"Wag ka ngang tanga Fontanilla." 

kunwari ay pigil ko sa kanya pero nakangiti naman ako. Pakipot ang peg!

"C'mon Sweetheart." pag-pilit niya sakin.

Lumapad ang ngiti ko. Sh*t! Kinikilig ako!

"Don't call me sweetheart, ang baduy mo."

"Anong gusto mong itawag ko sayo?"

'Don lang ako natigilan.Muntik ko ng makalimutan, wala pa pala kaming official na tawagan bilang mag-asawa. Sweetheart? Honey? Nakakasawang pakinggan. Halos lahat na 'yata ng couple nagamit na ang call sign na 'yun. Dapat mag-isip ako ng bago.

Mabilis kong tinulak si Tristan at bumaba ako ng kama at pumunta sa study area. Kumuha lang ako ng notebook na pagsusulatan ko at isang ballpen, pagkatapos ay bumalik na ulit ako kay Tristan na nooy kunot noong sinusundan ako ng tingin na tila nagtataka kung anong ginagawa ko.

Dumapa ako sa kama at saka binuklat ko ang pahina ng notebook na pwede kong sulatan. Naramdaman ko ring dumapa si Tristan at tila lintang nagsumiksik sa tabi ko na animo'y gustong makiisyoso sa kung ano mang ginagawa ko.

"Wifey and Husby?"

 Umiling ako saka binura ko ang sinulat ko.

"How about Lifey and Lovey?"

Ay! Hindi rin.

Umiling na naman ako at pagkatapos ay ginuri-guri ko ang sinulat ko gamit ang hawak kong ballpen. Tila inosenteng bata na tinitigan ako ni Tristan.

"Ano ba 'yang pinaggaga-gawa mo?" tanong niya sakin.Naiimbyernang tumingin ako sa kanya.

"Hindi ba obvious? Edi gumagawa ng tawagan nating dalawa." 

usal ko sa kanya. Bahagya lang siyang napatawa.

"Kailangan pa ba talaga 'yan?" tila nawi-weirduhan na tanong niya sakin.

"At bakit hindi?" sabi ko using my tumigil-ka-na-nga-sa-kakatanong look.

Tumahimik na rin siya bagkus ay tinulungan niya pa kong mag-isip ng kung anoman ang magiging tawagan naming dalawa. Nagbibigay din siya ng ilan niyang ideya na medyo may pagka-corny nga lang ang dating, kaya lagi ko siyang pinagtatawanan. Mas marami pa nga ang ginawa naming mga pagkukulitan kesa sa mga naisip naming tawagan.

Kung hindi nagkikilitian o nagtatawanan, naghahabulan naman kaming dalawa sa loob ng kwarto namin na para bang mga bata na masayang naglalaro.

"Tristan! Ayoko na ha! Subukan mong kilitiin na naman ako! Ibabato ko na talaga sayo 'to!" banta ko sa kanya habang nakahamba kong ibato sa kanya ang hawak kong flower vase na naka-display sa side table ng kama.

Pano kasi, nag-ti-teary eyes at sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa pero ayaw niya pa rin akong tigilan sa kaka-kiliti.Feeling ko tuloy parang tuwang-tuwa siya kapag naririnig niya ang mga halakhak ko.

"Ok.Suko na 'ko. Bitawan mo na 'yan." tatawa-tawang awat niya sakin.

Good! Ibinaba ko na ang hawak ko. Nakita kong lumapit sakin si Tristan at puno ng pananabik na niyakap niya ko ng mahigpit. Ginantihan ko rin ang yakap niya pagkatapos ay pumikit lang ako at ngumiti na wari'y ninamnam ko ang bawat sandali na kami'y magkasamang dalawa.

Ang sarap sa pakiramdam nito na pagkatapos ng tampuhan eh susunod naman ang lambingan. Ang saya ko, sobrang saya ko na lagi kaming ganito, namasayang nagtatawanan, na masayang naghaharutan, kaya rin naman minsan nagagalit na lang ako sa sarili kung bakit napag-iisipan ko pa siya ng masama ganung ang lahat naman ng ginagawa niya sakin ay pulos kabutihan.

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon