Chapter 1

30.8K 534 3
                                    

Itinuon ni Travis ang kanyang atensyon sa trabaho para makalimutan ang girlfriend. Apat na buwan na ang nakaraan nang siya'y iwan nito. Sa nagdaang tatlong buwan umasa siyang babalik pa ito at nakahanda ng magpakasal sa kanya pero wala. Kahit ni text or tawag wala rin siyang natanggap mula rito. Kung hindi pa siya nakatikim ng isang malakas na sapak mula sa ate Suzanne niya hindi siya magigising sa kahibangan niya.


Simula nang magising sa katotohanan siya na ang namamahala sa negosyo ng pamilya nila. Walang araw na hindi ito nag-oover time sa trabaho halos do'n na rin ito nakatira. Umuuwi lang ito sa mansyon para maligo at magpalit ng damit.

Malaki ang pinagbago ni Travis. Kung dati masayahin at malambing ito ngayon naging masama ang ugali at malupit sa mga taong hindi nagagawa ang gusto niya. Binansagan pa nga ito ng mga empleyado niya na 'the living dragon'.

"I said make it realistic and not this trash!" Binato niya ang folder na binigay ng sekretarya niya at nagkalat ang laman nito. Agad naman itong pinulot ng sekretarya at pagkatapos dali-daling lumabas ng opisina.

"What kind of report is this? Bakit bumaba ng limang daang libong peso ang sales natin last month?" Nakasigaw na ani niya sa CFO ng kompanya. Sasagot na sana ang CFO nang biglang pumasok si Chris Calibre, ang matalik niyang kaibigan.

"Hey! Easy lang Mr. CEO. Aaga kang tatanda n'yan." Sinenyasan ni Chris ang CFO na lumabas muna.

"What are you doing here?" Masungit na ani nito kay Chris habang nakatuon ang mga mata sa papeles na nasa mesa.

"Wala man lang 'Kumusta, pare?' Ang tagal na nating hindi nagkita tapos ganyan ka? Nagbago ka na talaga." Napaismid na lamang si Chris habang nakatitig kay Travis.

"Can't you see, I'm busy? You may leave now." Walang emosyong ani nito na hindi pa rin pinagtuonan ng pansin si Chris.

Napailing na lang si Chris. Wala naman talaga siyang balak puntahan si Travis nagkataon lang na may meeting siya sa katapat na coffee shop at nakiusap din ang butihin niyang asawa na bisitahin ang pinsan na inalipin na ng trabaho.

"Pasensiya na istorbo, huh. Aalis na ako." ani ni Chris saka lumabas ng opisina.

Pagkaalis ni Chris napagtanto niyang mali ang pakikitungo niya sa kaibigan.

-----

"Did I tell you that make the presentation perfect?" Tumango naman ang pobreng sekretarya.

Umaga pa lang galit na galit si Travis sa kanyang sekretarya nang tiningnan nito ang ginawang presentation para sa gaganaping meeting.

"Then what the hell is this? Mas maayos pang gumawa ng presentation ang isang grade schooler sa 'yo. You're fired!" Binato ni Travis ang flash drive sa mukha ng sekretarya.

"Sir, parang awa niyo na po. 'Wag niyo po akong tanggalin ako na lang po ang inaasahan ng pamilya namin." Nakaluhod at nagmamakaawa sa harap niya ang sekretarya.

"Get out! I have no time for your drama." Luhaang lumabas ng opisina ang dating sekrtarya.

Pagkalabas nito agad niyang tinawagan ang kanyang assistant.

"Carl, find me another secretary as soon as possible."

-----

NEXT IN THE THRONE ---[COMPLETED]Where stories live. Discover now