi totoo yung mga pinagsasabi nila, gaya ng sabi ni Mars 'inggit lang ang mga froglets na yan.'

"Oi! Sandali lang hintayin niyo naman ako." Pigil ko sa mga kaibigan ko na papunta sa elevator.

Lunch time na kasi at gutom na gutom na ako. Nagwawala na yung mga alaga kong dragon sa tiyan ko.

"Sasama ka sa amin?" Di makapaniwalang tanong ni Andrea.

"Oo naman. Namiss ko na kayong kasabay maglunch. Hindi niyo ba ako na miss?" Umaarte pa akong nasasaktan.

"Bruha ka! Magdadrama ka na naman diyan. Halika na at gutom na aketch." Sabi ni Mars at naunang maglakad.

"Di kayo sabay kakain ng asawa mo?" Agad ko namang tinakpan ang bunganga ni Cedie baka may makarinig pa sa amin at iissue na naman ako.

"Wag ka nga baka may makarinig sayo. Hindi kami magsasabay ngayon may meeting siya kaya hali na kayo gutom na ang mga dragon sa tiyan ko." Hinila ko na sina Andrea at Mikaela papasok sa elevator, nakasunod naman yung mga lalaki sa amin at si Shaina na inaakbayan ni Bruno.
-----

Salamat PAPA GOD, busog na din ako.

"Oi! Steph, may nangyari na bang chuckchackchiness sa inyo ni Sir Travis?" Naibuga ko naman yung iniinum kong ice tea sa tanong ni Andrea.

Grabe tong babaeng to kung makapagtanong akala mo puro kami babae. Hello may mga lalaki po rito.
--------------------

"Anong klaseng tanong yan Andrea? It's too personal." Salamat kay Shaina :)

Muling natahimik ang kabuohan ng cafeteria at ayun--Dali-dali kaming napatingin sa wall clock OH WHY GOLLY WOW!

"Mga kalokohan mo Andrea." Sabi ni Wayne.

"Guys, tara na. Baka magalit pa si Sir Travis pagnakita na nandito pa tayo." Sabi ni Cedric.

Agad naman naming sinunod ang sinabi ni Cedie at bumalik na kami sa taas.
-------------------

2pm na di parin nakakabalik si Travis mula sa meeting niya. Wala naman siyang meeting right after nong lunch meeting niya.

Hindi na nga siya bumalik hanggang sa uwian na. Nagtext naman siya sa akin na di kami sabay umuwi at gagabihin siya.

Niligpit ko na ang mga gamit ko nang lumapit si Mars sa akin.

"Oh! What's happening to your pretty face? Parang pinagsaluban ka ng heaven and soil." Napatanga naman ako sa sinabi niya.

"Anong Heaven and soil?"

"Ada! Atey, langit at lupa tong dyosa na to. Di na nakakaintindi ng english." Pigilan niyo ako, sasapukin ko na tong baklang to.

"Atey, di ba kayo sabay ni fafa Travis?" Tumango nalang ako.

"OH MY! Don't tell me may third wheel?" Napatakip pa siya ng bibig.

"Ano na naman yang third wheel?" Pasensiya napakainosenti ko.

"OH MY! Atey, saan ka bang mountain galing?__Third wheel o Third party. Atey!"

"Hehehe. Yun pala yun."

"Oh! Ano Atey? Tutunganga lang diyan? Paano nga kung may iba si fafa Travis?"

Bigla namang sumasakit ang puso ko at napahawak nalang ako dito.

May sakit na kaya ako sa puso? Bakit bigla-bigla siyang sumasakit? At literal siyang sumasakit kung si Travis ang pinag-uusapan lalo na't makita ko siya na may kasama ibang babae.

"Atey, ok ka lang?" Mabuti't nandito pa si Mars. Inalalayan niya akong maupo sa upuan ko.

"Atey, tatawag na kaya ako ng doktor namumutla ka na eh." Nag-aalala niyang tanong.

"Hindi na. Pupunta din naman ako ng ospital para bisitahin si Kuya. Magpapacheck up nalang din ako."

"Gusto mo samahan na kita?" Offer niya.

"Wag na. Kaya ko to. Salamat sa pag-aalala."

Nang mawala na ang sakit umalis na rin ako.

*****
Thanks for reading!

-dkc

NEXT IN THE THRONE ---[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon