Between the choice

13.4K 355 90
                                    

Chapter 25

Russell's POV

Ano yung pinakamasakit sa lahat na pangyayare sa buhay ng isang tao? Ito yung makita mo yung taong

sobrang mahal na mahal mo na masaktan ng dahil sayo....sobrang laki ng pinagbago ng buhay ko ng

dumating si Andy, sobrang naging masaya ako at sa tuwing tinititigan nya ako ito yung nagsisilbing  

dahilan ko para di ako mainsecure sa ibang tao dahil ako lang yung maganda sa mga mata nya, na  

kontento sya na ako yung kasama nya at higit sa lahat kahit hindi bigkasin ng mga labi nya yung salitang  

mahal ay pinapadama nya sa pamamagitan ng titig nya kung gaano nya ko kamahal.....sa bawat araw na  

nagdadaan na tumututol yung mommy nya sa amin lalo akong nahihirapan para sa amin at lalo na para

kay Andy.....

"wala kayong patutunguhang dalawa!" ito yung parating bumabalik sa isip ko...ito yung pinakamasakit  

na salitang natanggap ko sa mommy nya...na masisira yung buhay ni Andy sa akin dahil walang wala na  

ako...

"Anong wala tayong patutunguhan? .....may pangarap tayo na tutuparin....may gusto tayong mangyare

sa future at iyon ay magkasama parin tayo hanggang huli! Kaya nga umaasa tayo na maaayos natin tong

problema......" umiiyak na sabi nya sa akin, yung luha ko dirediretso ng naglandas sa pisngi ko at pinigilan

kong wag kumawala yung paghikbi ko, nasa loob kami ng kwarto ko sa bahay ni Ate Chase na nasa  

Baguio ngayon para sa Seminar.

Natahimik sya pero yung luha nya patuloy parin na kumakawala sa mga mata nya,nakaupo ako sa edge

ng kama habang katulad nya ay tahimik na umiiyak....gustung gusto kong lumaban para sa kanya pero

sobrang durog yung puso ko na makitang mawala ang lahat sa kanya ng dahil sa akin, na kinakalaban nya

yung nanay nya ng dahil sa akin....kung wala siguro ako maayos yung relasyon nya sa pamilya nya.

Lumuhod sya sa harap ko at hinawakan yung dalawang kamay ko

"R-Russell.....ako na lang ba yung umaasa?" umiiyak na tanong nya sa akin

"Idinadalangin ko naman na maayos lahat....na di ko kakayanin kapag nawala ka sa akin pero  

Andy....sobrang sakit sa akin na makitang nasasaktan ka sa nangyayare sa pamilya mo at ng dahil sa  

akin....paano ko ba kakayanin kapag nahihirapan ka na?" umiiyak na sabi ko sa kanya

Pinagdikit nya yung mga noo namin at pilit nya hinohold yung pag iyak nya

"Ano bang sabi ko sayo? Ipikit mo lang yang mga mata mo....ngayon lang ako naging masaya at iyon ng  

nakasama kita at pinagkatiwala mo yang puso mo sakin....na mahal mo ako....Russell wag mo kong iwan  

please...." Umiiyak na pagmamakaawa nya kaya mas lalo akong napaiyak

"Sobrang mahal na mahal kita....." bulong ko

"Kaya nga lumaban ka para sa akin... pasensya na kase di ko lang talaga na kaya na wala ka sa buhay  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling Inlove With My Roommate Book1 CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon