My Homosexual Lover - The Test

170 4 0
                                    

Episode 3

Bakit pa naman kasi ngayong araw pa nangyare sakin to? Lord bakit di ka man lang nag chat sa facebook o nag text sa akin para sabihan ako sa mangyayare saken, para naman nakapag paganda pa ako.

Walang malisya, nilapitan ko si Gabriel at tinignan yung sa kanya kung naka shave din. Pero nakaka lungkot. Bakit ganun napaka unfair naman ata neto. Bakit sakin live na live yung damuhan tapos yung kay Gabriel naka censored? Grabe napaka unfair talaga.

Habang tinitignan ko ang bato bato niyang katawan, bigla akong nagulat kasi bigla tong nagsalita.
Ikaw ba namang di magugulat, hubot hubad na lalaki na pagka macho machong nakatayo sa yong harapan di tutulo laway mo?

"Erica Ferrer? Tama ba.... "

Tanong niya sa akin habang nakatingin sa scroll na lumulutang na bigla lang sumulpot sa aming harapan.

"Yes, Erica Ferrer at your service present po"
Sabi ko sa kanya while nagpapa cute. Pero syempre nakatakip ang mga kamay ko sa damuhan kong di pa nababawasan.

Tinanong niya ako kung gusto ko na raw pumunta ng langit. Peru bigla kong naisip kung ano tong napakaliwanag na lugar kinatatayuan namin. Tinanong ko siya tungkol dun, pero gulat kong malaman ng sinabi nya, na nasa ulap lang kami. Sumabit lang daw ang kaluluwa ko dahil gusto pa netong mabuhay ulet.

Mayat-maya pa'y pinakakita nya sa akin ang mundo. Yung parang high technologing mundo kumbaga. Zinoom nya ng napakalapit hanggang sa makita ko ang sarili kong walang buhay'ng nakahigat dinadala na patungong balsamador.

Habang tinitignan ang sarili kong bangkay, bigla nyang pinakita sa akin kung ano ang dapat kung gagawin sa aking sarili. Pinabasa niya sa akin ang isang kasunduang maglalayun na ako'y mabubuhay ulet sa lupa. Pero sa mga sumusunod na kundisyon.

Una - kelangan kong makilala ang taong nararapat para sa akin sa loob ng isang buwan.

Pangalawa - Bawal ng magsinungaling dahil sa bawat pagsisinungaling isang araw ang katumbas na matatanggal sa kanyang isang buwang pananatili sa mundo.

At Pangatlo - wala nang pangatlo.

Pagkatapos kung mabasa ang kasunduan bigla nalang akong nahilo at hinimatay.



(1.....2.....3 Clear!
His heartbeat is back doc. Congratulation for this success at naibalik sa normal ang isang pasyente.)

Yun ang mga salitang naririnig ng tenga ko kahit na wala na akong malay. Maya maya pa ay idinilat ko ang mga mata ko. Laking gulat at panginginig ng buo kong katawan ng makita ko ang sarili kong puno ng dugo at nilalagpasan lang ng mga tao sa gitna ng ospital.

Bigla ko ring naalalang patay na ako dahil sa nangyaring trahedya sa amin ni Dylan. Hinanap ko agad kung asan si Dylan at kung ok lang ba siya. Nakita ko ang katawan ni Dylan na walang malay doon sa ICU at ok na ang kanyang lagay.

Habang umiiyak ako't naglalakad sa ospital, nakita ko ang isang lalaking duguan at sira ang kalahating mukha, na nakatayo sa likuran ng dalawang babaeng dumadangolngol din sa pag iyak sa kanilang namatay na tatay.
Hindi ko na siya pinansin dahil nasisiguro kong siya yung taong nakabungguan namin ni Dylan.
Pero lumapit sya sa akin at humingi ng pabor na sabihin sa kanyang dalawang anak na mahal na mahal nya ang mga ito.

Nang sinabi nya yun sa akin, bigla ko nalang naalala ang tungkol sa kasunduang sinabi ni Gabriel sa akin. Kaya bigla akong kumaripas ng takbo at hinanap kong asan ang katawan ko.

(Thank you for reading....)
Vote and enjoy continue for the next part. ™

My Homosexual Lover (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon